Sa mitolohiyang Griyego, si Leda (Sinaunang Griyego: Λήδα) ay ang anak na babae ni Thestius, na hari ng Aetolia. Siya ang asawa ng haring si Tyndareus (Τυνδάρεως, Tyndareos) ng Isparta. Ang kaniyang mito ang nagpalitaw sa tanyag na motif o paksa sa panahon ng Renasimyento at sa lumaon na sining na ang paksa ay sina Leda at ang Gansa. Siya ang ina nina Helen (Ἑλένη) ng Troya, Clytemnestra (Κλυταιμνήστρα, Klytaimnestra), at Castor at Pollux (Κάστωρ καὶ Πολυδεύκης, binabaybay din bilang Kastor at Polydeuces; ang Polydeuces ay binabaybay din bilang Polydeukes).

Si Zeus na nasa anyo ng isang gansa at si Leda.

Si Leda ay hinangaan ng diyos na si Zeus, na umakit sa kaniya habang nasa anyo ng isang gansa. Bilang isang gansa, nalaglag si Zeus sa kaniyang mga bisig upang mapruteksiyunan mula sa isang tumutugis na agila. Ang kanilang konsumasyon, na naganap sa gabi rin ng paghimlay ni Leda sa piling ng kaniyang asawang si Tyndareus, ay nagresulta sa dalawang mga itlog na napisa at pinaglitawan nina Helen (na sa pagdaka ay nakilala bilang ang magandang si "Helen ng Troya"), Clytemnestra, Castor at Pollux (ang huling dalawa ay nakikilala rin bilang ang Dioscuri (Διόσκουροι). Kung sino sa mga batang ito ang proheniya (supling) ni Tyndareus, ang haring mortal, at kung sino ang mula kay Zeus, at samakatuwid ay kalahating imortal, ay pabagu-pago sa mga pagkukuwento, pati na rin ang kung sino ang nagmula sa napisang mga itlog. Ang kahatian ay halos palaging kalahating mortal, kalahating banal, bagaman ang pagtatambalan ay hindi palagiang nagpapakita ng mga pagpaparis ng pinagmanahan ng mga bata. Paminsan-minsan, sina Castor at Polydeuces ay kapwa mortal, subalit kung minsan namay ay kapwa imortal. Ang isang hindi nagbabagong diin ay kung ang isa lamang sa kanila ang imortal, palaging si Polydeuces iyon. Palagi pa ring ipinapahayag na si Helen ay ang anak na babae ni Zeus. Sa isang pagsasalaysay, nangitlog si Leda ng dalawang mga itlog: nagmula sa isang napisang itlog sina Helen at Polydeuces, na mga anak ni Zeus. Samantala, napisa naman mula sa natitira pang itlog sina Clytemnestra at Castor, na mga anak ni Leda mula sa kaniyang asawang si Tyndareus.

Nagkaroon din si Leda ng iba pang mga anak na babae mula kay Tyndareus: sina Timandra (Τιμάνδρα), Phoebe (Φοίβη), at Philonoe (Φιλονόη).

Sa Iliad ni Homer, tumatanaw si Helen magmula sa matataas na mga pader ng Troya, at nagtataka siya kung bakit hindi niya nakikita sa ibaba ang kaniyang mga kapatid na lalaki sa piling ng mga Achaeano. Binanggit ng nagsasalaysay ng kuwento na namatay na kapwa ang mga ito at nailibing na sa kanilang inang-bayan ng Lacedaemon, kung kaya't nagmumungkahi na, mula sa ilang maaagang mga kaugalian, ang dalawa ay mga mortal.

Mayroong isa pang pagsasalaysay ng mito na naglalahad na si Nemesis (Νέμεσις) ang ina ni Helen, na nabuntis din ni Zeus habang nasa anyo ng isang gansa. Natagpuan ng isang pastol ang itlog at ibinigay ito kay Leda, na maingat na itinago ito sa loob ng isang kaban hanggang sa ito ay mapisa. Nang mapisa na ang itlog, inampon ni Helen si Lena bilang kaniyang anak na babae. Inalala din ni Zeus ang pagkapanganak kay Helen sa pamamagitan ng paglikha ng konstelasyong Cygnus (Κύκνος), ang Gansa, sa kalangitan.

Si Leda at ang gansa, at si Leda at ang itlog, ay naging tanyag na mga paksa sa sinaunang sining. Sa pagkatapos ng mga sining na klasikal, naging isang mabisang napagkukunan ng inspirasyon.

Mga sanggunian

baguhin
  • March, J., Cassell's Dictionary Of Classical Mythology, London, 1999. ISBN 0-304-35161-X
  • Peck, H., Harper's Dictionary of Classical Antiquities, 1898.

Mga kawing na panlabas

baguhin
  NODES