Ang hindi tunay na pagbubuntils o hindi totoong pagdadalangtao (Ingles: false pregnancy, phantom pregnancy, hysterical pregnancy, pseudocyesis sa tao, at pseudopregnancy sa iba pang mga mamalya) ay ang paglitaw ng mga palatandaan at mga sintomas na pangklinika (pangmedisina) at subklinikal (kabahagi ng medisina) na may kaugnayan sa pagdadalangtao o pagbubuntis kapag ang organismo ay hindi naman talaga buntis. Sa klinikal, ang hindi totoong pagbubuntis ay pinaka karaniwan sa medisinang beterinaryo (partikular na sa mga aso at sa mga daga). Hindi gaanong karaniwan sa mga tao ang hindi tunay na pagdadalangtao at maaaring paminsan-minsang pangsikolohiya o nasa isipan (mental) lamang o pagbubuntis na sikolohikal (pagdadalangtaong sikolohikal). Sa pangkalahatan, tinataya na ang hindi tunay na pagbubuntis ay sanhi ng mga pagbabago sa sistemang endokrina ng katawan, na humahantong sa sekresyon o pagdidiskarga ng mga hormona na nagdurulot ng mga pagbabagong pisikal na kahalintulad ng sa mga habang nagdadalangtao. Ilan sa mga lalaki ang nakakaranas ng kahalintulad na karamdaman na mararanasan ng mga babae habang buntis kapag ang kanilang kapareha ay nagdadalangtao (tingnan ang sindromang Couvade), na maaaring sanhi ng mga pheromone na nagpapataas ng mga antas ng estrohena, prolaktina, at kortisol. Sa tao, ang babaeng may hindi tunay na pagbubuntis ay mayroong kondisyon o kalagayan kung saan siya ay maaaring makaranas ng lahat ng palatandaan ng pagdadalangtao habang hindi naman siya buntis.[1]

Pseudocyesis
EspesyalidadSikiyatriya, sikolohiya Edit this on Wikidata

Mga sanggunian

baguhin
  1. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 566.

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot, Tao at Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES