Ang pagkakaroon ng mga kulugo sa ari[1] (Ingles: genital wart) ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Lumilitaw ang mga kulugong ito sa titi at kiki, maging sa puwit, ng taong nahawahan mga anim hanggang labingdalawang buwan pagkalipas na mahawa. Dinudulot ito ng impeksiyon mula sa condylomata acuminate o papilomang birus na pantao (Ingles: human papilloma virus, HPV).[1]

Mga palatandaan

baguhin

Kabilang sa mga sintomas ng sakit na ito ang pangangati ng mga kulugong natatagpuan sa may loob at labas ng ari ng lalaki at babae. Nagsisimula lamang ang mga kulugo bilang mga maliliit na butlig, na lumalaking tila mga koliplor sa paglaon.[1]

Mga pagkalubha

baguhin

Kasama sa mga nagiging kumplikasyon ng sakit ang pagkakaroon ng kanser sa leeg ng matris at sa puwit. Lalo ring dumarami at nagsisilaki ang mga butlig.[1]

Pagkakahawa

baguhin

Sa lalaki at babae

baguhin

Naililipat sa ibang tao ang mga kulugo sa ari sa pamamagitan ng pakikipagtalik, partikular na nga kung mayroon nang mga kulugo ang taong kasiping.[1]

Sa ina at sanggol

baguhin

May pagkakataon na mahawa ang sanggol mula sa inang may kulugo sa panahon ng pagsisilang.[1]

Kalunasan

baguhin

Sa ganitong uri ng sakit, binibigyang lunas lamang ang kulugo. Hindi ginagamot ang birus sapagkat kahit na ipagamot nagpapatuloy pa rin ang pagiging nakakahawa nito. Nangyayari ang pagkahawa at pagsalin kahit walang napapansing mga palatandaan. Isinasagawa, dahil kailangan, ang paggawa ng pagsusuring Papanicolau (Ingles: pap smear o pap test) para sa mga kababaihan.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 "Herpes" Naka-arkibo 2008-03-14 sa Wayback Machine., Sexually Transmitted Infection, "Ano ang STI?", Healthy Body STI/HIV-AIDS, NEWS, Foundation for Adolescent Development/PATH Foundation Philippines, Inc./Kabalikat ng Pamilyang Pilipino Foundation, Inc., Quiapo, Maynila, Teenfad.ph, 2000, (Tagalog), nakuha noong: 13 Marso 2008
  NODES