Sa neurosikolohiya, lingguwistika, at pilosopiya ng wika, ang natural na wika, likas na wika o pangkaraniwang wika ay anumang wika na natural na nangyayari sa isang komunidad ng tao sa pamamagitan ng proseso ng paggamit, pag-uulit, at pagbabago nang walang sinasadyang pagpaplano o premeditasyon. Maaari itong magkaroon ng iba't ibang anyo, karaniwan ay isang sinasalitang wika o isang pakumpas na wika . Ang mga likas na wika ay naiiba sa mga binuo at pormal na wika tulad ng mga ginagamit sa pagprograma ng mga kompyuter o sa pag-aaral ng lohika. [1]

Pakahulugan sa likas na wika

baguhin

Ang likas na wika ay maaaring malawak na tukuyin bilang iba sa

Ang lahat ng mga uri ng mga wika sa daigdig ay natural na mga wika, kabilang ang mga nauugnay sa lingguwistikong pagtatakda o regulasyon ng wika . (Ang mga di-batayang diyalekto ay maaaring tingnan bilang isang ligaw na uri kumpara sa mga istandard na wika.) Isang opisyal na wika na may nagreregulang akademya tulad ng Pamantayang Pranses, pinangangasiwaan ng Académie Française, ay inuri bilang isang natural na wika (hal. sa larangan ng natural na pagpoproseso ng wika), dahil ang mga preskriptibong aspeto nito ay hindi ginagawang sapat ang pagkakagawa nito upang maging isang binuong wika o sapat na kontrolado upang maging isang kontroladong natural na wika.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lyons, John (1991). Natural Language and Universal Grammar. New York: Cambridge University Press. pp. 68–70. ISBN 978-0521246965.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Norris, Paul F (25 Agosto 2011). "The Honeybee Waggle Dance – Is it a Language?". AnimalWise. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Agosto 2016. Nakuha noong 10 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES
Done 1