Si Hellboy ay isang kathang-isip na karakter sa komiks na sinulat at ginuhit ni Mike Mignola. Unang lumabas ang karakter sa San Diego Comic-Con Comics #2 (Agosto 1993), at lumabas na simula noon sa iba't ibang eponimong miniserye, isahang lathala, interkompanyang crossover. Nagkaroon ng adaptasyon ang karakter sa tatlong tinampok na pelikulang totoong-tao o live-action. Pinagbidahan ang unang dalawang pelikula noong 2004 at 2006 ni Ron Perlman bilang ang titulong karakter, at pinagbidahan naman ang isa pang pelikula noong 2019 ni David Harbour, gayon din ang dalawang diretso-sa-DVD na pelikulang animasyon, at taltlong larong bidyoAsylum Seeker, The Science of Evil, at bilang nalalarong karakter sa Injustice 2.

Hellboy
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDark Horse Comics
Unang paglabas
  • Dime Press #4 (Marso 1993): unang prototipong anyo, pabalat lamang
  • San Diego Comic Con Comics #2 (Agosti 1993): unang buong anyo ni Hellboy, itim & puti lamang
  • Next Men #21 (Disyembre 1993): unang anyo sa isang regular na nilalathalang pamagat, unang anyong may kulay
TagapaglikhaMike Mignola
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanAnung un Rama
EspesyeCambion (kalahating-tao, kalahating-demonyo)
Lugar ng pinagmulanSilangang Bromwich, Reino Unido
Kasaping pangkatB.P.R.D.
Kakampi
  • Abe Sapien
  • Liz Sherman
  • Johann Krauss
Kakayahan
  • Higit-sa-taong lakas, istamina, katibayan, at mahabang buhay
    • Pinabilis na paggaling
    • Malawak na kaalaman sa sobrenatural
    • Right Hand of Doom o Kanang Kamay ng Pagkawasak (na nagsisilbing susi sa Katapusan ng Sanlibutan)
    • Likas na kakayahan na maintindihan ang mga wikang pang-mahika
    • Hindi tinatablan ng sunog o kidlat

Isang may mabuting loob na kalahating-demonyo (o Cambion) na may tunay na pangalan na Anung Un Rama ("at nakalagay sa kanyang noo ang isang korona ng apoy"), tinawag si Hellboy mula sa Impyerno tungo sa Daigdig bilang isang sanggol ng okultistang Nazi (nagtanim siya ng galit sa Ikatlong Reich). Natuklasan siya sa kathang-isip na Pulo ng Outer Hebrides ng mga Puwersang Alyado; isa sa kanila ay si Propesor Trevor Bruttenholm, na binuo ang Bureau for Paranormal Research and Defense (B.P.R.D.) sa Estados Unidos. Dumating ang oras, lumaki si Hellboy na maging napakalaki, kulay pula ang balat na may buntot, mga sungay (na naputol, at naiwan ang bilugang tuod sa kanyang noo), biyak na kuko sa paa tulad ng nasa baka, at isang sobrang laking kanang kamay na gawa sa bato (ang "Right Hand of Doom" o Kanang Kamay ng Pagkawasak). Isinasalarawan ang amoy niya bilang tuyong inihaw na mani. Bagaman medyo bastos, hindi nakikita sa kanya ang paghahangad ng masama sa kapwa na inakalang na mayroon sa klasikong demonyo at mayroon din siyang ugaling magpatawa. Naging ganito siya dahil sa pagpapalaki sa kanya ni Propesor Bruttenholm, na pinalaki siya bilang isang normal na bata.

Konsepto at paglikha

baguhin

Nalikha si Hellboy noong 1991 sa isang guhit ni Mike Mignola na ginawa niya para sa isang promosyonal na polyeto ng isang demonyo na may nakasulat na "Hell Boy" sa sinturon nito na gagamitn para sa Great Salt Lake Comic-Con. Sa simula, walang intensyon si Mignolia na gumawa na kahit anumang seryoso sa konsepto, subalit sa kalaunan, nagpasya siyang na nagustuhan niya ang pangalan.[1]

Kasaysayan ng paglalathala

baguhin

Bago malayang nailathala ang Hellboy sa Dark Horse Comics, unang inihain ang konsepto sa isang lupon ng mga direktor ng DC Comics, na nagustuhan ito, datapuwa't hindi nila nagustuhan ang ideya na kinakasangkutan ito ng "Impyerno."[2]

Naisip ang unang mga kuwento ni Mignola pati na rin ang guhit kasama ang iskrip na sinulat ni John Byrne at ilang mga sumunod na kuwento na ginawa ng mga manlilikha maliban kay Mignola, kabilang si Christopher Golden, Guy Davis, Ryan Sook, at Duncan Fegredo. Nangangahulugan ang dumaraming lagak mula sa prangkisang Hellboy na ang isahang lathain na In the Chapel of Moloch noong 2008 ay ang unang komiks na Hellboy na si Mignola ang nagbigay ng iskrip at sining simula noong The Island ng 2005.[3]

Mga parangal

baguhin

Noong Marso 2009, nanalo si Hellboy ng dalawang kategorya na binotohan ng mga tagahanga sa Project Fanboy Awards ng 2008: "Best Indy Hero" at "Best Indy Character."[4]

Noong 2011, nakaranggo si Hellboy sa ika-25 sa Pinakamataas na 100 Bayani sa Komiks ng IGN.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Irving, Christopher (Abril 2007). "The Genesis of Hellboy". Back Issue! (sa wikang Ingles) (21): 3–5.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Hellboy II: The Golden Army". Bam! Kapow! (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 25, 2009. Nakuha noong 2011-02-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Going to the Chapel: Mignola Returns to Drawing Hellboy". Comic Book Resources (sa wikang Ingles). Oktubre 27, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Project Fanboy Award Winners" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-02. Nakuha noong 2009-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Hellboy – #25 Top Comic Book Heroes". IGN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-24. Nakuha noong 2019-04-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES
see 1