Kronolohiya ng kasaysayan ng Pilipinas
Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago. Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin. |
1500s
baguhin- 1521:
- Marso 16 - Dumating at natuklasan ni Ferdinand Magellan ang Pilipinas; dumaong sa Samar; inangkin ang mga isla para sa Espanya.
- Marso 31 - Idinaos ang kauna-unahang misa sa Isla Limasawa.
- Abril 27 - Labanan sa Mactan; napatay si Magellan ng mga tauhan ni Lapu-Lapu.
- 1542
- Nobyembre 1 - Ipinangalan ni Ruy López de Villalobos ang arkipelagong Felipinas kay Haring Felipe II ng Espanya.
- 1543 - Pinangalanan ni Ruy López de Villalobos ang mga pulo na Las Islas Filipinas.
- 1565:
- Pebrero 18 - Dumaong si Miguel López de Legazpi sa isla ng Samar at sinakop ito para sa Espanya.
- Itinatag ni Miguel López de Legazpi ang unang permanenteng pamayanang Espanyol sa bansa.
- 1570 - Sinakop ang Maynila at ginawang isang lungsod ng Espanya.
- 1571:
- Mayo 19 - Tinalo ni Legazpi si Rajah Sulayman; inangkin niya ang Maynila para sa Espanya.
1600s
baguhin- 1611 - Itinatag ang Unibersidad ng Santo Tomas.
- 1647:
1700s
baguhin- 1762:
- Oktubre 4 - Kinubkob ng mga pwersang Briton ang Intramuros (Walled City); kalaunan ay muli itong nakuha ng mga Espanyol.
- Kinuha ng British East India Company ang Maynila.
- 1763 - Ibinalik ng Kasunduan sa Paris ang Maynila sa Espanya.
1800s
baguhin- 1861:
- Hunyo 19 - Isinilang si José Rizal sa Calamba, Laguna. Kalaunan ay idedeklara siyang Pambansang Bayani ng Pilipinas.
- 1863:
- Nobyembre 30 - Isinilang si Andres Bonifacio sa Maynila.
- 1872:
- Pebrero 17 - Binitay ang tatlong paring sina Jose Burgos, Mariano Gomez at Jacinto Zamora, sa Bagumbayan.
- 1892 - Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan.
- 1896:
- Agosto 23 - Nagpulong ang mga Katipunero, sa pamumuno ni Andres Bonifacio, sa Pugad Lawin sa Balintawak at pinunit ang kanulang mga sedula bilang paglaban sa otoridad na Espanyol.
- Disyembre 30 - Binitay si José Rizal sa Bagumbayan.
- 1897:
- Mayo 10 - Binitay si Andrés Bonifacio sa Bundok Buntis sa Maragondon, Cavite ng mga tauhan ni Emilio Aguinaldo.
- Nobyembre 1 - Itinatag ni Emilio Aguinaldo at ng mga kasama ang Republika ng Biak-na-Bato.
- Disyembre 14 - Nilagdaan ng pamahalaang rebolusyonaryo, na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo, ang isang kasunduang pangkapayapaan kasama ang pamahalaan ng Espanya. Nagpunta si Aguinaldo sa Hong Kong.
- 1898:
- Abril 26 - Nagdeklara ng digmaaan laban sa isa't isa ang Estados Unidos at Espanya dahil sa kontrol sa Pilipinas, Cuba, Guam at Puerto Rico.
- Hunyo 12 - Ipinahayag ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya na sumakop sa loob ng 333 taon.
- Disyembre 10 - Inilipat ng nilagdaang Kasunduan sa Paris ang kontrol ng Pilipinas mula Espanya sa Estados Unidos. Nakuha ng una ang Pilipinas mula sa huli sa halagang US$20-milyon.
- 1899:
- Enero 23 - Pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan.
- Pebrero 5 - Nagdeklara si Pangulo Emilio Aguinaldo ng Unang Republika ng Pilipinas, ng digmaan laban sa Estados Unidos.
- Abril 11 - Ibinigay ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa bisa ng Kasunduan sa Paris; ibinenta sa halagang US$20-milyon.
- Mayo 6 - Idinaos ang kauna-unahang halalang munisipal sa Baliuag, Bulacan sa ilalim ng superbisyon ng Amerika.
1900s
baguhin- 1901:
- Marso 23 - Sumuko si Pangulo Emilio Aguinaldo sa mga pwersang Amerikano sa Palanan, Isabela; kalaunan ay nanumpa ng katapatan sa mga Amerikano.
- Hulyo 4 - Si William Howard Taft ay naging kauna-unahang Amerikanong gobernador-sibil ng bansa.
- Agosto 23 - Dumating ang Amerikanong barkong Thomas, lulan ang 600 na mga Amerikanong guro, sa Maynila. Ang mga gurong ito ay tinawag kalaunan na Thomasites.
- Setyembre 29 - Iniutos ng isang Amerikanong heneral sa kanyang mga sundalo na "barilin ang sinumang kumilos" sa tinagurian ngayong masaker sa Balangiga sa Samar.
- 1913:
- Mayo 1 - Ipinagdiwang sa bansa ang kauna-unahang Araw ng Paggawa.
- 1935:
- Mayo 14 - Niratipika ng mga Pilipino ang Saligang Batas ng 1935.
- Itinatag ang Komonwelt ng Pilipinas.
- 1937:
- Abril 30 - Nagwagi ang kababaihang Pilipino sa isang plebisito sa karapatan nilang bumoto.
- Disyembre 30 - Idineklara ni Pangulo Manuel L. Quezon ang Tagalog na batayan ng wikang pambansa.
- 1941:
- Disyembre 10 - Nilusob ng mga pwersang Hapones ang Maynila.
- Sinalakay at sinakop ng Hapon ang Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
- 1942:
- Enero 2 - Sinakop ng mga Hapones ang Lungsod ng Maynila.
- Marso 11 - Tumakas si Heneral Douglas MacArthur mula sa Pilipinas; sumumpang babalik.
- Marso 29 - Itinatag ni Luis Taruc ang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon (Hukbalahap), isang tagong samahang gerilya.
- Abril 9 - Bumagsak ang Bataan sa mga pwersang Hapones.
- Mayo 6 - Sumuko sa mga pwersang Hapones ang mga pwersang Amerikano at Pilipino sa Isla Corregidor.
- 1944:
- Oktubre 20 - Bumalik si Heneral Douglas MacArthur sa Pilipinas sa pagdating sa Palo, Leyte.
- Nabawi ng Estados Unidos ang Pilipinas sa Hapon.
- 1946:
- Hulyo 4 - Ipinagkaloob ng Estados Unidos ang buong kalayaan sa Pilipinas.
- 1951:
- Agosto 30 - Inaprubahan ang RP-US Mutual Defense Treaty sa ilalim ng administrasyong Quirino.
- 1967:
- Agosto 8 - Itinatag ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kasama ang Pilipinas sa mga unang kasapi nito.
- 1971:
- Agosto 21 - Ginambala ng isang pagsabog ang pagtitipon ng mga pulitiko ng Partido Liberal sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila.
- 1972:
- Setyembre 21 - Idineklara ni Pangulo Ferdinand Marcos ang batas militar.
- 1981:
- Enero 17 - Inalis ang batas militar.
- 1983:
- Agosto 21 - Sa kanyang pagbabalik mula sa exile sa Estados Unidos, pinaslang si Benigno Aquino, Jr. sa paliparan ng napaulat na si Rolando Galman.
- 1986:
- Pebrero 22-26 - Inilunsad ng publiko ang Rebolusyong EDSA na nagpababa sa tungkulin kay Pangulo Marcos; naging pangulo si Corazon Aquino.
- 1991 - Tinanggihan ng Senado ang pagpapanibago ng mga base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.
- 1992 - Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 1992 (nahalal si Fidel V. Ramos).
- 1998 - Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 1998 (nahalal si Joseph Estrada).
2000s
baguhin- 2001:
- Enero 20 - Sa pamamagitan ng Rebolusyong EDSA II nilahukan ng militar, pinalitan si Pangulo Joseph Estrada ni Ikalawang Pangulo si Gloria Macapagal-Arroyo.
- Mayo 1 - Sinalakay ng nasa 20,000 mga tagasuporta ng napatalsik na Pangulo Joseph Estrada ang Palasyo ng Malakanyang, sa tiagurian ngayong isang rebelyon ng mga tao, ngunit iginiit nilang isa itong malawakang himagsikan kasunod ng katulad na mga pangyayari sa EDSA sa nakalipas.
- 2003 - Himagsikan sa Oakwood.
- 2004 - Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2004 (muling nahalal si Gloria Macapagal-Arroyo).
LINK:
Karagdagang kronolohiya
baguhin- Ene. 1 - Bagong Taon, isang pagdiriwang sa Pilipinas; nagsisimula ito sa gabi ng Dis. 31.
- Ngayon, matapos ibalik ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hun. 12, sa halip ang Hul. 4 ay ipinagdiriwang bilang Araw ng Pakikipagkaibigang Pilipino-Amerikano.
- Ago. - Pambansang Araw ng mga Bayani, isang pista opisyal sa Pilipinas.
- Nob. 1 - Isang paggunita; ang Todos los Santos kung saan karamihang mga Katolikong Pilipino ay nagbibigay-respeto sa mga yumaong kaanak.
- Dis. 25 - Araw ng Pasko
- Dis. 30 - Ang araw na ito ay taunang ginugunita at isang pista opisyal.
Maikling kronolohiya
baguhinSiglo | Buod | Kaganapan | ||
---|---|---|---|---|
Bago ang ika-9 | Sinaunang panahon at panahon bago ang pananakop (hanggang 1565) | Panahon bago maitala ang kasaysayan (hanggang 900) |
| |
Ika-9 | 801–900 |
| ||
900 | Panahon ng sinaunang kasaysayan (900–1565) | |||
Ika-10 | ||||
Ika-11 | ||||
Ika-12 | ||||
Ika-13 | ||||
Ika-14 | ||||
Ika-15 | ||||
Ika-16 | 1501–1565 |
| ||
1565–1600 | Panahon ng pananakop (1565–1946) | Panahon ng pamamahala ng mga Espanyol (1565–1898) | ||
Ika-17 | ||||
Ika-18 | ||||
Ika-19 | 1801–1898 |
| ||
1898–1900 | Panahon ng pamamahala ng mga Amerikano (1898–1946) | |||
Ika-20 | 1901–1946 |
| ||
1946–1965 | Panahon pagkatapos ng pananakop: Simula sa panahong malaya ng Pilipinas, taong 1946. | Ikatlong Republika bago ang Administrasyon ni Pangulo Marcos (1946–1965) | ||
1965–1986 | Administrasyon ni Pangulo Marcos (1965–1986) | |||
1986–2000 | Kasalukuyang panahon (mula taong 1986) | |||
Ika-21 |
Kronolohiya 1
baguhinPREHISTORY
- 30,000 B.C. - Nanirahan ang mga ninuno ng Negrito sa Pilipinas.
- 3,000 B.C. - Dumating ang mga Austronesian sa arkipelago sa pamamagitan ng mga bangka.
BEFORE 16th CENTURY
- 1250 - Pagdating ng mga datu mula sa Borneo.
- 1450 - Dumating ang mga Islamikong misyonero sa kapuluan ng Sulu.
16th CENTURY
- 1515 - Ipinakilala ang Islam sa Mindanao.
- 1521 - Dumating si Ferdinand Magellan sa Pilipinas at inangkin ang arkipelago para sa Espanya.
- 1543 - Tinawag ni Ruy López de Villalobos ang kapuluan na Las Islas Filipinas.
- 1565 - Itinatag ni Miguel López de Legazpi ang kauna-unahang permanenteng pamayanang Espanyol sa Pilipinas, kalaunan ay Lungsod ng Cebu.
- 1570 - Sinakop ng mga Espanyol ang Maynila.
- 1595 - Itinatag ang Unibersidad ng San Carlos bilang Colegio de San Ildefonso.
17th CENTURY
- 1611 - Itinatag ang Unibersidad ng Santo Tomas.
- 1647 - Kinubkob ng mga Olandes ang Cavite sa Labanan sa Puerto de Cavite.
18th CENTURY
- 1743 - Nakuha ni George Anson, namuno sa Britong barkong Centurion, ang Nuestra Señora de la Covadonga sa Galeon ng Maynila.
- 1745 - Sumiklab ang mga pag-aalsa sa mga lalawigan ng Bulacan, Batangas, Laguna at Cavite.
- 1762 - Nanalo ang mga Briton sa Labanan sa Maynila at nakuha nila ang Maynila.
- 1764 - Naibalik ang Maynila sa Espanya sa bisa ng 1763 Kasunduan sa Paris.
- 1763 - Ipinatapon ang mga Intsik mula sa Pilipinas at ang imigrasyon ay naging posible muli para sa kanila noong 1840.
- 1768 - Pinaalis ang mga Heswita sa Pilipinas.
19th CENTURY
- 1821 - Naging isang lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
- 1872 - Napigilan ang himagsikan ng 200 mga sundalong Pilipino sa Lungsod ng Cavite.
- 1872 - Itinuring na sangkot sa Pag-aaklas sa Cavite ang mga paring sina Mariano Gomez, José Burgos at Jacinto Zamora (magkasamang kilala bilang Gomburza) at binitay.
- 1892 - Itinatag ni Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad.
- 1892 - Pinangunahan ni Andres Bonifacio ang kilusan ng armadong paglaban na Katipunan.
- 1896 - Si José Rizal ay inakusahan ng pag-uudyok sa rebelyon at siya ay binitay.
- 1896 - Naging bagong pinuno ng Pilipinong kilusang paglaban si Heneral Emilio Aguinaldo at pinamunuan niya ang himagsikang Pilipino.
- 1897 - Natapos ang Kasunduan sa Biak-na-Bato. Ang mga pinuno ng kilusang rebolusyonaryo ay kusang nagpatapon sa Hong Kong.
- 1898 - Idineklara ni Emilio Aguinaldo ang Pilipinas na malaya.
- 1898 - Sumailalim ang Pilipinas sa pamamahalang Amerikano sa pamamagitan ng Kasunduan sa Paris ng 1898.
20th CENTURY
- 1907 - Nagpulong ang unang Kapulungang Pilipino.
- 1916 - Pinagtibay ang Batas Jones sa Estados Unidos. Ang batas na ito ay nagbigay sa Pilipinas ng karapatang gumawa ng sariling batas.
- 1916 - Ang Asembleya Filipino ay naging Kapulungan ng mga Kinatawan. Karagdagan pa, nilikha ang Senado.
- 1934 - Inaprubahan ang Batas Tydings-McDuffie, na nagbigay-daan tungo sa kalayaan ng Pilipinas.
- 1935 - Nilikha ang Komonwelt ng Pilipinas.
- 1935 - Nahalal na pangulo si Manuel Quezon.
- 1941 - Muling nahalal si Pangulo Quezon.
- 1941 - Sinalakay ng Hapon ang Pilipinas at sinakop nito ang bansa sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
- 1943 - Itinalaga ng mga Hapones si Jose Laurel na pangulo.
- 1944 - Nabawi ng Estados Unidos sa Hapon ang Pilipinas.
- 1946 - Nahalal na pangulo si Manuel Roxas.
- 1946 - Binigyan ng Estados Unidos ang Pilipinas ng ganap na kalayaan.
- 1948 - Pumanaw si Pangulo Roxas, kaya si Elpidio Quirino ang naging bagong pangulo.
- 1949 - Muling nahalal bilang pangulo si Elpidio Quirino.
- 1950 - Lumahok ang Pilipinas sa Digmaang Koreano.
- 1953 - Nahalal na pangulo si Ramon Magsaysay.
- 1954 - Sumuko si Luis Taruc, ang pinuno ng Hukbalahap, na tumapos sa kanilang matagalang armadong pag-aalsa.
- 1957 - Nasawi si Pangulo Ramon Magsaysay sa isang plane crash sa Cebu.
- 1961 - Nahalal na pangulo si Diosdado Macapagal.
- 1961 - Binago ni Diosdado Macapagal ang Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.
- 1965 - Nahalal na pangulo si Ferdinand Marcos.
- 1969 - Muling nahalal si Ferdinand Marcos para sa ikalawang termino.
- 1972 - Inihayag ni Pangulo Marcos ang katayuan ng kagipitan.
- 1978 - Unang opisyal na halalan mula noong 1969 para sa Interim Batasang Pambansa (Pambansang Asembleya).
- 1978 - Naging pansamantalang Punong Ministro ng Pilipinas si Ferdinand Marcos.
- 1981 - Tinanggal na ang operasyong militar na itinakda noong 1972.
- 1981 - Muling nahalal si Ferdinand Marcos para sa ikatlong termino.
- 1983 - Pinaslang ang pinuno ng oposisyon na si Benigno Aquino Jr. sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas.
- 1986 - Muling nahalal bilang pangulo si Ferdinand Marcos.
- 1986 - Napilitan si Pangulo Marcos na tumakas dahil sa isang popular na pag-aalsa, ang binansagang rebolusyong EDSA; naging bagong pangulo si Corazon Aquino.
- 1991 - Tinanggihan ng Senado ang isang panukala mula sa Estados Unidos upang mapanatili ang kanilang mga base militar sa Pilipinas nang mas matagal.
- 1992 - Nahalal na pangulo si Fidel Ramos.
- 1997 - Ang krisis sa pananalapi sa Asya ay tumapos sa paglago ng ekonomiya na naranasan ng Pilipinas.
- 1998 - Nahalal na pangulo si Joseph Estrada.
21st CENTURY
- 2000 - Ang mga pagsisiwalat na sangkot si Pangulo Estrada sa malakihang katiwalian ay humantong sa tangkang pagpapaalis ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa kanya. Ngunit hinarang ito ng mga kaalyado niya sa Senado.
- 2001 - Napilitan mula sa ikalawang malawakang pag-aalsa, napatalsik si Joseph Estrada at pinangalanang bagong pangulo si Pangalawang Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo.
- 2004 - Muling nahalal bilang Pangulo si Gloria Macapagal-Arroyo.
- 2005 - Hindi nakatanggap ng sapat na suporta sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas ang panukala upang simulan ang hakbang ng pagpapaalis sa tungkulin kay Gloria Macapagal-Arroyo.
Kronolohiya 2
baguhinTHE EARLIEST TIMES
- 30th century B.C. - Narating ng mga unang tao ang lupaing saklaw ngayon ng Pilipinas.
- 12th century B.C. - Ang simula ng paninirahan sa isla.
- Ika-6 hanggang ika-10 siglo - pagpapaigting ng proseso ng paninirahan sa Pilipinas.
- Ika-10 siglo - Itinatag ang mga unang lokal na kaharian.
- Ika-10 siglo - Nagsimula ang mga taga-isla na makipagkalakalan sa populasyon ng mga kalapit na isla at sa China.
- Huling bahagi ng ika-15 siglo - mula sa Brunei, lumitaw ang Islam sa Pilipinas.
- Sa pagitan ng 1512 at 1523 - Natuklasan ng mga Portugues ang Pilipinas.
- Mar. 17, 1521 - Dumating sa Pilipinas ang ekspedisyon ni Magellan.
- Abr. 27, 1521 - Napatay si Ferdinand Magellan sa Pilipinas.
- 1542 - Naging kolonya ng Espanya ang Pilipinas.
SPANISH RULE
- 1543 - Bilang karangalan ng kahalili sa trono ng Espanya na si Felipe II, binigyan ng ekspedisyon ni Ruy López de Villalobos ang mga isla ng pangalang "Pilipinas."
- 1565 - Itinatag ang unang pamayanan sa isla ng Cebu, itinatag ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi.
- 1571 - Nanirahan ang mga Kastila sa nayon ng tribo sa Maynila, na naging sentro ng pamamahala ng Espanya.
- Ika-16 siglo - Ang unti-unting pagsakop ng kapuluan ng mga Espanyol.
- Ika-17 hanggang ika-18 siglo - Panahon ng pagtaboy ng Espanya sa mga pagtatangka upang pasukin ang Pilipinas ng iba pang mga bansa sa Europa (pangunahin ang Inglatera at Olandiya).
- 1872 - Sumiklab ang pag-aalsa kontra-Espanyol sa Lungsod ng Cavite.
- 1892 - Itinatag ang mga lihim na makabayang organisasyon: Katipunan (na naghahanap ng kalayaan ng Pilipinas) at ang La Liga Filipina (na humihingi ng mga pagbabago mula sa Espanya).
- 1896 - Sumiklab ang pag-aalsa kontra-Espanyol, sa panawagan ng pinuno ng Katipunan na si Andres Bonifacio.
- 1889 - Pinalubog ng US ang armada ng mga Espanyol sa Look ng Maynila.
- Hun. 12, 1898 - Idineklara ng mga rebolusyonaryo ang kalayaan para sa Pilipinas (hindi kinilala ng Estados Unidos, na nakapaslang ng nasa 200,000 mga Pilipino).
- 1898 - Sa ilalim ng Kasunduan sa Paris, itinatag ng Estados Unidos ang kanilang mga pamahalaan sa kapuluan.
AMERICAN RULE
- 1899 - Inihalal ng Pambansang Kapulungan ng Pilipinas si Pangulo Emilio Aguinaldo at pinagtibay nito ang Saligang Batas.
- 1920s - Nagsimulang mabuo ang unang mga unyon ng kalakalan at makakaliwang asosasyon ng mga magsasaka sa Pilipinas.
- 1934 - Binigyan ng Kongreso ng US ang Pilipinas ng awtonomya sa loob ng 10 taon.
- Dis. 7, 1941 - Sinalakay ng Hapon ang Pilipinas.
- Okt. 14, 1943 - Ipinahayag ng mga awtoridad ng Hapon ang kalayaan ng Pilipinas at binuo nila ang isang pamahalaang sunud-sunuran.
- Okt. 1944 - Hul. 1945 - Pagpapaalis ng mga tropang Amerikano sa mga Hapones mula sa Pilipinas.
- Hul. 1946 - Deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas.
INDEPENDENT PHILIPPINES
- 1947 - Nilagdaan ng Estados Unidos at Pilipinas ang mga kasunduan sa mga base at tulong militar, na gumagarantiya sa pagkakaroon ng US ng mga base sa Pilipinas sa loob ng 99 taon (ang panahong ito ay pinaikli bunga ng kasunod na mga pag-aayos).
- 1966 - Naging pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Marcos.
- 1969 - Nilikha ang Moro National Liberation Front (MNLF), na naglalayong lumikha ng awtonomiya para sa mga lugar na tinitirhan ng populasyon ng mga Muslim sa mga isla ng Sulu at Mindanao.
- 1969 - Muling nahirang sa tungkulin bilang pangulo si Ferdinand Marcos.
- 1969 - Sinimulan ng MNLF ang mga kapanig na aktibidad, na nagresulta sa 40,000 mga biktima noong 1985.
- 1972 - Ipinahayag ang katayuan ng kagipitan.
- 1972 - Ipinagbawal ang partido pulitikal.
- 1973 - Pinagtibay ang bagong konstitution.
- 1978 - Pinaluwag ang katayuan ng kagipitan.
- 1981 - Muling pinaluwag ang katayuan ng kagipitan.
- Ago. 21, 1983 - Pinaslang ang lider ng oposisyon ng Pilipinas na si Benigno Aquino.
- 1983 - Bumuo ang mga grupo ng oposisyon ng isang pampulitikang alyansa sa ilalim ng pangalang Pwersa ng Bayan.
- 1984 - Idinaos ang halalan sa Pambansang Kapulungan.
- 1985 - Sinimulan ng Estados Unidos ang kanilang programa ng pagtulong sa ekonomiya at sa militar.
- 1986 - Idinaos ang halalang parlyamentaryo, na napagwagian ni Marcos. Natuklasang napalsipika ang mga resulta nito.
- 1986 - Naging pangulo si Corazon Aquino, bunga ng malawakang mga welgang panlipunan.
- Peb. 1987 - Pinagtibay ang bagong konstitusyon bunga ng reperendum.
- Ago. 1987 - Nabigo ang inilunsad na kudeta laban kay Aquino.
- Set. 28, 1989 - Namatay si Marcos habang nasa exile sa labas ng bansa.
- Nob. 1989 - Sa isang reperendum ay tinutulan ang panukalang lokal na paglahok ng karamihan sa labintatlong mga lalawigan sa katimugang rehiyong awtonomo.
- Okt. 1990 - Nabigo ang isinagawang kudeta laban kay Aquino.
- Hun. 1991 - Sa pagsabog ng Bundok Pinatubo ay nasawi ang 343-katao, at mula 100,000 hanggang 200,000-katao ang nawalan ng kanilang mga tahanan.
- 1992 - Isinara ang mga base militar ng US sa Pilipinas.
- 1992 - Naging pangulo si Fidel Ramos.
- Mayo 11, 1998 - Naging pangulo si Joseph Estrada.
- Nob. 13, 2000 - Inakusahan ng parlyamento ng Pilipinas si Joseph Estrada ng pag-abuso sa kapangyarihan, nepotismo at katiwalian.
- 2001 - Nagbitiw sa tungkulin si Joseph Estrada dahil sa mga paratang ng katiwalian, naging pangulo si Gloria Macapagal-Arroyo.
- Hul. 2003 - Nabigo ang isinagawang kudeta laban sa pamahalaan.
- 2003 - Naglunsad ang Islamikong samahang terrorista na Abu Sayyaf ng serye ng mga pag-atake.
- Hun. 30, 2010 - Naging Pangulo si Benigno Aquino III.
- 2015 - Nakatanggap ang mga rebeldeng Islamiko ng suporta mula sa ISIS at Al-Qaeda.