Ang isang halamang pambahay ay isang halaman na pinatutubo, pinalalaki, at inaalagaan sa loob ng bahay o iba pang mga lugar na tinitirhan o pinamamalagian ng mga tao katulad ng mga tindahan at opisina. Ginagamit silang pandekorasyon at mga kadahilanang pangkalusugan katulad ng puripikasyon o paglilinis ng hanging nalalanghap. Madalas na ginagamit panloob ng bahay ang mga tropikal o semitropikal na halaman, bagaman hindi palagian.[1] Mabibilang din sa kasalukuyan ang “aquascaping” ng mga halamang-pantubig na ginagamit sa akwaryong pantabang.

Maaaring ilagay sa paso at gawing halamang pambahay ang isang Yucca gloriosa.
Halamang-pantubig sa loob ng bahay.

Pinagmulan

baguhin

Kadalasang mga halamang namumuhay sa mga disyerto, mga kabundukan at mga kagubatan ang mga ninuno ng mga ito.[2] Ang ilan naman ay galing sa mga parang, kabukiran, tubigan at mga karatig na lugar.

Sanggunian

baguhin
  1. "EDIS Publication (hindi na mapupuntahan - naka-arkibo)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-04. Nakuha noong 2008-07-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Houseplants". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES