Si Leopoldo Lugones, (ipinanganak Hunyo 13, 1874 sa Villa María del Río Seco, Arhentina — namatay Pebrero 19, 1938 sa Buenos Aires), ay isang taga-Arhentina na makata, manunulat ng sanaysay, nobelista, mandudula, propesor, tagasalin, biyogropiko, pilologo, teologo, diplomatiko, politiko at mamahayag. Karaniwang itinuturing ang kanyang mga gawang tula na gawang nagtatag sa makabagong panulaan sa wikang Kastila (bagaman, hindi modernismo[1]). Ang kanyang mga maikling kuwento ang nagbunsad sa kanya bilang tagapanguna ng panitikang pantasya at kathang-isip na salaysaying pang-agham sa Arhentina.[2]

Leopoldo Lugones, manunulat mula sa Arhentina

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak sa Villa de María del Río Seco, isang lungsod sa Probinsiya ng Córdoba, sa Arhentina, ang mga Lugones ay kabilang sa mga edukadong pamilya. Siya ang panganay na anak nina Santiago M. Lugones at Custodia Argüello. Ang kanyang ama, ay anak ni Pedro Nolasco Lugones, ay bumabalik mula sa lungsod ng Buenos Aires patungong Santiago del Estero nang makilala niya si Custodia Argüello habang tumitigil sa Villa de María, isang lugar na noong panahong iyon ay pinagtatalunang teritoryo sa pagitan ng mga lalawigan ng Santiago del Estero at Córdoba. Ang kanyang ina ang nagbigay sa batang Leopoldo ng kanyang unang aralin at siya rin ang may kapanagutan para sa kanyang mahigpit na pagtuturo sa relihiyong Katoliko.

Nang si Lugones ay anim na taong gulang at kasunod ng pagkapanganak ng kanyang kapatid, ang pamilya ay lumipat sa lungsod ng Santiago del Estero at kalaunan ay sa Ojo de Agua, isang maliit na bayan na matatagpuan sa timog ng lalawigan ng Santiago del Estero at malapit sa hangganan kasama ang Córdoba, kung saan ipinanganak ang dalawang mas batang magkakapatid: si Ramón Miguel Lugones (1880, Santiago del Estero), at ang bunso sa apat na bata, si Carlos Florencio Lugones (1885, Ojo de Agua). Kalaunan ipinadala siya ng kanyang mga magulang upang mag-aral sa Colegio Nacional de Monserrat, sa Córdoba, kung saan nanirahan ang kanyang lola. Noong 1892 ang pamilya ay lumipat sa lungsod na iyon, sa panahon na pagsisimula ni Lugones ng kanyang maikling paglalakbay sa larangan ng pamamahayag at literatura.

Una siya nagtrabaho para sa La Montaña, isang pahayagan, at pabor sa maharlikang si Manuel Quintana, isang kandidato na naging Pangulo ng Arhentina. Ito ang nagdala sa kanya muna sa Buenos Aires noong 1896, kung saan mabilis na nalinang ang kanyang talento sa literatura. Noong taóng iyon, siya ay ikinasal kay Juana Agudelo, kung saan siya ay may isang anak na lalaki, si Leopoldo Polo Lugones, na naging bantog na pinuno ng Pederal na Pulisya sa panahon ng diktadura ni José Félix Uriburu. Noong 1899, naging aktibo siyang mason.

Propesyon

baguhin

Si Lugones ang nangungunang Arhentino na simbolo ng kasalukuyang pampanitikang Amerikang Latino na kilala bilang modernismo. Ito ay isang anyo ng parnasianismo na naimpluwensyahan ng simbolismo. Siya rin ang may-akda ng maraming nobelang pangkasaysayan na La Guerra Gaucha (Ang Digmaang Gaucho), 1905. Siya ay isang makapukaw-damdamin na mamamahayag, polemiko at pampublikong tagapagsalita na naging sosyalista, at naglaon ay isang konserbatibo / tradisyonal at kalauna’y isang tagapagtaguyod ng pasismo at bilang inspirasyon para sa isang pangkat ng mga intelektwal na may karapatan tulad ni Juan Carulla at Rodolfo Irazusta.

Si Leopoldo Lugones ay nagpunta sa Europa noong 1906, 1911, 1913 at noong 1930, kung saan sa dakong huli ay sinuportahan niya ang kudeta laban sa tumatanda na presidente ng Partido Radical, Hipólito Yrigoyen

Kamatayan

baguhin

Noong Pebrero 18, 1938, ang bigo at nawalan ng pag-asang si Lugones ay nagpapakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng pinaghalong whisky at cyanide habang naglalagi sa ilog bakasyunan ng El Tigre sa Buenos Aires. Ang pagkabigo sa politika ay ang pinakamalawak na dahilang nabanggit tungkol sa kanyang pagpapakamatay. Gayunpaman, ang mga kamakailang pahayagan sa Arhentina ay nagbigay ng liwanag sa isa pang posibleng pag-uudyok: si Lugones ay umiibig sa isang batang babae na nakilala niya sa isa sa kanyang mga lektura sa pamantasan. Pinananatili niya ang isang madamdamin at emosyonal na relasyon sa kanya hanggang, natuklasan at idiniin ng kanyang anak na lalaki, napilitan siyang lauyan ang babae, na nagdudulot sa kanya ng isang matinding depresyon na nagtapos sa kanyang buhay.

Ang kanyang mga kaapu-apuhan ay nagkaroon din ng katulad na trahedyang tadhana. Ito ay pinaniniwalaan na ang kanyang anak na si Polo, ang pinuno ng pulisya sa panahon ng diktadurang Uriburu, ang lumikha ng picana at ipinakilala bilang isang pamamaraan ng pagpapahirap. Si Polo Lugones ay nagpakamatay noong 1971. Ang mas batang anak na babae ni Polo, na si Susana Pirí Lugones, ay ipiniit at naglaho noong Disyembre 1978 bilang biktima ng Dirty War. Ang kanyang mas matandang anak na babae, si Carmen, na kanyang tinatawag na Babú, ay buhay pa rin. Isa sa mga anak ni Pirí, si Alejandro, ay nagpakamatay, tulad ng kanyang lolo sa tuhod, sa Tigre. Ito ang bumubuo ng trahedyang tadhana ng pamilyang Lugones, mausisa na katulad ng kay Horacio Quiroga, kaibigan at tagahanga ni Leopoldo Lugones.

Mga gawa

baguhin

Mga tula

baguhin
  • Las montañas del oro (Ang bundok na ginto), 1897
  • Los crepúsculos del jardín (Ang takip-silim ng hardin), 1905
  • Lunario sentimental (Lunario sentimental), 1909

Odas seculares (Mga odang walang kaugnayan sa relihiyon), 1910

  • El libro fiel (Ang tapat na aklat), 1912
  • El libro de los paisajes (The book of landscapes), 1917
  • Las horas doradas (Ang ginintuang oras). 1922
  • Romances del río seco (Kasaysayan ng kabayanihan sa ilog Seco), postumo, 1939

Mga Maikling Kwento

baguhin
  • Las fuerzas extrañas (Ang kakaibang puwersa), 1906
  • Cuentos fatales (Mga Kwentong Nakamamatay),1926
  • Yzur 1906

Ang maikling kuwento ni Leopoldo Lugones na Yzur (mula sa kanyang koleksyon ng 1906 Kakaibang Puwersa) ay isang kuwento na itinatag sa ideya na ang unggoy ay tumanggi sa wika upang hindi sila mapipilitang magtrabaho. Ang tagapagsalaysay ng kuwento ay naglinang ng isang teorya na ang paunang pagtanggi na ito ay humantong sa pagkabulok ng mga unggoy, at nilalayon niyang ipakita ito sa pamamagitan ng pagbabalik ng isa sa pagsasalita. Binili niya ang hayop na Yzur mula sa sirko at nagpapatuloy sa kanyang eksperimento.

Sa paggamit ng mga paraan upang gamutin ang mga bingi sinikap ng tagapagsalaysay na hikayatin ang paglinang ng pananalita sa pamamagitan ng pisikal na pagmamanipula at isang sistema ng pagsasanib ng mga patinig na may kasamang pagkain. Ang paunang proseso na ito ay tumatagal ng tatlong taon at walang salita ang binigkas. At ang nangyari ay lumilikha ang unggoy ng isang mapagdilidiling pakiramdam, at ang pagkahilig na umiyak.

Ang tagapagsalaysay ay nagiging higit pang nabigo, na umaasang makapagsalita si Yzur ngunit hindi niya sana ito gusto. Ito ay pinatibay pa nang sinabi ng kanyang kasambahay na nagsambit ng ilang salita ang kanyang unggoy (bagaman hindi matandaan ng kasambahay ang lahat ng mga salita, tanging kama at pipa). Nang sumunod na araw ang tagapagsalaysay, na nakumbinsi na inuuyam siya ng unggoy, ay walang pakundangang pinagpapalo ang nilalang, at ang unggoy ay tahimik lamang na nagbuhos ng mga luha.

Pagkatapos ng walang tigil na pamamalo, si Yzur ay bumagsak at lubhang nasaktan. Ang tagapagsalaysay ay nabugnot at sinubukan pang iligtas ang nilalang. Ang sakit na naramdaman ni Yzur ay para bang ituring siyang parang tao, ngunit hindi pa rin siya makapagsalita. Ang mga aralin ay ipinagpatuloy, at ang tagapagsalita ay nagsimulang magbigkas ng mga parirala gaya ng “Ako ang iyong panginoon” o “ikaw ang aking unggoy”, ngunit ang unggoy ay nanghihina na at nangamatay.

Ang tagapagsalaysay ay nagbabasakali na ang pagtanggi na magsalita ng unggoy ay bunga ng isang intelektuwal na pagpapakamatay na sumindak sa katawan ng nilalang, mula sa matagal na pagtanggi sa ipinapagawa ng tagapagsalaysay. Iniisip niya na pinaparusahan ng tao ang mga nilalang na katulad niya, na binubusabos sila sa sinaunang nakaraan, hanggang sa sila ay magpasya na durugin ang lahat ng mga pagsugod sa kaaway. Kaya, ang kanilang inaasal na matinding dangal upang makakuha ng kanlunagn, bilang isang panghuling hakbang ng kaligtasan, sa kadiliman ng kanilang pagiging hayop.

Sa huli, si Yzur ay naghihingalo na, ngunit nanatiling tapat sa sinaunang panata na tumanggi sa pagsasalita, ngunit sa huling sandali ng kanyang kamatayan ay lumapit siya sa tagapagsalaysay at bumulong “Tubig, panginoon. Panginoon, aking panginoon…”

Isang pampanitikang kritiko mula kay Howrard M. Frazer (1996) sa kanyang sanaysay na pinamagatang Apokaliptik na Pananaw at Modernismong Pagbubuwag ng Pang-agham na Diskurso sa kwentong Yzur ni Lugones ang kwento ay isa sa mga obra maestra ng modernistang kathambuhay na nagpapahayag ng pag-aalala ng kilusan sa mga kasamaan ng pag-unlad at ang pagkapinsala ng tradisyonal at makaagham pagtalakay na naghahatid ng kaloobang maka-imperyalista sa kapangyarihan ay ang "Yzur" ni Leopoldo Lugones na inilathala sa kanyang koleksyon ng mga alkemical at okultist na maikling kuwento, Las fuerzas extraña (Ang kakaibang puwersa) - 1906. Ang kuwento ay nag-uulat sa isang eksperimento kung saan sinisikap ng isang imbestigador na uruan ang unggoy na makapagsalita. Ang mga kasamang kwento sa kanyang kwarteto ng mga kwento tungkol sa pang-agham na kathambuhay, La fuerza omega" (Ang omega puwersa), La metamfisica" (Ang metapisika) Viola acherontia, El psychon" (Ang psychon), Yzur ay kumakatawan sa isang milyahe sa Modernistang pagsusuri ng apokaliptikong uri ng pang-eksperimentong agham at mileniyong pangamba sa hinaharap. Bilang isang talinghaga ng pag-aalinlangan sa paggalaw tungkol sa mga limitasyon ng pang-agham na diskurso, binabalangkas ng kuwento ang kurso ng eksperimento na nagaganap sa isang nakalulungkot na eksena na may isang unggoy na, naghihingalo, at binibigkas ang isang misteryosong mensahe sa kanyang panginoon: Panginoon, tubig, panginoon, aking panginoon ... (126). Sa ganitong misteriyosong parirala, ang kuwentong "Yzur" ay nagbibigay sa mga makabagong mambabasa ng paglahok sa iba't-ibang paniniwala tungkol sa likas na katangian ng pagkakamag-anak ng sangkatauhan sa iba pang mga lahi ng unggoy, pananalita ng mga tao, at ang paghahanap para sa dominasyon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Zonana, Alfonso Sola González. Pról. de Enrique Marini Palmieri. Ed. a cargo de Víctor Gustavo (1999). Itinerario expresivo de Leopoldo Lugones : del subjetivismo alucinatorio al objetivismo poético (sa wikang Kastila). Mendoza: Ed. de la Fac. de Filosofía y Letras, Univ. Nacional del Cuyo. pp. 4, 6. ISBN 950-774-049-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Borges, Jorge Luis (1955). Leopoldo Lugones. Buenos Aires: Editorial Troquel. p. 71.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Zonana, Alfonso Sola González. Pról. de Enrique Marini Palmieri. Ed. a cargo de Víctor Gustavo (1999). Itinerario expresivo de Leopoldo Lugones : del subjetivismo alucinatorio al objetivismo poético. Mendoza: Ed. de la Fac. de Filosofía y Letras, Univ. Nacional del Cuyo. pp. 4, 6. ISBN 950-774-049-X.
  4. Borges, Jorge Luis (1955). Leopoldo Lugones. Buenos Aires: Editorial Troquel. p. 71.
  5. "Archived copy". Archived from the original on 2013-09-22. Retrieved 2013-04-02.
  6. "Cuando Lugones conoció el amor" de María Inés Cárdenas de Monner Sans, Seix Barral, Buenos Aires, (1999).
  7. (Sa Espaňol) Di Núbila, Domingo, La época de oro. Historia del cine argentino I, Buenos Aires, Ediciones del Jilguero, 1998, p. 392, ISBN 987-95786-5-1.
  8. http://leniency.blogspot.com/2012/01/
  9. Fraser, Howard M. “Apocalyptic Vision and Modernism's Dismantling of Scientific Discourse: Lugones's ‘Yzur.’” Hispania, vol. 79, no. 1, 1996, pp. 8–19. JSTOR, JSTOR, www.jstor.org/stable/345577.
  NODES