Ang Madhouse (Hapones: マッドハウス, Hepburn: Maddohausu) (minsa'y Madhouse Production, Madhouse Studios o Studio Madhouse ngunit ang opisyal na pangalan ay simpleng Madhouse lamang) ay isang istudiyong animasyon sa bansang Hapon. Itinatag ito noong 1970 ng dating Mushi Pro na animador pati na rin si Masao Maruyama, Osamu Dezaki, Rintaro, at Yoshiaki Kawajiri. Gumawa at tumulong ito sa pag-gawa ng maraming kilalang palabas, mula sa TV anime serye na Ace o Nerae! noong 1973, hanggang sa mga kilala sa kanluran tulad ng Ninja Scroll, Vampire Hunter D: Bloodlust, Trigun at Di Gi Charat. Gumawa ito ng animasyon sa format na OVA noong 1980 at 1990, ngunit di tulad ng mga istudyo noong panahong iyon tulad ng AIC at J.C.STAFF, ang kanilang lakas ay sa telebisyon at teatrong palabas.

Kabilang sa mga teatrong gawa nila ang pagtulong sa Barefozot Gen, isang pelikulang anime na batay sa space opera na Lensman na isang serye ng kilalang alamat sa sci-fi na si E.E. "Doc" Smith, ang pag-animate sa bersyon ni Osamu Tezukan beryson ng Metropolis pati na rin ang dalawahang-habang pelikula ng Sanrio na ang pinaka-bida ay si Unico, at pag-gawa ng bagong bersyon ng pelikula ni Satoshi Kon na: Perfect Blue, Millennium Actress, Tokyo Godfathers, at Paprika.

Ginawa ng Madhouse noong 2003 ang pelikulang anime na Nasu: Summer in Andalusia, ang unang pelikulang hapon na naisali sa Cannes Film Festival. Responsable rin sila sa serye ng Beyblade pati na rin sa Dragon Drive na anime. Ang isang malapit sa istudyo ay ang ilustrador ng manga na si Naoki Urasawa. Gumawa ang Madhouse na akma ng kanyang tatlong manga: Yawara!, Master Keaton at Monster. Kinuha din nila ang ilang katalogo ng CLAMP na: Tokyo Babylon, dalawang bersyon ng X, Cardcaptor Sakura at Chobits. Ang Madhouse ang gumawa ng OVA na Last Order: Final Fantasy VII para sa Square Enix.

Sa ngayon ay gumagawa ng may kooperasyon ang Madhouse sa ilang tagalathala ng anime serye na The Boondocks para sa ikalawang season sa Adult Swim ng Cartoon Network. [1] Gumawa din sila ng bersyong anime ng Death Note. Ipinapalatastas ng Capcom na may Devil May Cry na anime na ipapalabas sa bansang Hapon noong 2007, at magiging gawa ng Madhouse.

Noong Pebrero 2004, naging sangay ng Index Corporation ang Madhouse.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "CHANGING LINEUP: 'BOONDOCKS' NEW SEASON ON HOLD". New York Post (sa wikang Ingles). 2006-07-16. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-07-16. Nakuha noong 2020-04-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Archived copy" 沿革 (sa wikang Hapones). Madhouse Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-04-11. Nakuha noong 2014-04-14.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin
  NODES
Done 1