Pangmadaliang pagkain

pagkaing inihanda at inihain sa maikling panahon

Ang pangmadaliang pagkain (Ingles: fast food) ay isang uri ng pagkaing maramihang-gawa na idinisenyo para sa komersyal na pagbebenta, na may labis-labis na pagdiriin sa bilis ng serbisyo. Isa itong katawagang komersyal, limitado sa pagkain na ibinebenta sa restawran o tindahan na may sangkap na elado, patiunang pinainit o niluto at inihain sa balutang pang-take-out. Nilikha ang pangmadaliang pagkain bilang estratehiyang komersyal na mapaunlakan ang malalaking bilang ng mga bising biyahero at mga manggagawa. Noong 2018, tinatantiyang $570 bilyon ang halaga ng industriya ng pangmadaliang pagkain sa buong mundo.[1]

Mga halimbawa ng pangmadaliang pagkain (mula kaliwa pakanan, mula taas pababa): Cheeseburger, soft drink, pritong patatas, pizza margherita, hot dog, pritong manok, submarine sandwich, at donat.

Ang pinakamabilis na anyo ng "pangmadaliang pagkain" ay binubuo ng mga pagkaing patiunang niluto na nagpapababa ng panahon ng paghihintay sa ilang segundo lamang. Sa mga ibang kainang pangmadalian, pangunahin ang mga burgeran kagaya ng McDo, ay gumagamit ng sangkap na maramihang-gawa, at patiunang inihanda (binalutang tinapay at kondimento, eladong patty ng baka, gulay na patiunang hinugasan, hiniwa, o pareho; atbp.) at niluluto lang ang karne at pritong patatas bago iimpake ang order.

Pagkakaroon ng drive-thru ang karaniwang nagpapaiba sa mga pangmadaliang kainan. Maaari itong maging kiyosko, na walang kanlungan o upuan,[2] o restawran (na kilala rin bilang quick service restaurant o "restawrang mabilis-serbisyo").[3]

Sa karamihan ng pangmadaliang pagkain, mataas ang nasasalang taba, asukal, asin at kaloriya.[4] Naiugnya ang pangmadaliang pagkain sa mas nanganganib na magkaroon ng sakit sa puso, kanser sa pagdumi, labis na katabaan, mataas na kolesterol, paglaban sa insulin at depresyon.[5][6][7][8] Nananatiling matatag ang mga ugnayang ito kahit ikontrol ang mga baryableng nagpapalito sa pamumuhay, na nagmumungkahi ng malaking kaugnayan ng pagkokonsumo ng pangmadaliang pagkain at higit na panganib na magkasakit at mamatay nang maaga.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Fast Food Industry Analysis 2018 – Cost & Trends" [2018 na Pagsusuri ng Industriya ng Pangmadaliang Pagkain – Mga Gastos & Uso]. franchisehelp.com (sa wikang Ingles). Franchise Help. 2018. p. 1. Nakuha noong Hulyo 16, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Jakle, John (1999). Fast Food: Roadside Restaurants in the Automobile Age [Pangmadaliang Pagkain: Mga Restawran sa Tabing Daan sa Edad ng Sasakyan] (sa wikang Ingles). Johns Hopkins University Press. ISBN 978-0-8018-6920-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link); Brueggemann, Walter (1993). Texts Under Negotiation: The Bible and Postmodern Imagination. Fortress Press. ISBN 978-0-8006-2736-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Quick Service Restaurants (QSR) Market Worth USD 577.71 Billion by 2028 at 3.65% CAGR – Report by Market Research Future (MRFR)" [Merkado ng Restawrang Mabilis-Serbisyo (RMS), Magkakahalagang USD 577.71 Bilyon Pagsapit ng 2028 at 3.65% CAGR – Ulat ng Market Research Future (MRFR)]. GlobeNewswire (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Ingles). Agosto 18, 2021. Nakuha noong Agosto 26, 2021.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hellesvig-Gaskell, Karen. "Definition of Fast Foods | LIVESTRONG.COM" [Kahulugan ng Pangmadaliang Pagkain | LIVESTRONG.COM]. LIVESTRONG.COM (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 3, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The link between fast food and depression has been confirmed" [Nakumpirma ang koneksyon ng pangmadaliang pagkain at depresyon]. EurekAlert! (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Susan Cohan Colon Cancer Foundation: Prevention: Eating Well/Diet" [Susan Cohan Colon Cancer Foundation: Pag-iwas: Pagkain nang Maayos/Diyeta]. coloncancerfoundation.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 18, 2016. Nakuha noong Agosto 16, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Publications, Harvard Health. "Red meat and colon cancer – Harvard Health" [Pulang karne at kanser ng kolon – Harvard Health] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 22, 2016. Nakuha noong Agosto 16, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Bao, Wei; Tobias, Deirdre K.; Olsen, Sjurdur F.; Zhang, Cuilin (Disyembre 1, 2014). "Pre-pregnancy fried food consumption and the risk of gestational diabetes mellitus: a prospective cohort study" [Pagkonsumo ng pritong pagkain habang buntis at ang panganib ng diabetes mellitus sa gestasyon: isang prospektibong pag-aaral ng pangkat]. Diabetologia (sa wikang Ingles). 57 (12): 2485–2491. doi:10.1007/s00125-014-3382-x. ISSN 1432-0428. PMC 4221538. PMID 25303998.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Pan, An; Malik, Vasanti; Hu, Frank B. (Hulyo 10, 2012). "Exporting Diabetes to Asia: The Impact of Western-Style Fast Food" [Pagluluwas ng Diabetes sa Asya: Ang Impak ng Kanluraning Pangmadaliang Pagkain]. Circulation (sa wikang Ingles). 126 (2): 163–165. doi:10.1161/CIRCULATIONAHA.112.115923. ISSN 0009-7322. PMC 3401093. PMID 22753305.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES
Done 1
News 1