Panitikang mahalay

Ang panitikang mahalay o literaturang erotiko ay binubuo ng kathang-isip at makatotohanang mga kuwento at mga paglalahad ng mga ugnayang seksuwal na may kapangyarihan na o nilalayong seksuwal na makaantig sa bumabasa.[1] Ang ganyang erotika ay nasa anyo ng mga nobela, maiikling mga kuwento, mga gunamgunam na batay sa totoong buhay, at mga manwal na pangseks. Isang karaniwang tampok ng henero ang transgresibong pantasyang seksuwal na nasa mga temang katulad ng prostitusyon, mga orgy, homoseksuwalidad, sado-matsismo, cross-dressing (pagsusuot ng damit ng kabaligtad na kasarian), pakikiapid sa kamag-anak (incest), at maraming iba pang mga bawal na paksa at mga petis, na maaari o hindi maaaring ipadama sa wika nang lantaran.[2] Iba pang pangkaraniwang elemento ng panitikang ito ang pagtuya o pag-uyam (satire) at kritisismong panglipunan. Sa kabila ng mga tabu na pangkultura hinggil sa ganyang mga materyal, bago pa man ang imbensiyon ng nakaimprentang pagpapakalat ng panitikang erotiko ay matanaw bilang isang pangunahing suliranin, dahil sa ang mga halaga ng gugulin sa paggawa ng bawat isang mga manuskrito ay nakapaglimita sa pagpapamudmod papunta sa isang napakaliit na pangkat ng mga mambabasa. Ang imbensiyon ng paglilimbag, noong ika-15 daantan, ang nagdala ng isang mas malaking bilang ng mga tagapamili (merkado) at tumataas na mga pagbabawal, na naging nasa anyo ng pagsesensor o censorship at mga limitasyong legal sa paglalathala dahil sa obsenidad.[3] Dahil rito, karamihan sa produksiyon ng ganitong uri ng materyal ay naging palihim.[4] Karamihan sa mga mahahalay na panitikan ang nagtatampok ng mahalay na sining bilang paglalarawan sa tekstong nilalaman.

[[file:‎|150px|alt=]]
.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Hyde (1964) p. 1
  2. Kronhausen (1969)
  3. Hyde (1964); pp. 1-26
  4. Patrick J. Kearney (1982) A History of Erotic Literature. Parragon: 7-18
  NODES