Si Jacques Cartier (31 Disyembre 1491 – 1 Setyembre 1557), bininyagan bilang Jakez Karter, ay isang eksplorador na Pranses na kilalang isa sa mga mahahalagang nakatuklas sa Canada, o mas tiyak, ang pinakasilangang loobang rehiyon na naging unang lugar na tinirhan ng mga Europeo sa bansang iyon.

Jacques Cartier
Pinta ni Jacques Cartier na gawa ni Théophile Hamel, ca. 1844.
Kapanganakan31 Disyembre 1491
Kamatayan1 Setyembre 1557
TrabahoFrench navigator and explorer
Kilala sabeing the first having documented and claimed Canada for France

Ipinanganak sa Saint-Malo, Pransiya noong 1491, si Cartier ay bahagi ng isang kagalang-galang na pamilya ng marinero at itinaas ang kanyang estado sa lipunan noong 1520 nang pinakasan niya si Catherine des Granches, kasapi ng nangugunang pamilya na nagmamay-ari ng bapor. Ang kanyang mabuting pangalan sa Saint-Malo ay kilala sa paglabas nito sa mga rehistro ng binyag bilang ninong o saksi.

Walang larawan ni Jacques Cartier na nakita sa panahong iyon. Ang pinakakilala larawan (nasa kanan) ay ipininta ng isang Rusong pintor noong 1865 para sa lungsod ng Saint-Malo.

Napakakaunting impormasyon ang nakalap sa katauhan at personalidad ni Cartier ngunit ang kanyang propesyonal na abilidad ay madaliang matiyak. Kung isaalang-alang na naglakbay siya ng tatlong beses sa mapanganib at hindi kilalang karagatan sa panahong iyon nang hindi nawawalan ng bapor, at pumasok at lumabas siya sa mga limampung hindi natutuklasang daungan nang walang malubhang sakuna at ang mga marinong namatay sa kanyang paglalayag ay dulot ng epidemya, maaring isa siya sa pinakatapat na eksplorador ng panahong iyon.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES