Mananalaysay

propesyonal na nag-aaral ng kasaysayan

Ang mananalaysay o historyador ay isang taong nag-aaral at nagsusulat ng kasaysayan, at kinikilalang awtoridad ito sa kasaysayan.[1] Pinag-aaralan ng mga manunulat ng kasaysayan ang pagdaan ng panahon at ang mga kaganapang nangyayari sa loob ng kapanahunang iyon. Bukod sa pag-aaral ng kasaysayan, nagsusulat din ng kasaysayan ang manunulat ng kasaysayan at itinuturing na isang dalubhasa at "may kapangyarihan" hinggil sa larangang ito. Tumutuon ang mga historyador sa patuloy at maparaan pagsasalaysay at pananaliksik ng nakalipas na mga pangyayari na kaugnay ng lahi ng tao; pati na ang pag-aaral ng lahat ng mga kaganapan sa loob ng panahon. Kapag ang indibiduwal ay nagbibigay-pansin sa mga kaganapan bago ang nasusulat na kasaysayan, ang hisoryador ay isang manunulat ng prehistorya. Bagaman puwede ring ipanglarawan ang "historyador" kapwa para sa mga baguhan at mga propesyunal nang mga manunulat ng kasaysayan, mas nakalaan lamang ito kamakailan para sa nakakamit ng digring pang-akademya (mga digri ng pagtatapos sa paaralang panglarangan).[2] Subalit may ilang mga mananalaysay na kinikilala bilang mananalaysay kapag nagkaroon na ng karampatang kapantay at sapat na pagsasanay at karanasan habang nasa labas ng paaralan.[2] Naging isang propesyunal na hanapbuhay ang pagiging historyador noong hulihan ng ika-19 daang taon, na kasabay ng pagtatakda ng mga pamantayan ng mga manggagamot kung sino ang makakapasok sa larangan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Historian" (sa wikang Ingles). Wordnetweb.princeton.edu. Nakuha noong Hunyo 27, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Herman, A. M. (1998). Occupational outlook handbook: 1998-99 edition. Indianapolis: JIST Works. Pahina 525.
  NODES
os 2
web 2