Ang Look ng Sibuguey ay isang malaking look sa Golpo ng Moro, na matatagpuan sa timog-kanlurang baybayin ng pulo ng Mindanao sa Pilipinas.[1]

Look ng Sibuguey
LokasyonTangway ng Zamboanga, Mindanao, Pilipinas
Mga koordinado7°30′00″N 122°40′0.12″E / 7.50000°N 122.6667000°E / 7.50000; 122.6667000
Urilook
Mga pamayanan

Hinahangganan ng look ang katimugang baybayin ng Tangway ng Zamboanga. Kasama ang Golpo ng Moro at Look ng Illana (na bahagi rin ng nasabing golpo), bumubuo ito sa bahagi ng Dagat Celebes.

Isang lumang mapa ng Tangway ng Zamboanga na nagpapakita ng kinaroroonan ng Look ng Sibuguey

Pangingisda

baguhin

Sinusuporta ng look ang isa sa mga pinakamayamang populasyon ng isda sa Pilipinas. Tinatayang nakakapagtustos ito ng isda para sa 330,000 mga Sibugaynon na nakatira sa lugar. Ngunit ang pagpapakilala ng bagong mga kagamitan sa pangingisda, ang paggamit ng dinamita at ang mabilis na pagkawasak ng mga bakawan ay nakapag-ambag sa marahas na pagbaba ng populasyon ng look. Ang kasalukuyang dami ng nahuhuling isda ng isang mangingisda sa look ay bumaba nang sampung beses mula sa dating dami.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Sustaining the Mangrove Rehabilitation Initiatives and Livelihood in Sibuguey Bay". Xavier Science Foundation, Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-29. Nakuha noong 9 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES