Kepler-37b
Ang Kepler-37b ay isang eksoplanetang umoorbit sa Kepler-37 na nasa loob ng konstelasyon ng Lyra. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamaliit na eksoplanetang natuklasan na, na mayroong isang masang bahagyang mas malaki kaysa sa Buwan ng Daigdig.[4]
Pagkatuklas[1] | |
---|---|
Natuklasan noong | 20 Pebrero 2013[1] |
Paraan sa pagkakatuklas | Transit |
Orbital characteristics | |
Semi-major axis | 0.1003 AU[2] |
Orbital period | 13.37 d[3] |
Inclination | 88.63°[3] |
Pisikal na katangian | |
Mean radius | 0.303 R⊕[3] |
Temperature | 700 K[2] |
Pisikal na kaanyuan
baguhinAng planeta, na mayroong 210 sinag-taon ang layo sa Mundo,[5] ay bahagyang mas malaki kaysa sa Buwan ng Daigdig, na may dayametrong 3,900 kilometro (2,400 mi).[6] Sinabi ng NASA na maaaring walang atmospera ang planetang ito at hindi kayang suportahan ang buhay.[2] Sinasabi rin na binubuo ito ng mabatong lupain.[2] Dahil sa maikling distansiya nito sa kanyang bituin, ang temperatura ng planeta ay maaaring umabot sa 425 °C (800 °F).[2]
Pagkatuklas
baguhinAng Kepler-37b, na kasama ang dalawa pang ibang mga planeta, ang Kepler-37c at ang Kepler-37d, ay natuklasan ng teleskopyong pangkalawakang Kepler, na nagmamasid ng mga pagdaan ng mga bituin.[1][2] Upang makakuha ng tumpak na sukat ng planeta, kailangang ihambing ito ng mga astronomo sa sukat ng magulang na bituin, na ginawa nila sa pamamagitan ng mga alon ng tunog.[2] Ang prosesong ito ay tinatawag na astroseismolohiya, at ang Kepler-37 ay pinakamaliit na bituin na pinag-aralan sa pamamagitan ng prosesong ito.[2] Ang mga pag-aaral na ito ay nakapagpahintulot na makuha ang sukat ng planeta na mayroong "lubos na katumpakan".[2] Sa kasalukuyan, ang planetang ito ang pinakamaliit na natuklasan na nasa labas ng sistemang solar (sistema ng araw).[4] Ang katotohanan na natuklasan ang planetang katulad ng Kepler-37b ay nagmumungkahi, ayon kay Jack Lissauer, isang siyentipiko na nasa AMES Research Center (Sentro ng Pananaliksik ng AMES) ng NASA, na ang ganitong mga planeta ay pangkaraniwan.[2]
Mga katangian
baguhinAng planeta, na may layo na humigit-kumulang sa 210 mga taon ng liwanag magmula sa Daigdig,[5] ay bahagyang mas malaki kaysa sa buwan ng Daigdig, na mayroong diyametrong humigit-kumulang sa 2400 mga milya.[6] Sinabi ng NASA na pinakamarahil na ang planeta ay walang atmospero at hindi maaaring makapagsuporta ng buhay.[2] Bilang karagdagan pa, ang planeta ay malamang na binubuo ng mga materyal na mabato.[2] Dahil sa pagiging pinakamalapit ng planetang ito sa kaniyang bituing magulang, ang Kepler-37b ay mayroong orbito na humigit-kumulang sa 13 mga araw.[4] Gayon din, dahil sa layo nito mula sa bituin nito, ang karaniwang temperatura ng bituin ay tinatayang nasa humigit-kumulang sa 800 degring Fahrenheit, o humigit-kumulang sa 700 Kelvin.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "A sub-Mercury-sized exoplanet". Nature. 20 Pebrero 2013. Nakuha noong 21 Pebrero 2013.
- ↑ 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 "NASA's Kepler Mission Discovers Tiny Planet System". NASA. 20 Pebrero 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Septiyembre 2018. Nakuha noong 21 Pebrero 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ 3.0 3.1 3.2 "Kepler-37 System". kepler.nasa.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-16. Nakuha noong 21 Pebrero 2013.
- ↑ 4.0 4.1 4.2 "Tiniest Planet Yet Discovered by NASA Outside our Solar System". scienceworldreport.com. 21 Pebrero 2013. Nakuha noong 21 Pebrero 2013.
- ↑ 5.0 5.1 "NASA, using Kepler space telescope, finds smallest planet yet". Los Angeles Times. 20 Pebrero 2013. Nakuha noong 21 Pebrero 2013.
- ↑ 6.0 6.1 "Astronomers Find the Tiniest Exoplanet Yet". Slate. 20 Pebrero 2013. Nakuha noong 21 Pebrero 2013.