Ang flash fiction o dagli ay isang estilo ng kathang-isip na may labis-labis na kaiklian.[1] Walang depinisyon ang kalawakang tinatanggap para sa kahabaan ng kategoryang ito. Ang ibang naglalarawan sa kanilang sarili bilang merkado ng flash fiction ay nagtatakda ng hanggang tatlong daang mga salita, habang ang iba naman ay itinuturing na flash fiction ang mga kwentong may bilang na isang libong mga salita.

Mga katawagan

baguhin

Maraming katawagan ang mayroon sa kategroyang ito, kasama na ang micro fiction, micro narrative, micro-story, postcard fiction, short short, short short story at sudden fiction, ngunit minsan, may pinagkakaiba ang ilan sa mga katawagang ito; halimbawa, ang isang libong mga salita ay ang itinuring pagitan ng flash fiction at ang mas mahabang maikling kwentong sudden fiction. Minsan, ang "micro fiction" at "micro narrative" ay tinuturing na hangganang tatlong daang mga salita.[2] 

Kasaysayan

baguhin

Ang pinagmulan ng mga maiikling kathang-isip ay nagsisimula pa bago ang kasaysayan, itinala sa pinagmulan ng pagsulat sa mga ito. Kasama dito ang mga pabula at parabula, kapansin-pansin ay ang Aesop's Fables sa kanluran at ang mga kwentong Panchatantra and Jataka sa India. Iba pang mga halimbawa ay ang mga kwento ng Nasreddin at at Zen koans tulad ng The Gateless Gate.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Cohen, Elizabeth.
  2. Brewer, Robert Lee (2010). 2011 Poet's Market. Writer's Digest Books. p. 262. ISBN 9781582979502. Nakuha noong 9 Nobyembre 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES
chat 1