Palestina (rehiyon)

rehiyon sa Gitnang Silangan

Ang Palestina[i] ay isang heograpikong rehiyon sa Kanlurang Asya. Matatagpuan sa Katimugang Lebante, karaniwan itong itinuturing na kasama ang Estado ng Palestina at ang Israel, bagaman sa ilang mga kahulugan ay kinabibilangan din ng mga bahagi ng hilagang-kanluran ng Jordan. Kabilang sa iba pang makasaysayang pangalan para sa rehiyon ang Canaan, ang Lupang Pangako, ang Lupain ng Israel, o ang Banal na Lupain.

Palestina
Παλαιστίνη
Palaestina
فِلَسْطِينَ‎
פלשתינה
                     Hangganan ng Syria Palaestina                     Hangganan sa pagitan ng Palaestina Prima (na naging Jund Filastin) at Palaestina Secunda (na naging Jund al-Urdunn)                     Mga hangganan ng Mandato ng Palestina sa pagitan ng 1920 at 1948                     Mga hangganan sa pagitan ng Estado ng Palestina at ng Israel (i.e. Kanlurang Pampang at Piraso ng Gaza)
                     Hangganan ng Syria Palaestina                     Hangganan sa pagitan ng Palaestina Prima (na naging Jund Filastin) at Palaestina Secunda (na naging Jund al-Urdunn)                     Mga hangganan ng Mandato ng Palestina sa pagitan ng 1920 at 1948                     Mga hangganan sa pagitan ng Estado ng Palestina at ng Israel (i.e. Kanlurang Pampang at Piraso ng Gaza)
Mga wikaArabe, Ebreo
Pangkat-etniko
Arabe, Hudyo
Mga bansa Israel
 Palestina
 Jordan (makasaysayan)

Ang unang nakasulat na mga rekord na tumutukoy sa Palestina ay lumitaw noong ika-12 siglo BCE Ikadalawampu't Dinastiya ng Ehipto, na ginamit ang terminong Peleset para sa isang kalapit na tao o lupain. Noong ika-8 siglo BCE, tinukoy ng mga Asiryo ang isang rehiyon bilang Palashtu o Pilistu. Sa Panahong Elenistiko, ang mga pangalang ito ay dinala sa Griyego, na lumilitaw sa Mga Kasaysayan ni Herodotus bilang Palaistine. Sinakop ng Imperyong Romano ang rehiyon at noong 6 CE ay itinatag ang lalawigan na kilala bilang Judea, pagkatapos noong 132 CE sa panahon ng pag-aalsa ni Bar Kokhba ay pinalawak ang lalawigan at pinalitan ng pangalan na Syria Palaestina .[1] Noong 390, sa panahong Bisantino, ang rehiyon ay nahati sa mga lalawigan ng Palaestina Prima, Palaestina Secunda, at Palaestina Tertia. Kasunod ng pananakop ng mga Muslim sa Lebante noong dekada 630, itinatag ang distrito ng militar ng Jund Filastin. Habang ang mga hangganan ng Palestina ay nagbago sa buong kasaysayan, ito ay karaniwang binubuo ng katimugang bahagi ng mga rehiyon tulad ng Syria o Lebante. Ito rin ay may konsepto na magkakapatong sa ilang termino ng tradisyong Hudeo-Kristiyano, kabilang ang Canaan, ang Lupang Pangako, ang Lupain ng Israel, at ang Banal na Lupain.

Bilang lugar ng kapanganakan ng Hudaismo at Kristiyanismo, ang rehiyon ay may magulong kasaysayan bilang isang sangan-daan para sa relihiyon, kultura, komersiyo, at politika. Sa Panahong Bronse, ito ay tinitirhan ng mga Canaanita; ang Panahong Bakal ay nakita ang paglitaw ng Israel at Juda, dalawang magkaugnay na kaharian na pinaninirahan ng mga Israelita. Mula noon ito ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng iba't ibang imperyo, kabilang ang Imperyong Neo-Asirya, ang Imperyong Neo-Babilonya, at ang Imperyong Akemenida. Ang mga pag-aalsa ng mga Hudyo sa rehiyon laban sa pamumunog Elenistiko ay nagdulot ng maikling panahon ng pagsasarili ng rehiyon sa ilalim ng dinastiyang Hasmoneo, na nagtapos sa unti-unting pagsasama nito sa Imperyo ng Roma (na kalaunan ay ang Imperyong Bisantino).

Noong ika-7 siglo, ang Palestina ay nasakop ng Calipato ng Rashidun, na nagtapos sa pamamahala ng mga Bisantino sa rehiyon; Ang pamumuno ng Rashidun ay hinalinhan ng Kalipatong Omeya, Kalipatong Abasida, at Kalipatong Fatimi. Kasunod ng pagbagsak ng Kaharian ng Herusalen, na itinatag sa pamamagitan ng mga Krusada, ang populasyon ng Palestina ay naging pangunahing Muslim. Noong ika-13 siglo, naging bahagi ito ng Sultanatong Mamluk, at pagkatapos ng 1516, bahagi ng Imperyong Otomano. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, ito ay nakuha ng United Kingdom bilang bahagi ng kampanya sa Sinai at Palestina. Sa pagitan ng 1919 at 1922, nilikha ng Liga ng mga Bansa ang Mandato para sa Palestina, na nag-utos sa rehiyon na maging sa ilalim ng administrasyong British bilang Mandato sa Palestina. Ang mga tensiyon sa pagitan ng mga Hudyo at Arabe ay tumaas hanggang sa digmaang Palestina noong 1947–1949, na nagwakas sa natitirang teritoryo ng dating Britanikong Mandato matapos ang paglikha ng Transjordan noong 1946 na hinati sa pagitan ng Israel vis-à-vis Jordan (sa Kanlurang Pampang) at Ehipto (sa Piraso ng Gaza); kalaunan ang mga pag-unlad sa tunggaliang Arabe-Israeli ay nagtapos sa pananakop ng Israel sa parehong mga teritoryo, na naging isa sa mga pangunahing isyu ng patuloy na sigalot na Israeli-Palestino.[2]

Mga sanggunian

baguhin


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-roman", pero walang nakitang <references group="lower-roman"/> tag para rito); $2

  1. Lehmann 1998.
  2. Reuters: recognition 2012.
  NODES
admin 1