Ang kasukdulan o kasakdalan[1] ay, sa malawak na kahulugan, ang katayuang ganap at walang kakulangan.

Kadalasan, ginagamit ang katagang "kasukdulan" o "kasakdalan" upang italaga ang mga konseptong naiiba kung hindi man katulad. Sa kasaysayan, binibigyan pansin ng mga konseptong ito sa ilang natatanging mga disiplina, katulad ng matematika, pisika, kemika, etika, estetika, ontolohiya at teolohiya[2]

Kahulugan sa Kristiyanismo

baguhin

Sa Kristiyanismo, ang pagiging sakdal ay isang kalagayan lamang nauukol sa Diyos. Ayon sa paniniwalang Kristiyano na nakasaad sa Biblia, ang tao bagamat makasalanan ay inatasan na maging sakdal sa diwa, kaluluwa at katawan. Mananatiling sakdal sa espiritu, kaluluwa at katawan sa gitna ng kasamaan ang sinumang magsasabi sa mga mananampalataya sa ngalan ni Hesus.[kailangan ng sanggunian] Nangangahulugan ito na tinuturing na sakdal ang taong may pananalig sa Diyos sa ngalan ni Hesus.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Perfection, kasakdalan Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., bansa.org
  2. Władysław Tatarkiewicz, O doskonałości (Sa pagiging sakdal), 1976.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES