Nastassja Kinski
Si Nastassja Kinski (ipinanganak noong Enero 24, 1961[1][2]), na kung minsan ay nababaybay din bilang Natassja Kinski o Natasha Kinski, ay isang aktres na ipinanganak sa Alemanya ngunit nakahimpil sa Estados Unidos. Lumitaw siya sa mahigit sa 60 mga pelikula. Kabilang sa kaniyang mga gampaning pambida ay ang Tess na nakapagpanalo sa kaniya ng Gantimpalang Ginintuang Globo dahil sa pagganap bilang ang tauhang pinagbatayan ng pamagat para sa nasabing pelikula. Nagkaroon din siya ng papel sa dalawang mga pelikulang erotiko, sa Stay As You Are at sa Cat People, pati na bahaging pagganap sa mga pelikula ni Wim Wenders na The Wrong Move, Paris, Texas, at Faraway, So Close!. Ang larawan ni Kinski na hubo't hubad na mayroong isang malaking sawa, na kinunan ng litrato ni Richard Avedon, ay ikinalakal bilang isang poster. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[3]
Nastassja Kinski | |
---|---|
Kapanganakan | Nastassja Aglaia Nakszyński 24 Enero 1961 |
Trabaho | aktres |
Aktibong taon | 1975–kasalukuyan |
Asawa | Ibrahim Moussa (1984–1992) |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ John Sandford (patnugot) (2001) Encyclopedia of Contemporary German Culture (Routledge world reference): 340
- ↑ "Der Spiegel report on Kinski". Spiegel.de. 15 Marso 1961. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Hulyo 2012. Nakuha noong 18 Abril 2010. Naka-arkibo 23 July 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine.
- ↑ "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. Nakuha noong Abril 2, 2012.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Pelikula at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.