Inhinyeriyang heoteknikal

Ang inihinyeriyang heoteknikal (Ingles: geotechnical engineering) ay isang sangay sa inhinyeriyang sibil na nakatuon sa lakas at katangian ng lupa at ang aplikasyon o gamit nito sa inihinyeriya. Ang iniimbestigahan kadalasan dito ay ang lakas ng lupa na mabuhat ang isang mabigat na gusali, kung ligtas ang dalusdos na ito at sa paggawa ng mga lupa na itatayo ng kalsada at saka sa konstruksiyon ng gusali.

Ilan sa mga katangian ng lupa na mahalaga sa inhinyeriyang heoteknikal ay ang mga sumusunod: ang sagad na lakas ng paggupit (shear strength), timbang ng yunit (unit weight), at mga hangganan o limitasyong Atterberg (Atterberg limits).

Ang sagad na lakas ng paggupit ay ang lakas ng lupa para maiiwasan ang pagbagsak dahil sa shear stress o diing pagupit. Kinukuha ng shear strength ang kanyang lakas sa pamamagitan ng dalawang kadahilanan: anggulo ng pagkiskis (friction angle) saka pagkakaisa o kohesyon ng lupa. Ang mga numero ng anggulo ng priksiyon at kohesyon ay nakukuha na gamit ang pasusulit na tri-aksiyal o tatluhang ehe na ginagaya ang likas na kalagayan ng lupa sa mundo.

Ang timbang o bigat ng yunit naman ay ang bigat kada dami ng lupa. Importante ito sa kadahilanang dito kinukuha ang kakayahan ng lupa na mapigilan ang bigat na nilalagay sa kanya pahalang o patayo man ito.

Ang mga limitasyong Atterberg ang nagbibigay ng kalagayan ng lupa kung ito ba ay malambot dahil sa dami ng tubig o matigas dahil sa sobrang pagkatuyo nito. Nahahati ang mga hangganan sa tatlong mga bahagi: solido, plastik, at likido. Kapag sinabing kalagayang likido (liquid state) ang lupa, ang lupa ay parang isang tubig, pag plastik naman ay nagsisimula na siyang manigas, at kapag solido ay sobrang tigas na niya.

Halimbawa ng mga naging produkto ng inhinyeriyang heoteknikal

baguhin

Pundasyon ang nagsisilbing tagapagdala ng bigat ng isang bahay o gusali at nilalagay nila ito sa lupa. Ang dapat tinitingnan sa pagdidisenyo ng pundasyon ay ang pag-iwas sa unti-unting paglubog nito sa lupa o ang settlement sa Ingles. Dalawang klase ng pundasyon ang kadalasang nakikita, ang mababaw at ang malalim na pundasyon; ginagamit ang mababaw kapag kayang buhatin ng lupa ang bigat ng gusali; at ginagamit ang malalim kapag sobrang lambot nnaman ng lupa at hindi niya makayang madala ang bigat ng gusali.

Ang kaligtasan ng dalusdos ay ang isa pa ring tinitingnan ng inhinyeriyang heoteknikal. Iniiwasan dito ang pagbagsak ng dalusdos dahil sa idinagdag na bigat malapit sa may dalusdos. Ang mga paraan upang mabawasan ang panganib ay ang paggawa ng malalim na pundasyon, paglalagay ng kemikal para mapatigas ang lupa, pagpapaliit ng dalusdos o paggamit ng soil anchorage o pangduong o pambunsod ng lupa.

Mga sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
os 6