Sa mitolohiyang Mesopotamiano, si Ereshkigal (𒀭𒊩𒆠𒃲 DEREŠ.KI.GAL, lit. "dakilang babae sa ilalim ng mundo") ang Diyosa ng Irkalla na lupain ng mga namatay o mundong ilalim. Minsan, ang kanyang pangalan ay ibinibigay na Irkalla sa katulad na paraan ng paggamit ng Hades sa Mitolohiyang Griyego para sa parehong mundong ilalim at pinuno nito. Si Ereshkigal ang tanging isa na nakakahatol at magbgay ng mga batas sa kanyang kaharian. Ang pangunahing templong inalay sa kanya ay nasa Kutha.[1] Siya ay tinatawag ng Diyosang si Ishtar bilang matanda niyang kapatid sa imnong Sumeryo na "Ang pagbaba ni Inanna" na tinawag sa kalaunang mitong Babilonyo na "Ang Pagbaba ni Ishtar".

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Ereshkigal", Encyclopædia Britannica Ultimate Reference Suite DVD, 2003.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES