Jose P. Laurel

Ika-3 Pangulo ng Pilipinas

Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891Nobyembre 6, 1959) ay Pilipinong politiko, abogado, at hukom na itinatagurian bilang ikatlong pangulo ng Pilipinas. Pinamahalaan niya ang ikalawang republika ng bansa, isang estadong papet ng Imperyong Hapones, mula 1943 hanggang 1945 sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Jose P. Laurel

Si Laurel noong 1943 sa kanyang bisita sa Tokyo, Hapon, para sa Mas Malawak na Kumperensya ng Silangang Asya.

Ika-3 Pangulo ng Pilipinas
Nasa puwesto
Naglingkod kasabay sina Manuel L. Quezon (1943-1944) at Sergio Osmeña (1944–1945)
14 Oktubre 1943 – 1 Agosto 1944
Punong MinistroJorge B. Vargas
Pangalawang PanguloBenigno Aquino Sr. (1944–1945)
Ramon Avanceña (1943–1944)
Nakaraang sinundanManuel L. Quezon
Sinundan niSergio Osmeña[a]
Minister of the Interior
Nasa puwesto
December 4, 1942 – October 14, 1943
Presiding Officer, PECJorge B. Vargas
Nakaraang sinundanBenigno Aquino Sr.
Commissioner of Justice
Nasa puwesto
December 24, 1941 – December 2, 1942
Presiding Officer, PECJorge B. Vargas
Nakaraang sinundanTeófilo Sison
Sinundan niTeófilo Sison
Senator of the Philippines
Nasa puwesto
December 30, 1951 – December 30, 1957
KonstityuwensyaAt-large
Nasa puwesto
1925–1931
Nagsisilbi kasama ni Manuel L. Quezon
Nakaraang sinundanAntero Soriano
Sinundan niClaro M. Recto
Konstityuwensya5th district
ika-34 Kasamahang Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas
Nasa puwesto
February 29, 1936 – February 5, 1942
Appointed byManuel L. Quezon
Nakaraang sinundanGeorge Malcolm
Sinundan niCourt reorganized
Senate Majority Leader
Nasa puwesto
1928–1931
Senate PresidentManuel L. Quezon
Nakaraang sinundanFrancisco Enage
Sinundan niBenigno S. Aquino
Secretary of the Interior
Nasa puwesto
February 9, 1923 – July 17, 1923
Nakaraang sinundanTeodoro M. Kalaw
Sinundan niFelipe Agoncillo
Undersecretary of the Interior
Nasa puwesto
May 22, 1922 – February 9, 1923
Personal na detalye
Isinilang
José Paciano Laurel y García

9 Marso 1891(1891-03-09)
Tanauan, Batangas, Kapitaniya Heneral ng Pilipinas
Yumao6 Nobyembre 1959(1959-11-06) (edad 68)
Maynila, Pilipinas
HimlayanTanauan, Batangas, Philippines
Partidong pampolitikaNacionalista
Ibang ugnayang
pampolitika
KALIBAPI (1942–1945)
AsawaPacencia Hidalgo (k. 1911)
AnakJosé B. Laurel Jr.
José S. Laurel III
Natividad Laurel-Guinto
Sotero Laurel II
Mariano Laurel
Rosenda Laurel-Avanceña
Potenciana Laurel-Yupangco
Salvador Laurel
Arsenio Laurel
Alma materUnibersidad ng Pilipinas Maynila (LL.B)
Unibersidad ng Santo Tomas (LL.M)
Pamantasang Yale (S.J.D)
Pirma

Isinilang si munting bayan ng Tanauan, Batangas noong 1891, Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila noong 1915.

Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong 6 Nobyembre 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istroke.

Talambuhay

baguhin

Maagang buhay

baguhin

Si José Paciano Laurel y García ay ipinanganak noong 9 Marso 1891 sa bayan ng Tanauan, Batangas. Ang kanyang ama ay sina Sotero Laurel, Sr. na isang opisyal ng pamahalaang rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo at lumagda sa Saligang Batas ng Malolos noong 1898. Ang kanyang ina ay si Jacoba García. Habang isang tinedyer, si Jose Laurel ay kinasuhan ng pagtatangkang pagpatay ng katunggaling manliligaw ng kanyang kasintahan gamit ang isang kutsilyo. Habang nag-aaral, nangatwiran siya para sa kanyang sarili at napawalang sala. Nagtapos siya ng batas sa Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Batas noong 1915 kung saan siya nag-aral sa ilalim ni Dekano George A. Malcolm na kanyang hinalinhan sa Korte Suprema ng Pilipinas. Nakamit niya ang Master of Laws degree mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1919 at pagkatapos ay pumasok sa Yale Law School kung saan siya nagtapos ng Doktorado ng Batas.

Noong 1911 ay pinakasalan niya si Pacencia Hidalgo at nagkaroon sila ng 9 na anak.

Serbisyong publiko

baguhin

Habang isang estudyante, si Laurel ay pumasok na isang mensahero ng Bureau of Forestry bilang isang clerk sa Komite ng Kodigo na inatasang magkodigo ng mga batas ng Pilipinas. Sa kanyang pagbalik mula sa Yale, siya ay hinirang na Pangalang Kalihim ng Kagawarang Panloob at pagkatapos ay itinaas bilang Kalihim ng Kagawaran ng Panloob noong 1922. Sa posisyong, palagi nakikipag-alitan sa Gobernador Heneral ng Estados Unidos na si Leonard Wood sa Pilipinas. Noong 1923, si Laurel ay nagbitiw kasama ng ilang mga kasapi ng gabinete ng pamahalaan ni Wood.

Senado

baguhin

Si Jose P. Laurel ay nahalal na kasapi ng Senado ng Pilipinas noong 1925. Siya ay nagsilbi ng isang termino bago matalo sa muling pagtakbo sa halalan noong 1931 kay Claro M. Recto. Siya ay bumalik sa pagsasanay na pampribado ng batas ngunit noong 1934 ay muling nahalalal sa opisinang pampubliko bilang delegado ng Kombensiyang Konstitusyonal ng 1935. Kanyang inisponsoran ang mga probisyon ng Panukalang Batas ng mga Karapatan. Pagkatapos ng pagpapatibay ng Saligan Batas ng Pilipinas ng 1935 at pagkakatatag ng Komonwelt ng Pilipinas, si Laurel ay nahirang na kasamang mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas noong 29 Pebrero 1936.

Bilang Pangulo

baguhin

Nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas, si Pangulong Manuel L. Quezon ay tumakas sa Bataan at pagkatapos ay sa Estados Unidos upang itatag ang isang pamahalaan sa pagkakatapon. Si Laurel ay may malapit na kaugnayan sa mga opisyal na Hapones. Ang kanyang anak ay pinag-aral sa Imperial Military Academy in Tokyo at si Laurel ay tumanggap ng isang honoraryong doktorado mula sa Unibersidad ng Tokyo. Si Laurel ang isa sa mga opisyal ng Commonwealth ng Pilipinas na inutusan ng Hukbong Imperyal na Hapones na bumuo ng isang probisyonal na pamahalaan nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas. Si Laurel ay nakipagtulungan sa mga Hapones at dahil sa kanyang pagiging kilalang bumabatikos sa pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas, si Laurel ay nagsilbi sa ilang mga matataas na posisyon sa pamahalaang Hapones sa Pilipinas noong 1942-1943. Noong 1943, siya ay binaril ng mga gerilyang Pilipino habang naglalaro ng golf sa Wack Wack Golf at Country Club ngunit siya ay gumaling. Nang taong iyon, siya ay pinili ng Pambansang ilalim ng impluwensiya ng Hapon na magsilbi bilang Pangulo ng Pilipinas.

Dahil sa kaugnayan ng pamahalaan ni Laurel sa Hapon, ang malaking bahagi ng populasyong Pilipino ay aktibong sumalungat sa kanyang pagkapangulo na sumuporta naman sa ipinatapong pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon sa Estados Unidos.

Noong 21 Setyembre 1944, idineklara ni Laurel ang Martial Law na nagdedeklara ng pag-iral ng digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian. Ito ay nagkaroon ng epekto noong Setyembre 23,1944 ng alas diyes ng umaga.

Pagbuwag ng Rehime ni Laurel

baguhin

Noong 26 Hulyo 1945 ang Potsdam Declaration ay nagbigay ng isang ultimatum sa Hapon upang sumuko o maharap sa isang buong pagkalipol. Tumangging tanggapin ng Hapon ang alok. Noong Agosto 6,1945, ang isang bombang atomiko ay ibinagsak ng Estados Unidos sa Hiroshima kung saan napahamak ang mga mamamayan nito. Pagkatapos ng 2 araw, ang Unyong Sobyet ay nagdeklara ng digmaan laban sa Hapon. Nang sumunod na araw, ang ikalawang bombang atomiko ay ibinagsak sa Nagasaki. Ang Hapon ay walang kondisyong sumuko sa Kapangyarihang Alyado noong Agosto 15,1946. Mula Abril 1945, si Pangulong Laurel kasama ng kanyang pamilya at kasapi ng Gabineteng si Camilo Osías, Speaker Benigno Aquino, Sr., Gen. Tomas Capinpin, at embahador Jorge B. Vargas ay lumikas sa Hapon. Noong Agosto 17,1944 mula sa kanyang tirahan sa Nara, Hapon ay inilabas ni Laurel ang isang Ehekutibong Proklamasyong na nagdedeklara ng pagkabuwag ng kanyang rehime.

Pagkatapos ng Pagkapangulo

baguhin

Nang sumuko ang mga pwersang Hapones noong Agosto 15,1945, inutos ni Gen. Douglas MacArthur na dakipin si Laurel para sa pakikipagtulungan nito sa mga Hapones. Noong 1946, si Laurel ay sinampahan ng 132 bilang ng kasong pagtataksil. Gayunpaman, siya ay hindi kailanman nilitis dahil sa amnestiyang ipinagkaloob ni Pangulong Manuel Roxas noong 1948. Si Laurel ay tumakbo sa 1949 halalan ng pagkaPangulo laban kay Elpidio Quirino ngunit natalo.

Si Laurel ay namatay noong 6 Nobyembre 1959, sa Lourdes Hospital sa Maynila mula sa atake sa puso at stroke. Siya ay inilibing sa Tanuan.

Talababa

baguhin
  1. Osmeña became the sole President of the Philippines upon Laurel's dissolution of the Second Philippine Republic. The Commonwealth government became the sole governing entity of the Philippines.

Mga sanggunian

baguhin


Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
Manuel L. Quezon
Pangulo ng Republika ng Pilipinas
14 Oktubre 1943 – 17 Agosto 1945
Susunod:
Sergio Osmeña
Sinundan:
Jorge B. Vargas (de facto)
Pangulo ng Republika ng Pilipinas
14 Oktubre 1943 – 17 Agosto 1945
Susunod:
Sergio Osmeña
  NODES