Mga panaklong
( ) { } [ ]
Saklong Kulot na panaklong Parisukat na panaklong

Ang panaklong ay isang bantas na karaniwang ginagamit na makatugmang pares na pinapaloob ang isang teksto, upang ihiwalay o isingit sa ibang teksto. Pinakamainam na nailalarawan ang makatugmang pares bilang pagbubukas at pagsasara.[1] Sa di-gaanong pormal na paglalarawan, nailalarawan ito bilang kaliwa at kanan sa isang kontekstong kaliwa-patungong-kanan, o bilang kanan at kaliwa sa kontekstong kanan-patungong-kaliwa.

Kabilang sa mga anyo nito ang kurba (tinatawag din na "saknong" o "saklong"), parisukat, kulot, at anggulong panaklong (tinatawag sa wikang Ingles bilang chevron), gayon din ang iba't ibang pares ng simbolo.

Si Desiderius Erasmus ang nagbansag sa katawagang lunula na tumutukoy sa saklong, (), na sinasariwa ang hugis ng gasuklay na buwan.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. UAX #9: Unicode Bidirectional Algorithm, "3.1.3 Paired Brackets". unicode.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Truss, Lynne. Eats, Shoots & Leaves, 2003. p. 161. ISBN 1-59240-087-6.
  NODES
Done 1