Huwag itong ikalito sa Isdang-mamimingwit, kilala rin bilang Isdang-mamamansing (ilan sa kanila ang mayroon ding mga maliliwanag na parol na tumutubo sa kanilang mga noo).

Ang Myctophidae ay isang pamilya ng mga isda. Tinatawag ang mga kabilang dito na lanternfish o myctophid sa Ingles. Ang salitang "myctophid" ay mula sa Griyego na mykter na nangangahulugang "ilong" at ophis na nangangahulugang "ahas". Isa ang pamilyang ito ang nasa loob ng ordeng Myctophiformes. Kinakatawan ang Myctophidae ng 246 na mga uri sa loob ng 33 mga sari, at matatagpuan sa mga karagatan ng buong mundo. Hinango ang pangalan ng mga ito mula sa kanilang lantarang paggamit ng biyoluminisensiya. Mas kakaunti ang kanilang kapatid na pamilyang Neoscopelidae ngunit mas kahawig na kahawig nila sa pisikal na anyo; may isang nakikilalang neoskopelidong natatawag din sa kanilang pangkaraniwang pangalang isdang parol, ito ang isdang parol na may malalaking mga kaliskis o Neoscopelus macrolepidotus.

Lantern fish
Temporal na saklaw: Oligoseno - Kamakailan[1]
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Myctophidae
Sari

Benthosema
Bolinichthys
Centrobranchus
Ceratoscopelus
Diaphus
Diogenichthys
Electrona
Gonichthys
Gymnoscopelus
Hintonia
Hygophum
Idiolychnus
Krefftichthys
Lampadena
Lampanyctodes
Lampanyctus
Lampichthys
Lepidophanes
Lobianchia
Loweina
Metelectrona
Myctophum
Nannobrachium
Notolychnus
Notoscopelus
Parvilux
Protomyctophum
Scopelopsis
Stenobrachius
Symbolophorus
Taaningichthys
Tarletonbeania
Triphoturus

Kasapi sa pamilya ng mga isdang-parol ang alinmang maliliit na mga usdang kahugis ng batutang namumuhay sa malalalim na mga katubigan ng Karagatang Atlantiko at Dagat Mediteraneo. Nabubuhay sila sa may lalim na 2,500 mga talampakan, ngunit kalimitang lumalangoy sa mabababaw na bahagi ng katubigan sa pagsapit ng gabi. Mayroon silang malalaking mga mata at malalawak na mga bibig. Halos lahat ng mga ito ang may tatlo hanggang anim na pulgadang haba ng katawan. Matatagpuan sa gilid ng kanilang mga katawan ang maliliwanag na mga tuldok. Mayroon ding isang uri na nagbibigay ng liwanag ang harapan ng ulo.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Hulley, P. Alexander (1998). Paxton, J.R. & Eschmeyer, W.N. (pat.). Encyclopedia of Fishes. San Diego: Academic Press. pp. 127-128. ISBN 0-12-547665-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga patnugot (link)
  2. "Lanternfish". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa L, pahina 385.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES