Kasulatang panrelihiyon

Ang kasulatan ay ang pangungusap o pahayag na may bisa o epekto. Sa Kristiyanismo, tumutukoy ang mga kasulatan sa mismong Bibliya o sa mga sitas na bumubuo rito, katulad ng mga Ebanghelyo.[1][2] Ito rin ang nakasulat o nasusulat na Salita ng Diyos, na tinatawag ding Banal na Aklat at Banal na Kasulatan.[1][3][2] Sa anyong isahan, tumutukoy pa rin ang kasulatan sa sipi o siniping talata o pangungusap mula sa isang katha, o sa piraso ng isang komposisyon.[3]

Sa Bibliya

baguhin

Sa Bagong Tipan ng Bibliya, tuwirang tumutukoy ang Mga Kasulatan sa tinipong katawan ng mga banal na kasulatang Hebreo. Sa Kristiyanismo, kilala ang mga sulating ito bilang ang Lumang Tipan o Matandang Tipan, na kilala rin bilang Ang Batas, Ang Batas ni Moises, Ang Batas ng mga Propeta, Ang Batas ni Moises at ng mga Propeta, at Ang Banal na mga Kasulatan (o Ang Sagradong mga Eskritura). Kapag nasa anyong pang-isahan na kasulatan, tumutukoy ito sa isang sipi mula sa Lumang Tipan.[2]

Mayroong tinukoy si San Juan sa kanyang ebanghelyo (Juan 1:1) na ang Verbo ng Diyos na si Hesus ay nagkatawang tao, na tumutukoy sa pagka-Diyos ni Hesus. Sa diwang ito katumbas ng Verbo ng Diyos ang katagang Salita ng Diyos o Kaisipan ng Diyos, sapagkat ang Verbo ay salita o kaisipan.[4]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 The Committee on Bible Translation (1984). "Scripture at Scriptures". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B11.
  2. 2.0 2.1 2.2 American Bible Society (2009). "Scriptures, scripture". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 135.
  3. 3.0 3.1 Gaboy, Luciano L. Scripture - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. Abriol, Jose C. (2000). "Verbo ng Diyos, Verbo, salita, kaisipan". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 1, pahina 1559.
  NODES
Done 1
News 1