Nanning
Ang Nanning (Tsino: 南宁; pinyin: Nánníng; Zhuang: Namzningz) ay ang kabisera at pinakamataong antas-prepektura na lungsod ng Nagsasariling Rehiyon ng mga Zhuang ng Guangxi sa katimugang China.[1] Kilala ito bilang "Luntiang Lungsod" dahil sa kasaganaan ng mayabong subtropikal na mga dahon. Matatagpuan ito sa katimugang bahagi ng Guangxi at pinaliligiran ito ng maburol na limasan, kalakip ng mainit na klimang mahalumigmig na subtropikal na naiimpluwensiyahan ng balaklaot. Magmula noong 2014, mayroon itong populasyon na 6,913,800 katao na may 4,037,000 katao sa pook urbano nito.[2]
Nanning 南宁市 • Namzningz Si | |
---|---|
Panoramang urbano ng Nanning | |
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Nanning sa Guangxi | |
Mga koordinado: 22°49′N 108°19′E / 22.817°N 108.317°E | |
Bansa | Tsina |
Rehiyon | Guangxi |
Pamahalaan | |
• Kalihim ng Partido | Wang Xiaodong |
• Alkalde | Zhou Hongbo |
Lawak | |
• Antas-prepektura na lungsod | 22,189 km2 (8,567 milya kuwadrado) |
Populasyon (2014) | |
• Antas-prepektura na lungsod | 6,913,800 |
• Kapal | 310/km2 (810/milya kuwadrado) |
• Urban | 4,037,000 |
Sona ng oras | UTC+8 (Pamantayang Tsina) |
Kodigong postal | 530000 |
Kodigo ng lugar | 0771 |
Kodigo ng ISO 3166 | CN-GX-01 |
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan | 桂A |
Websayt | nanning.gov.cn |
Nanning | |||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pangalang Tsino | |||||||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 南宁 | ||||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 南寧 | ||||||||||||||||||||||||||
Hanyu Pinyin | Nánníng | ||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | "Katimugang katahimikan" | ||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||
Pangalang Zhuang | |||||||||||||||||||||||||||
Zhuang | Nanzningz | ||||||||||||||||||||||||||
Ortograpiya ng 1957 | Namƨniŋƨ |
Unang nakatira sa lugar ng Nanning ang mga Baiyue. Noong 1949, nagsimulang umunlad ang ekonomiya ng Nanning mula sa dating gampanin nito bilang isang sentrong pampangasiwaan at pangkomersiyo, nang sumailalim ito sa patuloy na paglagong industriyal.[3] Sa kasalukuyan, itinuturing sentro ng ekonomiya, pananalapi, at kalinangan ng Guangxi ang Nanning, at ang pangunahing sentro para sa pagsasanay ng minoryang Zhuang sa Guangxi. Nasa sentro ng lungsod ang People's Park (maaaring isalin nang literal bilang Liwasang Bayan).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Illuminating China's Provinces, Municipalities and Autonomous Regions". PRC Central Government Official Website. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2014. Nakuha noong 17 Mayo 2014.
{{cite web}}
: Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived copy" 3-5主要年份各市按居住地分的城乡人口(2005-2014年)-数析网. www.tjsql.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Enero 2018. Nakuha noong 6 Marso 2016.
{{cite web}}
: Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2018-01-31 sa Wayback Machine. - ↑ "Nanning | China". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa PRC ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.