Pangangasim ng sikmura

Ang Pangangasim ng sikmura o pag-asim ng sikmura, kilala sa Ingles bilang pyrosis,[1] heartburn (literal na "paso sa puso"), o acid indigestion (literal na "hindi natunawan ng asido [sa tiyan]"),[2] ay isang pakiramdam ng pagliliyab o pagkapaso o pagkasunog[3] sa loob ng dibdib, na nasa agad na likuran ng isternum (ang buto sa gitna ng dibdib, na nasa may itaas ng sikmura, o breastbone sa Ingles) o sa loob ng epigastrium.[4] Ang hapdi ay kadalasang lumilitaw sa loob ng dibdib at maaaring kumalat sa leeg, lalamunan, o anggulo ng panga.

Sintomas/Senyales: Pangangasim ng sikmura
Klasipikasyon at Panlabas na Sanggunian
ICD-10 R12.
ICD-9 787.1
MeSH D006356

Ang pangangasim ng sikmura ay karaniwang kaugnay ng regurgitasyon o pagsuka o pagduwal ng asidong gastriko (gastric reflux) na siyang pangunahing sintomas ng gastroesophageal reflux disease (GERD) o ang sakit na pagbalik ng agos ng asido papaitaas mula sa tiyan, bituka, sikmura, o tokong.[5] Subalit maaari rin itong isang sintomas ng karamdaman ng pusong iskemiko ischemic heart disease, kung kaya't ang masyadong maaagang pagpaghihinuha na ang sakit ay GERD ay maaaring humantong sa isang maling diyagnosis.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Pyrosis definition - Medical Dictionary definitions of popular medical terms easily defined on MedTerms". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-01-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Heartburn, Gastroesophageal Reflux (GER), and Gastroesophageal Reflux Disease (GERD)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-04-11 sa Wayback Machine.
  3. heartburn sa Dorland's Medical Dictionary (sa Ingles)
  4. Differential diagnosis in primary care. Philadelphia: Wolters Kluwer Health/Lippincott Williams & Wilkins. 2008. pp. 211. ISBN 0-7817-6812-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Heartburn
  NODES