Ang mga Pariseo (Ebreo: פרושים, Perushim, "ang mga nakahiwalay") ang pinagmulan ng mga kasalukuyang rabino ng Hudaismo. Sila ang mga kasapi ng isang pangkat o sekta ng mga Hudyong namuhay noong unang dantaon BK.[1]

Mga turo

baguhin

Katunggali sila ng mga Saduseo, mga dugong-bughaw na naniwala sa literalistang interpretasyon ng Tora. Naniwala ang mga Pariseo sa paggamit ng rason sa pag-interpreta ng Tora at na nararapat itong maging makatuturan sa pang-araw-araw na buhay.[2][3][4] Binigyan nilang diin ang pagsunod sa Halakha na,[5] sa katagalan ng panahon hanggang sa kasalukuyan, ay patuloy na nagbabago upang maging makatuturan sa pang-araw-araw na buhay.[2][6]

Ayon sa mga Pariseo, "magpapakita ang Mesiyas ng mga palatandaan sa langit at sa lupa."[7] Nabigyan ng mas malalim na interpretasyon ito sa mga sumunod na libontaon ng mga Rabino.

Pagtanaw sa Kristiyanismo

baguhin

Ang mga Pariseo ang isa sa mga partidong relihiyoso noong kapanahunan ni Hesus. Negatibo ang pagturing ng Kristiyanismo sa mga Pariseo, buhat ng pagkaroon ng maraming mga kataliwasan sa pagitan ng kanilang mga pangaral sa mga pangaral ni Hesus.[8] Nilarawan din sila sa talahuganan ni Leo James English, sa isang halimbawang pangungusap para sa paggamit ng salitang Pariseo, bilang mga "taong mapagkunwari" o "ipokrita".[1]

Hindi rin sumang-ayon si Hesus sa pangaral ng mga Pariseo tungkol sa Mesiyas. Ayon sa kaniya, sasapit "ang kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pagsisisi at pangangaral ng Ebanghelyo."[7]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Pariseo, Pharisee, "Ang mga Pariseo ay mga ipokrita" o "taong mapagkunwari"". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1005.
  2. 2.0 2.1 Walfish, Barry. Medieval Jewish Interpretation. The Jewish Study Bible. Oxford: New York City.
  3. "In his main theological treatise, Kitab al Amanat wa'l itiqadat (Book of Doctrines and Beliefs), Saadia delineated the circumstances that legitimized a nonliteralist understanding of the biblical text." Tirosh-Samuelson, Hava. The Bible in the Jewish Philosophical Tradition. The Jewish Study Bible. Oxford: New York City.
  4. "Should do-gooders be given special dispensations?". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-27. Nakuha noong 2009-05-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. American Bible Society (2009). "Pharisees". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 134.
  6. "Each generation experiences new halachic circumstances and conditions that require fresh Torah study and application." Eliyyahu, Mordekhay. 2008. Hilkhot Hagim. Feldheim: Herusalen.
  7. 7.0 7.1 Abriol, Jose C. (2000). "Talababa 20". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1544.
  8. The Committee on Bible Translation (1984). "Pharisees". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B9.

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Hudaismo, Bibliya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
INTERN 2