Sa karaniwang paggamit, tumutukoy ang salitang Kalimantan sa bahagi ng pulo ng Borneo na sakop ng Indonesia, ngunit sa paggamit ng mga Indones, sakop ng salitang "Kalimantan" ang buong pulo ng Borneo.

Mapa ng Kalimantan na naglalarawan din ng paghahati nito.

Sakop ng Indonesia ang 73% ng buong lawak ng Borneo, at halos 70% ng populasyon nito (na nasa 13,772,543 katao ayon sa senso ng Indonesia noong 2010). Nahahati naman ang natitirang bahagi ng Borneo na hindi sakop ng Indonesia sa pagitan ng Brunei at Silangang Malaysia, kung saan nahahati ang bahaging Malasyo sa Sarawak at Sabah.

May limang lalawigan na sakop ng Kalimantan:

Mga lalawigan sa Kalimantan
Province Lawak (km2) Kabuuang populasyon (senso ng 2000) Kabuuang populasyon (tantiya ng 2005) Kabuuang populasyon (senso ng 2010) Kabiserang panlalawigan
Kanlurang Kalimantan
(Kalimantan Barat)
147,307.00 4,016,353 4,042,817 4,393,239 Pontianak
Gitnang Kalimantan
(Kalimantan Tengah)
153,564.50 1,801,965 1,913,026 2,202,599 Palangkaraya
Timog Kalimantan
(Kalimantan Selatan)
38,744.23 2,984,026 3,271,413 3,626,119 Banjarmasin
Silangang Kalimantan
(Kalimantan Timur)
204,534.34 2,451,895 2,840,874 3,550,586 Samarinda
Hilagang Kalimantan
(Kalimantan Utara)
71,176.72 473,424 524,526 Tanjung Selor
Kabuuan 615,326.79 11,254,239 12,541,554 14,297,069
  NODES