Si Grigori Yefimovich Rasputin (Ruso: Григорий Ефимович Распутин, IPA [ɡrʲɪˈɡorʲɪj jɪˈfʲiməvʲɪtɕ rɐˈsputʲɪn]) (21 Enero [Lumang Estilo 9 Enero] 1869 – 30 Disyembre [Lumang Estilo 17 Disyembre] 1916) ay isang Rusong mistiko at tagapagpayo ng mga Romanov, ang mag-anak ng Imperyo ng Rusya. Hindi siya kailanman naging opisyal na mayroong kaugnayan sa Simbahang Ortodokso subalit itinuturing siya na isang strannik (o peregrino) na nagpapalipat-lipat mula sa iba't ibang mga monasteryo o kumbento. Itinuturing din siyang isang starets (ста́рец, "nakatatanda", isang pamagat na karaniwang inilalaan para sa mga mongheng kumpesor), dahil pinaniniwalaan na siya ay isang sikiko at nakapagpapagaling dahil sa pananalig.[1] Napahanga niya ang maraming mga tao dahil sa kaniyang kaalaman at kakayahan na maipaliwanag ang Bibliya sa isang paraang hindi kumplikado.

Si Grigori Rasputin.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Rasputin: The Mad Monk [DVD]. USA: A&E Home Video. 2005.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Rusya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
todo 1