Nirvana
Ang Nirvāṇa ( /nɪərˈvɑːnə/ neer-VAH-nə, /ʔˈvænə/ -VAN-ə, /nɜːrʔ/ nur-;[1] Sanskrito: निर्वाण nirvāṇa sa; Pali: nibbāna; Prakrit: ṇivvāṇa; literal, "hinipan", tulad ng sa isang ilawang langis[2]) ay isang konsepto sa mga relihiyong Indiyano (Budismo, Hinduismo, Jainismo, at Sikhismo) na kinakatawan ang katapusang pansoteriyolohiko katayuan, ang liberasyon mula sa duḥkha, paghihirap, at saṃsāra, ang siklo ng pagsilang at muling pagsilang.[3][web 1][4]
Sa mga relhiyong Indiyano, kasingkahulugan ng nirvana ang moksha at mukti.[tanda 1] Iginiit ng lahat ng mga relihiyong Indiyano na ito ang isang estado ng perpektong katahimikan, kalayaan, pinakamataas na kaligayahan pati na rin ang paglaya mula sa pagkagiliw at makamundong pagdurusa at ang pagwakas ng samsara, ang pag-ikot ng buhay.[6][7] Bagaman, iba ang pagsasalarawan ng mga tradisyong di-Budista at Budista sa mga katawagang ito para sa liberasyon.[8] Sa pilosopiyang Hindu, ito ang pagsasama ng o ang pagsasakatuparan ng pagkakakilanlan ng Atman sa Brahman, depende sa tradisyong Hindu.[9][10][11] Sa Jainismo, ang nirvana ay ang layuning pansoteriyolohiko din, na kinakatawan ang pagkawala ng diwa mula sa karmikong pagkagapos at samsara.[12] Sa kontekstong Budista, tumutukoy ang nirvana sa pag-abandona ng 10 fetter, na minamarkahan ang wakas ng muling pagsilang sa pamamagitan ng pagpatay ng "apoy" na pinapanatili ang proseso ng muling pagsilang na magpatuloy.[8][13][14]
Etimolohiya
baguhinAng mga ideya ng liberasyong espirituwal, kasama ang konsepto ng diwa at Brahman, ay lumitaw sa mga tekstong Vediko at Upanishad, tulad ng nasa talatang 4.4.6 ng Brihadaranyaka Upanishad.[15]
Ang katawagang nirvana sa kahulugang pansoteriyolohiko na "hinipan, pinatay" na estado ng liberasyon ay lumitaw sa maraming lugar sa mga Veda at higit pa sa pagkatapos na Budistang Bhagavata Purana, bagaman hindi nagbibigay ang mga opinyong populista ng kredito sa aliman sa mga Veda o Upanishad. Sinabi ni Collins na "mukhang ang mga Budista ang una na tinawag itong nirvana."[16] Maaaring sinasadya ang paggamit nito ng mga salita sa unang bahagi ng Budismo, sa mungkahi ni Collins, dahil inilarawan ang Atman at Brahman sa mga tekstong Vediko at Upanishad na may imahe ng apoy, bilang isang bagay na mabuti, kanais-nais at mapagpalaya.[17] Sabi ni Collins na ang salitang nirvāṇa ay mula pandiwang ugat na vā na "hipan" sa anyong nakalipas na pandiwari na vāna na "hinipan", na nilagyan ng unlaping preberbiyong nis. Kaya naman, ang orihinal na kahulugan ng salita ay "hinipan, pinatay". (Binabago sa Sandhi ang tunog: ang 'v' ng vāna ay nagdudulot sa nis na maging nir, at pagkatapos, ang 'r' ng nir ay nagdudulot ng retropleksyon ng sumunod ng 'n': nis+vāna > nirvāṇa).[18] Bagaman, may ibang interpretasyon din ang kahulugan nirvana sa Budista.
Pangkalahatang-ideya
baguhinAng nirvāṇa ay isang katawagan na matatagpuan sa mga teksto ng lahat ng pangunahing mga relihiyong Indiyano – Hinduismo,[19] Jainismo,[20] Budismo,[21] at Sikhismo.[22][23] Tumutukoy ito sa malalim na kapayapaan ng isip na nakukuha sa moksha, pagpapalaya mula sa samsara, o paglaya mula sa isang estado ng pagdurusa, pagkatapos ng kani-kanilang espirituwal na pagsasanay o sādhanā.[tanda 2]
Mga pananda
baguhin- ↑ Tinatawag din na vimoksha, vimukti. Ang Diksyunaryong Soka Gakkai ng Budismo: Vimoksha [解脱] (Skt; Jpn gedatsu). Pagpapalaya, pagkawala, o liberasyon. Ang mga salitang Sanskrit na vimukti, mukti, at moksha ay mayroong parehong kahulugan. Nangangahulugan ang vimoksha na pagkawala mula sa gapos ng mga pagnanasang makamundo, delusyon, paghihirap at transmigrasyon. Habang naglalatag ang Budismo ng iba't ibang uri at yugto ng kaliwanagan, nirvana ang sukdulang pagpapalaya.[5][web 2]
- ↑ Tinutukoy ito minsan bilang bhavana, na tumutukoy sa espirituwal na "pag-unlad" o "paglinang" o "paggawa"[24][25] sa kahulugan ng "pagtawag sa pagkakaroon ng buhay".[26]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "nirvana". Random House Webster's Unabridged Dictionary. (sa Ingles)
- ↑ Richard Gombrich, Theravada Buddhism: A Social History from Ancient Benāres to Modern Colombo. Routledge (sa Ingles)
- ↑ Chad Meister (2009). Introducing Philosophy of Religion (sa wikang Ingles). Routledge. p. 25. ISBN 978-1-134-14179-1.
Buddhism: the soteriological goal is nirvana, liberation from the wheel of samsara and extinction of all desires, cravings and suffering.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kristin Johnston Largen. What Christians Can Learn from Buddhism: Rethinking Salvation (sa wikang Ingles). Fortress Press. pp. 107–108. ISBN 978-1-4514-1267-3.
One important caveat must be noted: for many lay Buddhists all over the world, rebirth in a higher realm – rather than realizing nirvana – has been the primary religious goal. [...] while many Buddhists strongly emphasize the soteriological value of the Buddha's teaching on nirvana [escape from samsara], many other Buddhists focus their practice on more tangible goals, in particular on the propitious rebirth in one's next life.
- ↑ "IN THE PRESENCE OF NIBBANA:Developing Faith in the Buddhist Path to Enlightenment" (sa wikang Ingles). What-Buddha-Taught.net. Nakuha noong 22 Oktubre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gavin Flood, Nirvana. In: John Bowker (ed.), Oxford Dictionary of World Religions (sa Ingles)
- ↑ Anindita N. Balslev (2014). On World Religions: Diversity, Not Dissension (sa wikang Ingles). SAGE Publications. pp. 28–29. ISBN 978-93-5150-405-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 Loy, David (1982). "Enlightenment in Buddhism and Advaita Vedanta". International Philosophical Quarterly (sa wikang Ingles). Philosophy Documentation Center. 22 (1): 65–74. doi:10.5840/ipq19822217.
What most distinguishes Indian from Western philosophy is that all the important Indian systems point to the same phenomenon: Enlightenment or Liberation. Enlightenment has different names in the various systems – kaivalya, nirvana, moksha, etc. – and is described in different ways...
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Brian Morris (2006). Religion and Anthropology: A Critical Introduction (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 51. ISBN 978-0-521-85241-8.
There has been some dispute as to the exact meaning of nirvana, but clearly the Buddhist theory of no soul seems to imply quite a different perspective from that of Vedantist philosophy, in which the individual soul or self [atman] is seen as identical with the world soul or Brahman [god] (on the doctrine of anatta [no soul] ...
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gwinyai H. Muzorewa (2000). The Great Being (sa wikang Ingles). Wipf. pp. 52–54. ISBN 978-1-57910-453-5.
Even the Atman depends on the Brahman. In fact, the two are essentially the same. [...] Hindu theology believes that the Atman ultimately becomes one with the Brahman. One's true identity lies in realizing that the Atman in me and the Brahman – the ground of all existence – are similar. [...] The closest kin of Atman is the Atman of all living things, which is grounded in the Brahman. When the Atman strives to be like Brahman it is only because it realizes that that is its origin – God. [...] Separation between the Atman and the Brahman is proved to be impermanent. What is ultimately permanent is the union between the Atman and the Brahman. [...] Thus, life's struggle is for the Atman to be released from the body, which is impermanent, to unite with Brahman, which is permanent – this doctrine is known as Moksha.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fowler 2012, p. 46: "Shankara interpreted the whole of the Gita as extolling the path of knowledge as the best means to moksha, and a total identity of the atman with Brahman..., (sa Ingles)
- ↑ John E. Cort (1990), MODELS OF AND FOR THE STUDY OF THE JAINS, Method & Theory in the Study of Religion, Bol. 2, Blg. 1, Brill Academic, mga pahina 42–71 (sa Ingles)
- ↑ Collins 1990, pp. 81–84.
- ↑ Peter Harvey (2001). Buddhism (sa wikang Ingles). Bloomsbury Academic. pp. 98–99. ISBN 978-1-4411-4726-4.
[Nirvana is] beyond the processes involved in dying and reborn. [...] Nirvana is emptiness in being void of any grounds for the delusion of a permanent, substantial Self, and because it cannot be conceptualized in any view which links it to 'I' or 'mine' or 'Self'. It is known in this respect by one with deep insight into everything as not-Self (anatta), empty of Self.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Max Müller (2011). Theosophy Or Psychological Religion (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. pp. 307–310. ISBN 978-1-108-07326-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Collins 1998, pp. 137–138.
- ↑ Collins 1998, p. 216–217.
- ↑ Collins 2010, pp. 63–64.
- ↑ Fowler 2012, p. 48.
- ↑ Helmuth von Glasenapp (1999). Jainism: An Indian Religion of Salvation. Motilal Banarsidass. pp. 234, 492. ISBN 978-81-208-1376-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Trainor 2004, p. 68.
- ↑ Pruthi 2004, p. 200.
- ↑ Duiker & Spielvogel 2008, pp. 52–53.
- ↑ Pali Text Society (1921–1925). "Bhāvanā". The Pali Text Society's Pali-English dictionary (sa wikang Ingles). London: Chipstead. p. 503. Nakuha noong 2022-01-27 – sa pamamagitan ni/ng Digital Dictionaries of South Asia.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Monier-Williams (1899). "Bhāvana" and "Bhāvanā" (PDF). p. 755. Nakuha noong 9 Dis 2008 – sa pamamagitan ni/ng U. Cologne.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nyanatiloka 1980, p. 67.
Mga sanggunian na web
baguhin- ↑ "Donald S. lopez Jr., Nirvana, Encyclopædia Britannica" (sa wikang Ingles). 29 Setyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Soka Gakkai Dictionary of Buddhism, vimoksha" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Pebrero 2014. Nakuha noong 17 Pebrero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)