Panahong Shōwa
Ang panahong Shōwa (昭和時代 Shōwa jidai?, potensiyal na "panahon ng naliwanagang kapayapaan/kasunduan" o "panahon ng maningning na Hapon") ang panahon sa kasaysayan ng Hapon na tumutugma sa pamumuno ni Emperador Hirohito mula 25 Disyembre 1926 hanggang 7 Enero 1989. Ang panahong ito ay mas matagal sa pamumuno ng anumang nakaraang Emperador ng Hapon. Noong bago ang 1945, ang Hapon ay lumipat tungol sa totalitarianismong pampolitika, ultranasyonalismo at pasismo na nagtapos sa pananakop ng Tsina ng Hapon noong 1937. Ito ay bahagi ng kabuuang panahon sa daigdig ng mga kaguluhan at alitan gaya ng Malaking Depresyon at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pagkatalo nito sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng radikal na pagbabago sa Hapon. Sa una at tanging panahon sa kasaysayan nito, ang Hapon ay nasakop ng mga dayuhan. Ang pananakop na ito sa Hapon ay nagtagal ng pitong taon. Ang pananakop ng Mga Alyado ay nagdulot ng mga malawakang pagbabagong demokratiko sa Hapon. Ito ay nagtapos ng katayuan ng Emperador bilang isang buhay na Diyos at pagbabago ng Hapon tungo sa demokrasyon na may konstitusyonal na monarko. Noong 1952 sa Kasunduan ng San Francisco, ang Hapon ay muling naging isang bansang soberanya. Ang pagkatapos ng digmaang panahong Shōwa ay humantong sa milagrong ekonomikong Hapones pagkatapos ng digmaan.