Laro bago magtalik

Sa pantaong kaasalang seksuwal, ang laro bago magtalik o romansa bago magtalik[1] (Ingles: foreplay, literal na "paunang laro" bago maganap ang aktuwal na pagtatalik) ay isang pangkat ng matalik na sikolohikal at pisikal o pangkatawang mga galaw sa pagitan ng dalawa o mahigit pang bilang ng mga tao na sinasadya upang makalikha at makapagpataas ng pagkaantig o pagkagising na seksuwal. Maaaring kasangkutan ang laro bago ang ganap na pagtatalik ng sari-saring mga kilos o gawain, katulad ng pagdila ng pusod, paghipo, pagyakap, pag-uusap, at pagtukso (sa ganitong kaso, maaaring kabilangan ang panunukso ng mga paraan ng pagkapuno, tulad ng seksuwal na pagtangging nakahahalay).[2] Itinuturing na laro bago magtalik ang lahat ng uri ng pampagising sa damdaming seksuwal, katulad ng kinakamay o ginagamitan ng bibig na pamumukaw sa mga sonang erotiko. Maaari ring ituring na romansa bago magtalik ang mga gawaing seksuwal na pagganap ng papel, petisismong seksuwal, at pati na pang-aalipin at pagdisiplina, pamamayani at pangangayupapa, sadismo at masokismo, bagaman maaari rin silang kinasasamahan o kinasasabayan na ng pagtatalik at hindi lamang nauuna sa aktuwal na pagtatalik.

Paglalaro ng magkasinthan bago magtalik.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Foreplay - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Foreplay Naka-arkibo 2008-09-24 sa Wayback Machine. cambridge.org

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES