Si Horemheb (na minsang binabaybay na Horemhab o Haremhab at nangangahulugang Si Horus ay nasa Pagdiriwang) ang huling Paraon ng Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto mula 1319 hanggang sa huli ng 1292 BCE,[1] o 1306 hanggang sa huli ng 1292 BCE (kung siya ay namuno sa loob ng 14 taon) bagaman wala siyang kaugnayan sa naunang pamilyang hari at pinaniniwalaang nang isang kapanganakan ng karaniwang tao. Bago siya naging paraon, siya ang hepeng komander ng hukbo sa ilalim ng mga pamumuno nina Tutankamun at Ay. Pagkatapos niyang umupo sa trono, kanyang binago ang estado at sa ilalim ng kanyang pamumuno nang ang opisyal na aksiyon laban sa naunang mga pinunong Amarna ay nagsimula. Binuwag ni Horemheb ang mga monumento ni Akhenaten at muling ginamit ang mga labi nito sa pagtatayo ng kanyang mga proyekto at sinunggaban ang mga monumento nina Tutankhamun at Ay. Si Horemheb ipinagpapalagay na nanatiling walang anak dahil kanyang hinirang ang kanyang vizier Paramesse bilang kahalili na naghari bilang Ramesses I.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Erik Hornung, Rolf Krauss & David Warburton (editors), Ancient Egyptian Chronology (Handbook of Oriental Studies), Brill: 2006, p.493 Chronology table
  NODES
os 2