Papa Juan XXIII

(Idinirekta mula sa Juan XXIII)

Si Juan XXIII (Ingles: John XXIII; Latin: Ioannes PP. XXIII o Ioannes XXIII; Italyano: Giovanni XXIII), ipinanganak bilang Angelo Giuseppe Roncalli, ay isang Italyanong pari na naging ika-262 Papa ng Simbahang Katoliko Romano at namuno sa Lungsod ng Batikano mula 1958 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1963.[1] Siya ang pinaka kamakailang Papa na gumamit ng pangalang "Juan" nang mahalal siya bilang Papa.

San Juan XXIII
Papa Juan XXII
Nagsimula ang pagka-Papa28 Oktubre 1958
Nagtapos ang pagka-Papa3 Hunyo 1963
HinalinhanPapa Pio XII
KahaliliPapa Pablo VI
Mga orden
Ordinasyon10 August 1904
ni Giuseppe Ceppetelli
Konsekrasyon19 Marso 1925
ni Giovanni Tacci Porcelli
Naging Kardinal12 Enero 1953
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanAngelo Giuseppe Roncalli
Kapanganakan25 Nobyembre 1881(1881-11-25)
Sotto il Monte, Kaharian ng Italya (1861–1946)
Yumao3 Hunyo 1963(1963-06-03) (edad 81)
Lungsod ng Batikano
MottoObedientia et Pax (Pagkamasunurin at Kapayapaan)
Eskudo de armas{{{coat_of_arms_alt}}}
Kasantuhan
Kapistahan11 Oktubre
Beatipikasyon3 Setyembre 2000
ni Papa Juan Pablo II
Kanonisasyon27 Abril 2014
ni Papa Francisco

Si Angelo Roncalli ay ang pangatlo sa labintatlong mga magkakapatid na ipinanganak sa isang nayon ng Italya mula sa mag-anak ng mga kasamang magsasaka. Naordinahan siya bilang isang pari noong 1904 at naglingkod sa sari-saring mga puwesto, kabilang na ang pagkakatalaga bilang Nunsiyong Pampapa (Papal Nuncio) sa ilang mga bansa, kabilang na ang sa Pransiya noong 1944. Ginawa siyang isang Kardinal ni Papa Pio XII noong 1953. Nahalal siya bilang papa noong 28 Oktubre 1958 sa gulang na 77. Ginulat niya ang mga umaasa sa kaniyang na maging isang papang tagapangalaga sa pamamagitan ng pagtawag ng makasaysayang Ikalawang Konsilyong Batikano (1962–1965). Hindi siya nabuhay nang matagal upang makita ang pagkakakumpleto nito, dahil namatay siya noong 1963 dahil sa sakit na kanser sa tiyan, pagkalipas nang apat at kalahating mga taon nang mahalal siya bilang papa, at dalawang buwan pagkaraan ng panghuli niyang ensiklikal na Pacem in Terris.

Nabeatipika si Papa Juan XXIII noong 3 Setyembre 2000, kaya't tinatawag din siya bilang Ang Pinagpalang Papa Juan XXIII

Maagang bahagi ng buhay

baguhin

Ipinanganak si Roncalli sa Sotto il Monte Giovanni XXIII nasa hilagang Italya.[2]

Pagkapari

baguhin

Noong 1904, naordina siya bilang isang pari sa Simbahang Romano ng Santa Maria. Sa pagsapit ng 1905, itinalaga si Angelo ng bagong Obispo ng Bergamo na si Giacomo Maria Radini Tedeschi bilang kaniyang kalihim. Naging kasama si Angelo sa lahat ng mga pagdalaw na pastoral ni Obispo Giacomo. Tinulungan din ni Angelo si Obispo Giacomo sa loob ng seminaryo, na ginagamit ang kaniyang napakahusay na kasanayan sa pangangaral; nagturo siya ng kasaysayan, patrolohiya, at apolohetika. Doon sa seminaryo niya nakasalamuha ang dalawang taong magiging santo sa hinaharap na talagang makakaapekto sa kaniyang buhay. Ang dalawang mga Santong ito ay sina San Charles Borromeo at San Francis de Sales, na kapwa napaka mabubuting mga pastor na nasa iisang seminaryo, at nagkaroon ng isang uri ng ugnayan ng pagiging nagtuturuan (apprenticeship). Talagang naging deboto si Padre Angelo kay Obispo Giacomo hanggang sa kaniyang kamatayan ng huli noong 1914. Pagkaraan ng pagkamatay ni Obispo Giacomo, nagpatuloy si Padre Angelo sa pagtuturo sa seminaryo, subalit nahila sa Unang Digmaang Pandaigdig at naglingkod bilang isang sarhento ng hukbong medikal at nang matapos ang digmaan ay sinimulan niya ang unang tahanan para sa mga estudyanteng mahihirap sa Italya. Ang buhay niya pagkatapos ng digmaan ay nagsimulang magbago nang malakihan, at napansin din siya ni Papa Pio XI.

Pagkaobispo

baguhin

Mula 1925 hanggang 1944, si Roncalli ang naging kinatawan ng papa sa Kabalkanan at sa Gitnang Silangan.[3] Pinangalanan siya ni Papa Pio XI bilang Apostolikong Bisitador (Apostolikong Tagadalaw) sa Bulgaria, na nagdala sa kaniya sa episkopado na may pamagat na Diyosesi ng Areopolis. Pinili niya ang motto na Oboedientia et Pax, na naging motto niya sa loob ng nalalabing panahon ng kaniyang buhay.

Pagkakardinal

baguhin

Si Roncalli ay naging Patriyarka ng Venice mula 1953 hanggang 1958.[4] Ang Venice ay ang sede (see) ng isang kardinal.[5]

Pagkapapa

baguhin

Nahalal si Kardinal Roncalli bilang papa noong 29 Oktubre 1958.[6] Ang kaniyang koronasyon ay naipalabas sa telebisyon sa Europa, at isinapelikula upang mapanood sa iba pang mga bahagi ng mundo.[7]

Pinalawak ni Papa Juan XXIII ang Kolehiyo ng mga Kardinal sa pamamagitan ng pagpapangalan sa unang Kardinal na Aprikano, sa unang Kardinal na Hapones, sa unang Kardinal na Pilipino.[8] at sa unang Kardinal na Benesolano.[9]

Siya ang unang papa na nagsagawa ng opisyal na pagdalaw sa Pangulo ng Italyanong Republika doon sa Palasyong Quirinal.[10]

Ikalawang Konsilyong Batikano

baguhin

Pinagtipun-tipon ni Papa Juan XXIII ang mga obispo at mga kardinal ng simbahan sa isang pagpupulong na tinatawag na Konsilyong Batikano II. Nagwakas ito noong mamatay si Papa Juan XXIII.[11]

Pagkaraan ng kaniyang kamatayan

baguhin

Inilibing si Juan XXIII na kapiling ang iba pang mga papa sa isang silid na libingan na nasa ilalim ng Basilika ni San Pedro.[12] Ayon sa opisyal na ahensiya ng balita ng Unyong Sobyet, ang pamumuno ni Papa Juan XXIII ng mabungang gawain para sa kapakanan ng pagpapatibay ng kapayapaan at pagkakaisang pangkapayapaan sa piling ng mga bansa.[13]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "List of Popes," Catholic Encyclopedia (2009). Retrieved 2011-11-02.
  2. Cortesi, Arnaldo. "A Liberal Pontiff," New York Times. 4 Hunyo 1963. Nakuha noong 2011-10-28.
  3. Cortesi, Arnaldo. "Cardinal Roncalli Elected Pope," New York Times. 29 Oktubre 1958. Nakuha noong 2011-10-28.
  4. Doty, Robert C. "Court on Sainthood for Pope John Opens in Venice," New York Times. 16 Marso 1968. Nakuha noong 2011-10-18.
  5. "Pope Names Successor For His Post in Venice," New York Times. 12 Nobyembre 1958. Nakuha noong 2011-10-28.
  6. Cortesi, Arnaldo. "Cardinal Roncalli Elected Pope," New York Times. 29 Oktubre 1958. Nakuha noong 2011-10-28.
  7. Cortesi, Arnaldo. "Coronation Rites for Pontiff Begin in Rome Splendor," New York Times. 04 Nobyembre 1958. Nakuha noong 2011-10-28.
  8. Cortesi, Arnaldo. "Pope John Names a Negro Cardinal; A Native African, a Japanese and a Filipino Among 7 to Be Princes of Church," New York Times. 4 Marso 1960. Nakuha noong 2011-10-28.
  9. Cortesi, Arnaldo. "4 New Cardinals Elevated in Rome," New York Times. 17 Enero 1961; nakuha noong 2011-10-28; Laurean Rugambwa (unang Aprikanong kardinal), Peter Tatsuo Doi (unang Hapones na kardinal), Rufino Santos (unang Pilipinong kardinal), José Quintero Parra (unang kardinal mula sa Venezuela).
  10. Cortesi, Arnaldo. "John XXIII Is First Pope to Call on Italian President," New York Times. 12 Mayo 1963. Nakuha noong 2011-10-18.
  11. Cortesi, Arnaldo. "Vatican Council Recessed in 1962," New York Times. 4 Hunyo 1963. Nakuha noong 2011-10-28.
  12. Cortesi, Arnaldo. "Pope John Buried in Basilica Crypt," New York Times. 7 Hunyo 1963. Nakuha noong 2011-10-28.
  13. "Tass Hails Pope John; Cites 'Fruitful Activity'," New York Times. 04 Hunyo 1963. Nakuha noong 2011-10-28.

Mga kawing na panlabas

baguhin

  May kaugnay na midya ang Ioannes XXIII sa Wikimedia Commons

Sinundan:
Pius XII
Pope
1958–1963
Susunod:
Paul VI
  NODES