Necrotizing fasciitis

Ang Necrotizing fasciitis (bigkas: /né•krö•tay•zing fa•shi•áy•tis/; IPA /ˈnɛkrəˌtaɪzɪŋ ˌfæʃiˈaɪtɪs/; tinatawag din sa Ingles na "flesh-eating disease", lit. "sakit na kumakain ng laman") ay isang bihirang impeksiyon ng mga malalim na patong ng balat at mga tisyung subcutaneous na madaling kumalat sa planong fascial sa loob ng tisyung subcutaneous. Ang Necrotizing fasciitis ay isang mabilis na lumalala at malubhang sakit ng madaliang pagsisimula(onset) at karaniwang ay agad na ginagamot ng mataas na mga dosis ng intrabenyosong antibiotiko. Ang Uring I ay naglalarawan ng impeksiyon polimikrobiyal samantalang ang Uring II ay naglalarawan ng monomikrobiyal na impeksiyon. Maraming mga uri ng bacteria ay maaaring magsanhi ng necrotizing fasciitis (e.g., Pangkat A streptococcus (Streptococcus pyogenes), Staphylococcus aureus, Vibrio vulnificus, Clostridium perfringens, Bacteroides fragilis). Ang mga gayong impeksiyon ay mas malamang na mangyari sa mga taong may nakompromisong(napinsala) sistemang immuno. Sa kasaysayan, ang Pangkat A ang bumubuo ng karamihan sa mga kaso ng Uring II na mga impeksiyon. Gayunpaman, mula noong simula nang 2001, ang isa pang malubhang anyo ng monomikrobiyal na necrotizing fasciitis ay nagpamasdan sa papataas na pagiging madalas. Sa mga kasong ito, ang bacterium na nagsasanhi nito ang methicillin-resistant Staphylococcus aureus (MRSA) na isang stain ng S. aureus na hindi tinatablan ng methicillin na antibiotikong ginagamit sa laboratoryo na tumutukoy na sensitibidad ng bacterium sa flucloxacillin o nafcillin na ginagamit sa klinikal na paggamot nito. Ang ilang mga pag-aaral ay nagpakita ng ugnayan sa pagitan ng absorpsiyon(pagsisipsip) ng hindi-steroidal na anti-inplamatoryong mga droga at sakit na kumakain ng laman bagaman hindi pa napatunayan kung ang mga droga ay nagtatago lamang ng mga sintomas o mismong sanhi nito.

Necrotizing fasciitis
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian
Caucasian male with necrotizing fasciitis. The left leg shows extensive redness and necrosis.
ICD-10M72.6
ICD-9728.86
MedlinePlus001443
eMedicineemerg/332 derm/743
MeSHD019115

Ang "Flesh-eating bacteria"(kumakain ng laman na bacteria) ay isang misnomer(maling pagpapangalan) dahil ang bacteria ay hindi aktwal na kumakain sa tisyu. Ang mga ito ay nagsasanhi ng pagkawasak ng balat at masel sa pamamagitan ng paglalabas ng mga toxin(lason)(mga paktor na birulensiya na kinabibilangan ng streptococcal pyogenic exotoxins. Ang S. pyogenes ay lumilikha ng exotoxin na kilala bilang superantigen. Ang toxin na ito ay may kakayahang magsanhi ng labis na produksiyon ng cytokine at labis na sistemikong sakit.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
os 5