Ang nepotismo[1] ay isang anyo ng paboritismong ibinibigay sa mga kamag-anak o mga kaibigan, na hindi tinitingnan o sinusukat ang kanilang pagiging karapat-dapat.[2] Ito ang gawain ng isang nanunungkulan o may kapangyarihang tao na pagpabor o paglalaan ng biyaya o posisyon sa malalapít na mga kamag-anak at mga kaibigan.[1] Halimbawa nito ang pagpili ng mga kakamag-anakan upang maitalaga sa isang tungkulin, tanggapan, o hanapbuhay.[3]

Pinagmulan ng salitang nepotismo

baguhin

Ang salitang nepotismo ay nagmula sa salitang Latin na nepos na may kahulugang "pamangkin na laláki". Ang salitang nepotismo ay nagmula sa pagsasanay sa Simbahang Katoliko Romano noong Mga Gitnang Panahon nang ang ilang mga papa ng Simbahang Katoliko Romano na kumuha ng panata ng selibasiya o kayâ ay walang mga sariling anak ay nagbigay sa kanilang mga pamangkin ng mga posisyon ng preperensiya sa pagkakardinal.[4]

Ang ilang mga papa ay naglagay ng kanilang mga pamangking laláki at iba pang mga kamag-anak sa posisyon ng kardinal. Kadalasan, ang gayong mga paghirang ay paraan ng pagpapatuloy ng dinastiya ng papa. Halimbawa, si Papa Calixto III na pinúnò ng pamilyang Sambahayan ng Borgia ay gumawa sa kaniyang dalawang mga pamangkin na mga kardinal. Ang isa sa mga ito na si Rodrigo ay kalaunang gumamit ng kaniyang posisyong kardinal bilang isang hakbang tungo sa kapapahan at naging Papa Alejandro VI.[5] Pagkatapos nito, ginawa naman ni Papa Alejandro VI si Alessandro Farnese na kapatid ng kaniyang kerida bilang kardinal. Si Farnese ay kalaunang naging Papa Pablo III.[6]

Si Papa Pablo III ay lumahok din sa nepotismo. Halimbawa, kaniyang hinirang ang kaniyang mga pamangking laláki na may edad na 14 at 16 bilang mga kardinal. Ang pagsasanay ng nepotismo sa kapapahan ay nagwakas nang maglabas si Papa Inocencio XII ng isang bull ng papa na Romanum decet Pontificem noong 1692.[4] Ang bull na ito ay nagbabawal sa mga papa na magkaloob ng mga estado, opisina o sahod sa sinumang kamag-anak na may ekspepsiyon sa mga kuwalipikadong kamag-anak na maaaring gawing kardinal. Kasabay nito, ang Simbahan ng Silangan mula ika-16 hanggang ika-19 siglo ay gumawa sa Patriarka na isang namamanang pamagat na naipapasa mula sa Patriarkang tiyuhin tungo sa pamangking laláki. Gayunpaman, ang pagkilos na ito ay sinimulan sa pagkakawasak ni Timur ng mga monasteryong nestoryo sa buong Asya (na ang mga monghe ang mahalagang pinagkukunan ng mga pari at patriarka para sa Simbahang ito) sa pagtatangka na magarantiya ang pag-iral ng isang patriarka. Ito ay napatunayang isang katalista para sa pagkakabahagi na umiiral hanggang sa kasalukuyang panahon sa pagitan ng mga Katolikong Kaldeo at mga Asiryong Nestoryo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Nepotism, nepotismo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Modern Language Association (MLA): "nepotism." The American Heritage® New Dictionary of Cultural Literacy, Pangatlong Edisyon. Houghton Mifflin Company, 2005. 10 Agosto 2009. Dictionary.com.
  3. "Nepotism". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 75.
  4. 4.0 4.1 "Article Nepotism". New Catholic Dictionary. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-31. Nakuha noong 2007-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. {{cite web |last= |first= |authorlink= |title=Article Pope Alexander VI |work=New Catholic Dictionary |publisher= |date= |url=http://www.newadvent.org/cathen/01289a.htm |doi= |accessdate=2007-07-12 }}
  6. "Article Pope Paul III". Catholic Encyclopedia. Nakuha noong 2007-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika, Lipunan at Pamahalaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
Done 1
Story 2