Georgetown
Ang Georgetown ay isang lungsod at kabisera ng Guyana, matatagpuan sa Rehiyon 4, na kilala din sa tawag na rehiyong Demerara-Mahaica. Ito ang pinakamalaking urbanong sento ng bansa. Matatagpuan ito sa baybayin ng Karagatang Atlantiko sa bunganga ng Ilog Demerara at may palayaw na "Harding Lungsod ng Karibe."
Georgetown | |
---|---|
Lokasyon ng Guyana at Timog Amerika | |
Mga koordinado: 6°48′4″N 58°9′19″W / 6.80111°N 58.15528°W | |
Bansa | Guyana |
Rehiyon | Demerara-Mahaica |
Naitatag | 1781 |
Ipinangalan | 29 April 1812 |
Pamahalaan | |
• Uri | Alkalde-Konseho |
• Alkalde | Ubraj Narine |
Lawak | |
• Kabuuan | 70 km2 (30 milya kuwadrado) |
Taas | 0 m (0 tal) |
Populasyon (2012)[1] | |
• Kabuuan | 118,363 |
• Kapal | 1,700/km2 (4,400/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC-4 |
Kodigo ng lugar | 231, 233, 225, 226, 227 |
Klima | Af |
Pangunahing nagsisilbi ang Georgetown bilang isang tingian at administratibong sentro. Nagsisilbi din ito bilang isang sentro ng mga serbisyo. Nagtala ang lungsod ng isang populasyon na 118,363 sang-ayon sa senso ng 2012.[1]
Kasaysayan
baguhinNagsimula ang lungsod ng Georgetown bilang isang maliit na bayan noong ika-18 dantaon. Noong una, matatagpuan ang kabisera ng kolonya ng Demerara-Essequibo sa Pulo ng Borsselen sa Ilog Demerara sa ilalim ng pamamahala ng mga Olandes. Nang binihag ng mga Briton ang kolonya noong 1781, pinili ni Tenyente-Koronel Robert Kingston ang bunganga ng Ilog Demerara para maging panirahan ng isang bayan na matatagpuan sa mga Taniman ng Werk-en-rust at Vlissengen.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Guyana Population and Housing Census 2012: Preliminary Report (PDF) (Ulat) (sa wikang Ingles). Bureau of Statistics, Guyana. Hunyo 2014. p. 23. Nakuha noong 23 Mayo 2016.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Wesleyan Mission Premises, George-Town, Demerara". Wesleyan Juvenile Offering (sa wikang Ingles). London: Wesleyan Methodist Missionary Society. VII: 1. Enero 1850. Nakuha noong 19 Nobyembre 2015.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)