Ang koreo ay isang tanggapan na inihanda at pinahintulutan ng isang sistemang postal upang makapaghulog o makapagpapadala at makatanggap ng mga liham at mga katulad na bagay ang isang tao. Kasama sa palingkurang ito ang serbisyo ng pagpili, pangangasiwa, paglilipat, at pagpapadala ng mga liham o anumang padalang mga bagay.[1] Makakabili ng mga selyo rito upang makapagpadala ng mga kahon o mga sulat at ihulog ang mga ito sa lugar na ito. Ang padalahang-liham ang magdadala ng mga sulat o mga kahong ito sa dapat nitong kapuntahan. Mayroon ding mga bagay na pambalot at panlagay sa loob ng mga kahong pamprutekta ng mga padalang bagay na inaalok sa tanggapang ito. Bilang karagdagan pa, may ilang mga padalang-liham na nagbibigay ng paglilingkod na may kaugnayan sa pagkuha ng pasaporte at iba pang mga dokumentong sinusulatan, padalang pera, pagbili ng buwis pangkotse, at mga serbisyong pambangko. Nasa panlikurang mga silid ng padalahang-liham ang lugar kung saan pinupruseso ang mga padalang liham o bagay upang madala ang mga ito patutunguhan, ang mga kuwartong nagsisilbi bilang "silid-pilian". Mayroon ding mga padalahang-liham na hindi bukas sa madla na gumaganap na ayusan o pilian ng mga padala.

Ang Punong Tanggapan ng Koreo sa Maynila, Pilipinas.
Isang uri ng silid-pilian ng mga liham at iba pang mga padala. Nasa loob ng isang barko ang kuwartong ito.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Canada Postal Guide - Glossary". Canada Post. Nakuha noong 2006-10-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Komunikasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES