Ang Kabundukang Min o Minshan (Tsino: 岷山; pinyin: Mín Shān) ay isang bulubundukin sa gitnang Tsina. Ito ay tumatakbo sa pangkalahatang hilaga-timog na direksiyon mula sa hilagang Sichuan (ang silangang bahagi ng Nagsasariling Prepektura ng Ngawa Tibetano at Qiang at mga katabing lugar ng Mianyang Antas-prepekturang lungsod) at pinakatimog na hangganan ng Gansu. Ang pinakamataas na tuktok ay Bundok Xuebaoding ("Bundok Kayamanang NIiyebe"), 5588 m at ang pangalawang pinakamataas ay ang Bundok Maliit na Xuebaoding ("Bundok Maliit ba Kayamanang NIiyebe"), 5443m.

Kabundukang Min
岷山
Tanawin sa Lambak Jiuzhaigou
Pinakamataas na punto
TuktokBundok Xuebaoding (Bundok Kayamanang Niyebe)
Kataasan5,588 m (18,333 tal)[1]
Mga koordinado32°40′N 103°50′E / 32.667°N 103.833°E / 32.667; 103.833
Heograpiya
Kabundukang Min is located in China
Kabundukang Min
Kabundukang Min
Lokasyon sa Tsina
LokasyonSichuan, Mianyang, Gansu
RehiyonAsia
Magulanging bulubundukinKabundukang Hengduan
Isang talon sa pook Huanglong

Heograpiya

baguhin

Ang bulubundukin ng Min ay isang katimugang pagpapahaba ng Kabundukang Kunlun na naghihiwalay sa mga lunas ng dalawang pangunahing ilog ng Sichuan: ang Ilog Min (sa kanluran) at ang Ilog Jialing (sa silangan). Ang parehong mga ilog ay dumadaloy sa pangkalahatang timog na direksyon, at mga sanga ng Yangtze.

Ang Kabundukang Min ay bahagi ng isang mas malawak na bulubunduking rehiyon:

Kasaysayan

baguhin

Ayon sa Mga Tala ng Dakilang Historyador, pinamamahalaan ng Dinastiyang Xia ang bulubunduking ito noong 2000 BK.[2]

Ang Pasong Lazikou, isang lugar na may estratehikong kahalagahan sa panahon ng Mahabang Martsa, ay dumadaan sa Kabundukang Min at nag-uugnay sa hilagang-kanluran ng Sichuan sa timog Gansu.

Ekolohiya

baguhin

Ang katangiang ekosistema ng Kabundukang Min at ng Kaundukang Qionglai (na matatagpuan sa kanluran, na hiwalay sa Kabundikang Min ng Ilog Lambak Min) ay inilarawan ng World Wildlife Fund bilang koniperang gubat ng Qionglai-Minshan.[3]

Kabilang sa mahahalagang turismo at pangangalaga ng kalikasan sa Kabundukang Min ang Reserbang Lambak Jiuzhaigou Nature Reserve (sa Kondado ng Jiuzhaigou) at ang Kawili-wiling Pook Pantanawin at Pangkasaysayan ng Huanglong (sa Kondado ng Songpan); parehong nakalista sa talaan ng UNESCO bilang Pandaigdigang Pamanang Pook.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Xuebao Ding, China
  2. Nienhauser, ed. Grand Scribe's Records, Volume I. p. 27 n. 76
  3. "Qionglai-Minshan conifer forests". Terrestrial Ecoregions. World Wildlife Fund.
  NODES
mac 1
os 2