Ang nihilismo (mula sa Lating nihil, nangangahulugang "wala") ay ang paniniwala na walang kabuluhan ang lahat ng mga pag-iral. Tumutukoy din ito sa paniniwalang napakasama ng umiiral na mga prinsipyo o mga sistema ng politika at relihiyon kaya't dapat wasakin ang mga ito.[1] Ipinapaliwanag nito na kailangang sirain ang mga institusyong pampolitika at panglipunan para matiyak ang pagsulong patungo sa kinabukasan. Bilang isang doktrina, sinasabi sa nihilismo na hindi totoo ang anumang bagay, kaya't walang mga bagay na maaaring malaman o maaaring maipaabot-alam. Itinatanggi ng nihilismo na mayroong pagkakaiba-iba ang mga pagpapahalagang pangmoralidad at ang kusang pagpapabulaan sa lahat ng paniniwalang nauukol sa moralidad. Sa maikling pananalita, mailalarawan ito bilang isang "masidhi o sukdulang anyo ng radikalismo". Noong mga dekada ng 1860 at ng 1870, ito ang doktrina ng ilang mga taong matatalino sa Rusya, mga Rusong nagsitangging talimain ang anumang kapangyarihan, subalit kumatig sa kanilang pansari-sariling mga kapakanan (ang diwa ng indibiduwalismo), at pati na sa paggamit ng terorismo kapag kailangan.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Nihilism". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 75-76.
  2. Gaboy, Luciano L. Nihilism - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya, Rusya at Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
Done 1