Ang maliit na laro (sa Ingles: minigame; binaybay rin ito bilang larong-ikli o minilaro, minsan mikrolaro o miklaro) ay isang maikli na larong nakabidyo kadalasang bliang parte o napaloob sa isang larong pangbidyo, at minsan sa application software o ipinapakita sa anumang hardware. Mayroong magkaibang elemento ng gameplay kaysa sa pangunahing laro, pwedeng opsyonal, at kadalasang mas maliliit o simplistiko kaysa sa aktwal na laro. Minsan magkahiwalay na binigay ng libre din ang mga maliit na laro para alukin ang pangunahing laro. Minsan pwede rin maging yugtong nakabonus o lebel nakalihim ang mga maliit na laro.

Katangian

baguhin

Ang mga maliit na laro ay pwede maging parte sa gameplay, o bilang pag-aaksaya ng oras habang nag-loload ang mga lebel, o bilang mga Easter eggs, kahit na sa mga hindi larong nakabidyo, hal. isang larong wangis-DOOM o isang simulasyong pamlipad sa iba't ibang bersyon ng Microsoft Excel. Yung panghuling haimbawa ay tinaguriang "larong nakalihim" (secret games). Sa unang halimbawa, kailangang o 'di kailangang kompletuhin ang mga maliit na laro para tapusin ang naturang laro. Kadalasang kasama ang mga ito bilang mga dagdag-laman pagkatapos ng pangunahing kuwento. Pwede rin ang mga maliit na laro sa iba't ibang mga hardware hal. sa isang display tuldok-matris ng isang makinang pinball o bilang pag-aaksaya ng oras sa isang ilaw-trapiko hal. StreetPong.[1]

Kompilasyon ng mga maliit na laro

baguhin

Mga ilang laro kagaya ng seyeng WarioWare (tinaguriang microgames sa naturang laro), Video Action ng Universal Research Laboratories, mga iba't ibang larong Cinemaware katulad ng Defender of the Crown, Lazy Jones ni David Whittaker, o yung satirong pang-smartphone Phone Story na binubuo ng maraming maliit na laro sa isang larong nakabidyo. Ilang mga katulad na mga laro kagaya ng seryeng Mario Party ng Nintendo ay isinaalang-alang silang bilang larong pamparti, dinisenyong partikular para sa multiplayer. Sa larong pamparti, karaniwan sa mga maliit na laro nito ay gumagawa ng isang gawain nang mabilis o kumukolekta ng tinitiyak na bagay na labis pa sa mga kalaro para manalo.

Mga tanyag na halimbawa

baguhin

Maraming mga maliit na laro ang The Legend of Zelda sa bawat laro nito, kadalasan mayroong mga premyo kagaya ng Pieces of Heart (tumataas sa kalusugan ni Link), Rupees (pera ng larong nito), at upgrades (talanga, pitaka, atbp.)

Tanyag na itinaitampok ang mga maliit na laro sa seryeng Final Fantasy sa lahat ng mga laro nito, magmula pa sa Final Fantasy (1987) kung saan pwedeng ma-unlock ang isang sliding puzzle naka-Easter egg habang nakasakay sa barko. Isinaalang-alang ito bilang pinakaunang maliit na laro sa isang RPG, dinagdag ito ni programer Nasir Gebelli kahit di ito kasali sa orihinal na plano ng Squaresoft.[2] Sa Final Fantasy II (1988), pwedeng ma-unlock ang isang matching game habang nakasakay sa paragos pangyelo at pagkamit ng isang partikular na kinakailangan. Ang Final Fantasy VII (1997) ang kauna-unahang larong bidyo na hindi bababa sa tatlumpung maliit na laro, at manatili parin itong pinakaraming mga maliit na laro para sa isang larong pangdula-dulaan. Sa larong pang-PC na Chronomaster, mayroong magkatulad na mga minilarong puzzle na napakaimportante sa kuwento nito.

Ang mga dating laro ng Sonic the Hedgehog sa Sega Genesis ay mayroong mga yugtong nakabonus o nakaespesyal na mga maliit na laro, kagaya nang tumatalbog sa palibot ng isang maze para sa isang espesyal na hiyas (special gem) o pagkokolekta ng mga gintong singsing (gold rings) habang tumatakbo sa tubo nang pababa. Halimbawa sa Sonic the Hedgehog 3, mayroong isang yugtong espesyal kung saan si Sonic ay tumatakbo sa paligid para hawakan ang lahat ng mga asul na globo at mga ibang globo na may espesyal na katangian, habang umiiwas sa mga pula na globo. Kinamamayaan itong yugtong nakabonus ay nagiging aktwal na laro. Pag pinasok ang kartutso ng Sonic 1 (o Sonic Classics 3 in 1) sa nakalock-on na slot ng Sonic and Knuckles, pwedeng pindutin ang A, B, at C, at pagkatapos ay i-type ang kahit anong password na binigay para malaro ang yugtong espesyal na katumbas sa password nai-type mo; eksatong Sonic 3 ang mga gameplay ng mga yugtong espesyal na ito.

Kagaya sa halimbawa ng Sonic the Hedgehog 3, nagiging sariling silang laro ang mga ibang maliit na laro dahil sa kasikatan. Tanyag na halimbawa nito ay ang Geometry Wars na dating isang maliit na laro sa Project Gotham Racing 2, at Arcomage, isang medyong komplikadong maliit na laro kawangis ng Magic: The Gathering, unang ipinakita sa Might and Magic VII: For Blood and Honor.

Sa pamamagitan ng mga aksesoryang PocketStation (para sa Sony PlayStation) at VMU (para sa Dreamcast), binibigay sa user na maka-download ng mga maliit na laro galing sa pangunahing konsol papuntang sa konsol-aparato, at kadalasang maka-sync ng progreso sa maliit na laro pabalik sa konsol. Dalawang halimbawa nito ay ang maliit na laro na Chocobo World sa Final Fantasy VIII[3] (pwede din makalaro sa PC), at Chao Adventure sa in Sonic Adventure. Mga maliit na laro kagaya ng Five Nights at Freddy's ay nagpapakita ng mga kaalaman sa naturang laro.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Streetpong". streetpong.info. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-20. Nakuha noong 2018-04-12.
  2. "インタビュー『FINAL FANTASY I・II ADVANCE』". Dengeki (sa wikang Hapones). 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-26. Nakuha noong 2020-11-27.
  3. FFVIII PocketStation Opens Up Chocobo World Naka-arkibo 2012-03-21 sa Wayback Machine., IGN, July 15, 1999

Silipin din

baguhin
  NODES
games 2
games 2
mac 1
os 5