Estilistika (panitikan)

Ang estilistika o estaylistika (Ingles: stylistics, literal na "mga kaestiluhan" o "mga pang-estilo") ay isang sangay ng linggwistika na may kinalaman sa agham o pag-aaral ng literatura sa pamamagitan ng pagsusuri sa mismong teksto ng isang nasulat na akda. Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa teksto gamit ang mga sangay na linggwistika tulad ng ponolohiya, morpolohiya atbp., maaring ipakita kung anong tipong istilo ang naipapaloob sa pagsulat ng isang manunulat at kung anong ideolohiya ang ipinapalabas sa teksto. Madalas na ginagamit ang estaylistika sa pagsusuri ng mga pampanitikang akda, bagaman ginagamit din ito sa mga realista o mga hindi kathang-isip na akda.

Ang Ruso na si Roman Jakobson ang pormal na nagpasimula ng pormalista o makatekstong estaylistika. Ang sangay na ito ng estaylistika ay nagpapalagay na ang pakahulugan o ibig ipahiwatig ng isang teksto ay ganap na maipapahiwatig ng teksto lamang. Sa medaling sabi, hindi nito binibigyang halaga ang personal na pagkaintindi ng mambabasa sa teksto. Sa kabila nito at sa iba pang kritisismo sa ganitong istilo ng estaylistika, ipinasimula ni Jakobson ang pormal na pag-aaral ng literatura sa paggamit ng mga opisyal na sangay ng linggwistika.

Ang mga sumunod na uri ng estaylistika ay nagsilbing hamon sa naunang ideya ni Jakobson na ang teknikal na aspeto ng teksto lamang ang nararapat na bigyang-suri sa pag-aaral ng estaylistika. Kabilang dito ang functionalist na paggamit sa estaylistika ni Michael Halliday na ipinapahiyag na ang statistikal na pagsusuri sa teksto, tulad ng pagbibilang ng bilang ng pang-uri o pang-abay, ay nagpapahiwatig ng mainam na pagpapahalaga sa teksto. Ang apektibong estaylistika naman ay nagbibigay-halaga sa katayuan ng mambabasa sa isang teksto. Pinaninindigan nito na ang kahulugan ng isang teksto ay nakasalalay sa pagpapakahulugan dito na isang mambabasa. Isang kahinaan ng ganitong estaylistika ay ang pagkakaibaiba ng interpretasyon ng mga mambabasa sa isang teksto na nagbubunga ng kahirapan sa pag-iisa ng pakaulugan ng isang teksto.

Sa kalaunan ay nagkaroon na rin ng gamit ang estaylistika sa pagtuturo, sa larangan ng pragmatika at pati na rin sa gamit ng feminismo. Napapaloob sa mga nasabing turo sa estaylistika na ang bawat teksto, lalo na ang mga literaryong uri, ay napapalooban ng ideolohiya, mga representasyon ng lipunan, pagkatao at mga nosyon ng subersibong pag-iisip. Sa pamamagitan ng pagsusuri at paggamit ng mga halimbawa mula sa teksto, maipapakita kung anong klase ng ideolohiya o pagpapahalaga ang ipanapahiwatig ng isang teksto.

Isang epektibong panuri ng teksto ang estaylistika. Nagbibigay ito ng iba’t ibang perspektibo kung paano maipapakita o mahihinuha ang kahulugan ng isang pampanitikang akda.

Mga sanggunian

baguhin
  • 'daasfasgw7yeufhdui'The Stylistic Reader: From Roman Jakoson to the Present. Ed. Jean Jacques Weber. New York: St. Martin’s Press, 1996.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES