Llanfairpwllgwyngyll

Ang Llanfairpwllgwyngyll or Llanfair Pwllgwyngyll (bigkas [ɬanˌvair puɬˈɡwɨ̞nɡɨ̞ɬ]; Llanfairpwll, Llanfair PG) ay isang malaking nayon (village o pueblo) at pamayanan sa pulo ng Anglesey sa Gales, na nasa bandang Kipot ng Menai kasunod sa Tulay ng Bretannia at pa-ibayo ng kipot mula Bangor. Ang buong pangalan ng nayong ito ay Llanfair­pwllgwyngyll­gogery­chwyrn­drobwll­llan­tysilio­gogo­goch.

Ilustrasyon ng karatula na ipinapakita ang pangalan at ang salinwika sa Ingles na nangangahulugang: "Simbahan ni Santa Maria sa sisidlan ng puting abelyano (o kastanya?) malapit sa nabilis na puyo ng tubig ng llantysilio ng mapulang yungib."

Sa Senso 2001, nasa halos 3,040 ang populasyon ng pamayanan,[1] kung saan 76% ng populasyon ay bihasa sa wikang Gales (Welsh, Cymraeg); ang pinakamataas na bahagdan ng mga mananalita ay nasa pangkat ng mga mayroong edad na 10-14, kung saan 97.1% ang mga tagapagsalita ng Gales. Noong panahon ng Senso 2011, nataas ang populasyon sa 3,107 kung saan 70.62% ang mga mananalita ng Gales.[2] Iyon ang ikaanim na pinakamalaking pinaninirhan sa pulo batay sa populasyon.

Sanggunian

baguhin
  1. "Neighbourhood Statistics". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-06. Nakuha noong 2015-12-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Community population and percentage of Welsh speakers". Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Abril 2016. Nakuha noong 18 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
Community 1
os 5
web 2