Ang Era na Mesosoiko ay isang interbal ng panahong heolohiko mula mga 250 milyong taon ang nakalilipas hanggang mga 65 milyong taon ang nakalilipas. Ito ay kadalasang tinutukoy bilang Panahon ng mga Reptilya dahil ang mga reptilya na mga dinosauro ang mga nananaig na mga berterbratang pang-lupain at pang-tubig ng panahong ito. Ang erang ito ay nagsimula kasunod ng pangyayaring Permian-Triassic na pinakamalaking ekstinksiyong pang-masa sa kasaysayan ng daigdig at isa pang ekstinksiyong pang-masa na kilala sa pagpapatay sa mga hindi-ibong mga dinosauro gayundin ang ibang mga halaman at mga espesye ng hayo. Ang mesosoiko ay nangangahulugang "gitnang buhay" mula s Griyegong panlapi na meso-/μεσο- na nangangahulugang "gitna" at zōon/ζωον na nangangahulugang "hayop". Ito ang isa sa mga eron na Phanerosoiko na pinangunahan ng Paleozoic ("sinaunang buhay") at sinundan ng Cenozoiko ("bagong buhay"). Ang erang ito ay hinahati sa tatlong mga pangunahing panahon: Ang Triasiko, ang Hurassiko at ang Kretaseyoso na karagdagan pang hinati sa ilang mga yugto at epoch. Ang panahong Mesososiko ay isang panahong ng mahalagang tektonikang plato, klima at ebolusyonaryo. Ang erang ito ay nakasaki ng unti-unting paghahati ng superkontinenteng Pangaea sa magkakahiwalay na mga masa ng lupain na kalaunan ay lumipat sa mga kasalukuyang posisyon nito. Ang klima ng Mesosoiko ay iba iba na naghahalinhan sa pagitan ng katamtamang pag-i init at paglalamig. Gayunpaman, ang daigdig sa panahong ito ay mas mainit kesa sa kasalukuyang panahon. Ang mga hindi ibong dinosauro ay lumitaw sa Gitnang Triasiko at naging nananaig na mga bertebratang pang-lupain sa simula nang Hurassiko at sumakop ng posisyong ito sa loob ng mga 135 milyong taon hanggang sa pagkamatay ng mga ito sa wakas ng Kretasyoso. Ang mga ibon ay unang lumitaw sa Hurassiko na nag-ebolb mula sa isang sanga ng mga dinosaurong theropoda. Ang unang mga mamalya ay lumitaw rin sa panahong Mesosoiko ngunit nanatiling maliit at katamtaman hanggang sa era na Cenosoiko.

Mesozoic Era
251.902 ± 0.024 – 66.0 milyong taon ang nakakaraan
Kronolohiya
Etimolohiya
PormalFormal
PalayawAge of Reptiles, Age of Conifers
Impormasyon sa paggamit
Celestial bodyEarth
Paggamit panrehiyonGlobal (ICS)
Ginamit na iskala ng panahonICS Time Scale
Kahulugan
Yunit kronolohikalEra
Yunit stratigrapikoErathem
Pormal na time spanFormal
Kahulugan ng mababang hanggananFirst appearance of the Conodont Hindeodus parvus.
Lower boundary GSSPMeishan, Zhejiang, China
31°04′47″N 119°42′21″E / 31.0798°N 119.7058°E / 31.0798; 119.7058
GSSP ratified2001
Upper boundary definitionIridium enriched layer associated with a major meteorite impact and subsequent K-Pg extinction event.
Upper boundary GSSPEl Kef Section, El Kef, Tunisia
36°09′13″N 8°38′55″E / 36.1537°N 8.6486°E / 36.1537; 8.6486
GSSP ratified1991
Ang kalansay ng isang Velociraptor na nagpapakita ng labis na tulad ng ibong katangian ng mas maliit na mga dinosaurong theropoda. Ang mga ibon ay nag-ebolb mula sa mga theropoda sa panahong Mesosoiko.

Mga sanggunian

baguhin
  NODES