Ang Myanmar, opisyal na Repulika ng Unyon ng Myanmar (internasyunal: Republic of the Union of Myanmar), na kinikilala din bilang Burma (opisyal na pangalan hangang 1989), ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya nay may populasyon na 55 milyon. Ito ang pinakamalaking bansa sa Kalupaang Timog-Silangang Asya. Ito ay napapaligiran ng Tsina sa hilaga, Laos sa silangan, Taylandiya sa timog-silangan, Banglades sa kanluran, at Indiya sa hilaga-kanluran, kasama ang Dagat Andaman sa timog, at ang Look ng Bengal sa timog-kanluran (sa kabuuang mahigit sa 2,000 kilometrong baybaying-dagat). Ang kabisera ng Myanmar ay Naypyidaw at ang pinakamalaking lungsod ay Yangon (dating Rangoon)

Republika ng Unyon ng Myanmar
  • ပြည်ထောင်စု သမ္မတ မြန်မာနိုင်ငံတော်‌ (Birmano)
  • Pyidaunzu Thanmăda Myăma Nainngandaw
Watawat ng Burma
Watawat
State seal ng Burma
State seal
Awiting Pambansa: ကမ္ဘာမကျေ
Kaba Ma Kyei
"Hanggang sa Katapusan ng Mundo"
Kinaroroonan ng  Myanmar  (Pula) sa ASEAN  (puti)  —  [Gabay]
Kinaroroonan ng  Myanmar  (Pula)

sa ASEAN  (puti)  —  [Gabay]

KabiseraNaypyidaw
Pinakamalaking lungsodYangon (Rangoon)
Wikang opisyalBirmano
Kinilalang wikang panrehiyonJingpho, Kayah, Karen, Chin, Mon, Rakhine, Shan
Mga opisyal na sulatSulat Birmano
KatawaganBurmes/Myanmes
PamahalaanUnitary assembly-independent na republika sa ilalim ng military junta
Min Aung Hlaing
Soe Win
Formation
• Bagan
23 Disyembre 849
16 Oktubre 1510
29 Pebrero 1752
1 January 1886
4 Enero 1948 (mula sa Nagkakaisang Kaharian)
2 Marso 1962
2 Marso 1962
8 Agosto 1988
31 Enero 2011
1 Pebrero 2021
Lawak
• Kabuuan
676,579 km2 (261,229 mi kuw) (39th)
• Katubigan (%)
3.06
Populasyon
• Pagtataya sa 2022
55,770,232[1] (Ika-26)
• Senso ng 1983
33,234,000
• Densidad
76.0/km2 (196.8/mi kuw) (125th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
$283.572 bilyon[2] (64th)
• Bawat kapita
$5,200[2] (146th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
$68.006 billion[2]
• Bawat kapita
$1250[2]
Gini (2017)30.7
katamtaman · 106th
TKP (2022)0.608[3]
katamtaman · 144th
Salapikyat (K) ([[ISO 4217|MMK]])
Sona ng orasUTC+6:30 (MST)
Gilid ng pagmamanehokanan[4]
Kodigong pantelepono95
Kodigo sa ISO 3166MM
Internet TLD.mm

Mga teritoryong pampangasiwaan

baguhin

Ang Myanmar ay nahahati sa 21 na administratibong dibisyon na binubuo ng 7 rehiyon, 7 estado, 1 teritoryo ng unyon, 1 dibisyon, At 5 sona na pinangangasiwaan ng sarili

Watawat Pangalan Kabisera Rehiyon Pop.

(2014)[5]

Lawak

(km2)

  Ayeyarwady Region Pathein Timog 6,184,829 35,031.8
  Bago Region Bago Timog, Gitna 4,867,373 39,402.3
  Estado ng Chin Hakha Hilaga, Kanluran 478,801 36,018.8
  Estado ng Kachin Myitkyina Hilaga 1,689,441 89,041.8
  Estado ng Kayah Loikaw Silangan 286,627 11,731.5
  Estado ng Kayin Hpa-an Timog, Silangan 1,574,079 30,383
  Rehiyon ng Magway Magwe Gitna 3,917,055 44,820.6
  Rehiyon ng Mandalay Mandalay Gitna 6,165,723 37,945.6
  Estado ng Mon Mawlamyine Timog 2,054,393 12,296.6
  Teritoryong Unyon ng Naypyidaw Naypyidaw Gitna 1,160,242 7,054
  Estado ng Rakhine Sittwe Kanluran 3,188,807 36,778.0
  Rehiyon ng Sagaing Monywa Hilaga, Kanluran 5,325,347 93,704.8
  Estado ng Shan Taunggyi Hilaga, Silangan 5,824,432 155,801.3
  Rehiyon ng Tanintharyi Dawei Timog 1,408,401 44,344.9
  Rehiyon ng Yangon Yangon Gitna 7,360,703 10,276.7
Flag Pangalan Kabisera Estado Pop.
 
Danu Self-Administered Zone Pindaya Estado ng Shan 161,835
 
Kokang Self-Administered Zone Laukkai Estado ng Shan 123,733
 
Naga Self-Administered Zone Lahe Rehiyon ng Sagaing 116,828
Pa Laung Self-Administered Zone Namhsan Estado ng Shan 110,805
Pa'O Self-Administered Zone Hopong Estado ng Shan 380,427
Wa Self-Administered Division Hopang Estado ng Shan 558,000

Kasaysayan

baguhin
 

Ang Burma ay naging tirahan ng iba’t-ibang lahi. Ang kapatagan ng ilog ng Irrawaddy at Salween ay panirahan ng mga dayuhang nagmula sa Tibet, Tsina, at Indiya. Ang naghalong lahi ng mga pangkat na ito ang naging ninuno ng mga kasalukuyang Birmano. Ang mga sinaunang kabihasnan sa rehiyon tulad ng mga Lungsod-Estado ng Pyu na nagsasalita ng Tibeto-Birman sa Itaas na Myanmar at mga kaharian ng Mon sa Ibabang Myanmar[6]. Noong ika-9 na siglo, ang mga taong Bamar ay pumunta sa itaas na lambak ng Irrawaddy, at pagsunod ng pagtatag ng Kaharian ng Pagan noong 1044, ang wikang Birmano, kulturang Birmano at ang Budismong Theravada ay unti-unting naging dominante sa bansa. Pinaniniwalaang ang kahariang Pagan ang naglatag ng pundasyon ng kahariang Burma. Si Anawratha ang kinikilalang unang hari ng kahariang Pagan. Naging malugod ang pagtanggap ni Anawratha sa relihiyong Budismo. Kaya’t lumganap ang sining at panitikang Budismo sa lipunang Birmano. Nang namatay si Anawratha, ang mga sumunod na hari ng Burma ay sadyang naging mahina. Sa loob ng dalawang siglo ang imperyo ay naging pugad ng nag-aaway na kaharian kaya ang kaharian ng Pagan ay bumagsak sa kamay ng mga Mongol noong 1297 at maraming mga estado ang naitayo. Si Buyin Naung ang muling nakapagbalik ng pagkakaisa sa imperyo at itinatag niya ang kabisera ng Burma sa Pegu hanggang sa kanyang kamatayan noong 1581. noong ika-16 na siglo, ang Dinastiyang Konbaung ang namuno sa kasalukuyang Myanmar at sa Manipur at Assam. Ang Kompanyang Briton sa Silangang India ay kumuha ng kontrol sa administrasyon sa Myanmar pagkatapos ng 3 Digmaang Anglo-Burmes noong ika-19 na siglo na nagresulta sa Myanmar na maging kolonya ng Imperyong Britaniko. Pagkatapos ng okupasyon ng mga Hapon, ang Myanmar ay muling sinakop ng mga "Allies". Noong ika-4 ng Enero ng 1948, nagdeklara ng kasarinlan ang Myanmar na nasa ilalim ng Burma Independence Act ng 1947.

Panitikang Burmes

baguhin

Sa kasaysayan, ang panitikan ng Burma (o Myanmar) ay naimpluwensiya ng mga kalinangang Indiyano at Thai, na makikita sa mga maraming gawa, katulad ng Ramayana. Ang wikang Burmes, na di tulad ng ibang wika sa Timog-silangang Asya (e.g. Thai, Khmer), ay hiniram ang mga salita mula sa Pāli imbis sa Sanskrit. Sa karagdagan, sinasalamin ng panitikang Burmes ang lokal na alamat at kalinangan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Department of Economic and Social Affairs Population Division (2009). "World Population Prospects, Table A.1" (PDF). 2008 revision. United Nations. Kinuha noong 12 Marso 2009.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Burma (Myanmar)". International Monetary Fund. Nakuha noong 1 Oktubre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Human Development Report 2009. Human development index trends: Table G" (PDF). The United Nations. Nakuha noong 5 Oktubre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Road infrastructure is still for driving on the left.
  5. The Union Report: Census Report Volume 2. The 2014 Myanmar Population and Housing Census. Nay Pyi Taw: Ministry of Immigration and Population. 2015. p. 12.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. O'Reilly, Dougald JW. Early civilizations of Southeast Asia. United Kingdom: Altamira Press. ISBN 978-0-7591-0279-8.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Myanmar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
Intern 3
os 9
web 2