Procter & Gamble

(Idinirekta mula sa Pantene)

Ang Procter & Gamble Company (P&G) ay isang Amerikanong multinasyonal na korporasyon sa mga produktong mamimili na may punong-himpilan sa bayanan ng Cincinnati, Ohio at itinatag noong 1837 nina William Procter at James Gamble.[3] Nagdadalubhasa ang kompanyang ito sa maraming uri ng panlinis, pansariling pag-aalaga at produktong may kinalaman sa pangangalaga ng kalusugan. Organisado ang mga produkto sa mga iiang sangay kabilang ang Beauty (Kagandahan); Grooming (Pag-aayos); Health Care (Pangangalagang Pangkalusugan); Fabric & Home Care (Pangangalagang Pantela & Pambahay); at Baby, Feminine, & Family Care (Pangangalagang Pansanggol, Pambabae, & Pampamilya). Bago ang pagbenta ng Pringles sa Kellogg's, kasama rin sa portpolyo ng produkto nito ang mga pagkain, pangmeryenda, at inumin.[4] Inkorporado ang P&G sa Ohio.[5]

Procter & Gamble Co.
UriPubliko
IndustriyaKalakal pangmamimili
Itinatag31 Oktubre 1837; 187 taon na'ng nakalipas (1837-10-31)
Cincinnati, Ohio, U.S.
Nagtatags
Punong-tanggapan
Cincinnati, Ohio
,
U.S.
Pinaglilingkuran
Buong mundo (maliban sa Cuba at Hilagang Korea)
Pangunahing tauhan
David S.Taylor (Tagapangulo, Presidente & CEO)[1]
Jon R. Moelle (Pangalawang Tagapangulo at COO)
ProduktoPanlinis
Pangangala sa Sarili
Beauty Care Products
Personal Healthcare Products
Diagnostics (sa pamamagitan ng SPD Joint Venture)
TatakSee list of brands
KitaIncrease $67.684 bilyon[2] (2019)
Kita sa operasyon
Decrease $5.487 bilyon[2] (2019)
Decrease $3.897 bilyon[2] (2019)
Kabuuang pag-aariDecrease $115.1 bilyon[2] (2019)
Kabuuang equityDecrease $47.58 bilyon[2] (2019)
Dami ng empleyado
97,000[2] (2019)
Websitepg.com

Noong 2014, nagtala ang P&G ng $83.1 bilyon (mahigit PHP4 trilyon) na benta. Noong Agosto 1, 2014, pinabatid ng P&G na papasimplehan ang kompanya sa pamamagitan ng pagtanggal at pagbenta sa ibang kompanya ng tinatayang 100 mga tatak mula sa portpolyo ng produkto nito upang mapunta ang tuon nila sa natitirang 65 mga tatak,[6] na naglilikha ng 95% ng kita ng kompanya. Sinabi ni A. G. Lafley—ang tagapangulo ng kumpanya, at CEO hanggang Oktubre 31, 2015—na ang P&G ng hinaharap ay magiging "mas simple, mas di-masalimuot na kumpanya ng mga nangungunang tatak na mas madaling pangasiwaan at patakbuhin".[7]

Si David S. Taylor ang kasalukuyang tagapangulo at CEO ng P&G.

Kasaysayan

baguhin

Pinagmulan

baguhin

Si William Procter, isang tagagawa ng kandila na ipinanganak sa Inglaterra, at si James Gamble, isang sabonero na ipinanganak sa Irlanda, ay kapwa nangibang-bayan mula sa Nagkakaisang Kaharian. Nanirahan sila sa Cincinnati, Ohio noong una at nakilala nila ang isa't isa noong ikinasal nila sina Olivia at Elizabeth Norris, mga kapatid ng isa't isa.[8] Hinikayat sila ni Alexander Norris, ang kanilang biyenang-lalaki, na maging kasosyo, at noong 1837 nalikha ang Procter & Gamble.

Noong 1858–1859, umabot ang benta ng $1 milyon. Sa puntong iyon, pinagtatrabahuan ng halos 80 empleyado ang Procter & Gamble. Noong Digmaang Sibil ng Amerika, nakakuha ang kumpanya ng mga kontrata upang matustusan ang Union Army ng sabon at kandila. Bilang karagdagan sa kitang nadagdagan noong giyera, ipinakilala ng mga kontratang militar ang mga sundalo sa buong bansa sa mga produkto ng Procter & Gamble.

Noong dekada 1880, nagsimulang magmarket ang Procter & Gamble ng bagong produkto, isang murang sabon na lumulutang sa tubig .[9] Tinawag nila itong Ivory.[9]

Si William Arnett Procter, apo ni William Procter, ay nagsimula ng programang pagbabahagi ng kita para sa lakas-paggawa ng kumpanya noong 1887. Sa pagbibigay ng istaka ng kumpanya sa mga manggagawa, wastong ipinalagay niya na malamang na hindi sila magwewelga.

Nagsimulang magtayo ang kumpanya ng mga pabrikante sa mga ibang lokasyon sa Estados Unidos dahil nakaliitan na ang kapasidad ng mga pasilidad ng Cincinnati para sa hinihinging produkto.

Nagsimulang pag-iba-ibahin din ng kumpanya ang kanyang mga produkto, at noong 1911, nagsimulang gumawa ng Crisco, isang mantika gawa sa langis-gulay sa halip ng taba ng hayop.[9] Noong sumikat ang radyo sa dekada 1920 at 1930, itinaguyod ng kumpanya ang iilang programang pangradyo.

Pandaigdigang pagpapalawak

baguhin

Pumasok ang kumpanya sa mga ibang bansa, kapwa sa pagmamanupaktura at pagbebenta ng produkto, at naging pandaigdigang korporasyon ito noong kanyang pagtatamo ng 1930 ng Thomas Hedley Co.,[9] na nakabase sa Newcastle upon Tyne, England. Pagkatapos nitong pagtatamo, nagkaroon ang Procter & Gamble ng Punong-Himpilan sa UK sa 'Hedley House' sa Newcastle upon Tyne, hanggang sa kamakailan lamang, kung kailan lumpiat sila sa The Heights, Brooklands. Sa paglipas ng panahon, ipinakilala ang mararaming bagong produkto at tatak, at nagsimulang magsanga ang Procter & Gamble sa mga bagong larangan. Ipinakilala ng kumpanya ang Tide (sabong panlaba), noong 1946[10] at Prell (siyampu) noong 1947.[11] Noong 1955, nagsimulang magbenta ang Procter & Gamble ng unang tutpeyst na may plururo, na kilala bilang Crest.[9] Nagsanga muli ang kumpanya noong 1957, at ibinili nila ang Charmin (pagawaan ng papel) at nagsimulang yumari ng pang-iwang at iba pang produktong lamuymoy. Muling nakatuon ng pansin sa labada, nagsimulang yumari ang Procter & Gamble ng Downy (pampalambot ng tela) noong 1960 at Bounce (pilyegong pampalambot ng tela) noong 1972.[12]

Ang isa sa mga pinakamakabagong produkto na lumabas sa merkado ang Pampers, isang-gamit-tapon na lampin ng kumpanya, unang ipinagbili at nasubok noong 1961, ang parehong taon kung kailan inilabas ng Procter & Gamble ang Head & Shoulders.[13] Bago ang puntong ito, hindi sikat ang mga lamping isang-gamit-tapon, ngunit nakabuo ang Johnson & Johnson ng produktong tinatawag na Chux. Palaging nagsuot ang mga sanggol ng lamping tela, na tumatagas at matrabahong hugasan. Nagbigay ang Pampers ng alternatibo, ngunit may pinsala sa kapaligiran ng mas maraming basura na kailangang itambak. Sa gitna ng mga kamakailang ikinababahala ng mga magulang sa mga sangkap sa lampin, inilabas ng Pampers ang koleksyong Pampers Pure noong 2018, na isang mas "natural" na alternatibong lampin.[14]

Mga karagdagang pag-unlad

baguhin

Nagtamo ang Procter & Gamble ng iilang ibang kumpanya na nagpaiba-iba sa kanyang linya ng produkto at makabuluhang itinaas ang tubo. Kabilang sa mga itinamo ang Folgers Coffee, Norwich Eaton Pharmaceuticals (ang gumagawa ng Pepto-Bismol), Richardson-Vicks, Noxell (Noxzema), Old Spice ng Shulton, Max Factor, ang Iams Company, at Pantene, bukod sa iba pa. Noong 1994, naging paulong-balita ang kumpanya dahil sa malalaking pagkalugi mula sa mga levered positions sa mga deribatibo sa antas ng interes, at kalaunang inihabla ang Bankers Trust para sa pandaraya; inilagay nito ang kanilang pamamahala sa pambihirang posisyon ng pagtetestigo sa korte na pumasok sila sa mga transaksyon na hindi nila kayang intindihin. Noong 1996, muling naging paulong-balita ang P&G noong inapruba ng Administrasyon ng Pagkain at Gamot ng baong produkto na ibinuo ng kumpanya, Olestra. Kilala rin sa kanyang tatak 'Olean', ang Olestra ay kahalili sa taba na mas mababa sa kaloriya para sa pagluluto ng potato chips at iba pang pangmeryenda.

Noong Enero 2005, inanunsyo ng P&G ang pagtatamo ng Gillette, na nagbuo sa pinakamalaking kumpanya ng kalakal pangmamimili at inilagay ang Unilever sa ikalawang puwesto.[15] Idinagdag nito ang mga tatak tulad ng Gillette (pang-ahit), Duracell, Braun, at Oral-B sa kanilang repertoryo. Inapruba itong pagtatamo ng Unyong Europeo at Komisyon sa Kalakal Pederal, na may kondisyon ng spinoff ng iilang magkasanib-sanib na tatak. Sumang-ayon ang P&G sa pagbenta ng kanyang negosyo ng SpinBrush, isang de-batiryang sipilyong de-kuryente sa Church & Dwight,[16] at ng linya ng Rembrandt toothpaste ng Gillette sa Johnson & Johnson.[17] Ipinagbili ang mga tatak ng desodorante, Right Guard, Soft and Dri, at Dry Idea, sa Dial Corporation.[18] Opisyal na pinagsama ang mga kumpanya noong Oktubre 1, 2005. Ipinagbili ang Liquid Paper at ang sangay ng stationery ng Gillette, Paper Mate, sa Newell Rubbermaid. Noong 2008, nagsanga ang P&G sa negosyo ng musika sa kanyang pagtaguyod ng Tag Records, bilang pag-enedorso ng TAG Body Spray.[19]

Dahil sa pangingibabaw ng P&G sa mga maraming kategorya sa mga produktong pangmamimili, mahalagang pag-aralan ang mga desisyon sa pangangasiwa ng tatak.[20] Halimbawa, dapat isaalang-alang ng mga estratehista ng korporasyon ang posibilidad ng kanibalisasyon ng benta ng iba nilang produkto.[21]

Noong Agosto 25, 2009, inanunsyo ng Warner Chilcott, isang kompanyang parmaseutikal na nakabase sa Irlanda, na binili nila ang negsoyo ng P&G sa inireresetang gamot para sa $3.1 bilyon.[22]

Pananalapi

baguhin

Para sa taong-panuusan 2018, iniulat ng Procter & Gamble ang kita ng US$9.750 billion, na may taunang kita ng US$66.832 bilyon, isang pagtaas ng 2.7% sa nakaraang taong-panuusan. Ipinagpalit ang mga bahagi ng Procter & Gamble sa higit sa $86 kada bahagi noong 2017, at pinahalagahan ang kanyang kapitalisasyon sa merkado sa higit sa US$221.5 bilyon noong Oktubre 2018.[23] Niranggo ang Procter & Gamble bilang Ika-42 sa talaan ng Fortune 500 2018 ng pinakamalaking korporasyon ng Estados Unidos ayon sa kabuuang kita.

Taon Kita
sa mil. USD$
Pumapasok na tubo
sa mil. USD$
Kabuuang Ari-arian
sa mil. USD$
Empleyado
2005 56,741 6,923 61,527
2006 68,222 8,684 135,695
2007 74,832 10,340 138,014
2008 79,257 12,075 143,992
2009 76,694 13,436 134,833
2010 78,938 12,517 128,172
2011 82,559 11,564 138,354
2012 83,680 10,500 132,244
2013 84,167 11,068 139,263 121,000
2014 83,062 11,390 144,266 118,000
2015 76,279 6,777 129,495 110,000
2016 65,299 10,508 127,136 105,000
2017 65,058 15,326 120,406 95,000
2018 66,832 9,750 118,310 92,000
2019 67,684 3,897 115,095 97,000

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Leadership Team". Procter & Gamble. Nakuha noong Pebrero 12, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Annual Report 2019 (Form 10-K)" (PDF). Procter & Gamble. U.S. Securities and Exchange Commission. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Septiyembre 3, 2019. Nakuha noong September 3, 2019. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. "history_of_innovation". us.pg.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 15, 2016. Nakuha noong Pebrero 15, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Procter & Gamble board meets amid CEO reports". Boston Herald. Associated Press. Hunyo 9, 2009. Nakuha noong Mayo 5, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  5. "10-K". 10-K. Nakuha noong 1 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Coolidge, Alexander (Hulyo 10, 2015). "P&G brand sales, restructuring will cut jobs up to 19%". Cincinnati Enquirer. Nakuha noong Marso 3, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Around 100 brands to be dropped by Procter and Gamble to boost sales". Cincinnati News. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 8, 2014. Nakuha noong Agosto 2, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Dyer, Davis; Dalzell, Frederick; Olegario, Rowena (2004). Rising Tide: Lessons from 165 Years of Brand Building at Procter & Gamble. Harvard Business School Press. ISBN 1-59139-147-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 Horowitz, Alana. "How Procter & Gamble Became The Maker Of EVERYTHING You Buy For Your House". Business Insider. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 10, 2019. Nakuha noong 2019-10-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Byron, Ellen (2009-08-07). "Tide Turns 'Basic' for P&G in Slump". Wall Street Journal (sa wikang Ingles). ISSN 0099-9660. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 10, 2019. Nakuha noong 2019-10-10.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Reuters (1999-05-06). "Company News; Procter & Gamble Considers Selling Its Prell Brand". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 10, 2019. Nakuha noong 2019-10-10. {{cite news}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Bounce Dryer Sheets" (PDF). Procter & Gamble. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Disyembre 4, 2016. Nakuha noong Oktubre 13, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Dyer, Davis; atbp. (Mayo 1, 2004). Rising Tide: Lessons from 165 Years of Brand Building at Procter and Gamble. Harvard Business Press. p. 423. ISBN 9781591391470. Nakuha noong Marso 4, 2016. william a procter president.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Say Goodbye to Compromise, Say Hello to Pampers Pure Protection That Works" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 1, 2018. Nakuha noong 2018-10-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Isidore, Chris (Enero 28, 2005). "P&G to buy Gillette in $57B stock deal". CNN Money. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 15, 2017. Nakuha noong Oktubre 13, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Berman, Dennis K.; Ellison, Sarah (Setyembre 14, 2005). "P&G Plans to Sell SpinBrush Unit To Advance Merger". The Wall Street Journal. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 7, 2016. Nakuha noong Marso 4, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "P&G sells Rembrandt to Johnson & Johnson". Cincinnati Business Journals. Oktubre 24, 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 8, 2016. Nakuha noong Marso 4, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Wherrity, Constance (Pebrero 21, 2006). "Dial Agrees to Buy P&G Deodorant Brands". Pierce Mattie Public Relations New York blog. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 1, 2012. Nakuha noong Mayo 5, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "P&G Must Proceed With Caution". Marketing Doctor Blog. Hulyo 10, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 10, 2012. Nakuha noong Mayo 5, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "How To Learn From GE and P&G When The World Is About To Change". Marketing Doctor Blog. Hunyo 6, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 22, 2012. Nakuha noong Mayo 5, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Horstman, Barry M (Oktubre 11, 2005). "John G. Smale: He rebuilt P&G – and city, too". The Cincinnati Post. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 5, 2005.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Cordieiro, Anjali; Loftus, Peter (Agosto 25, 2009). "Warner Chilcott to pay $3.1 for P&G's drug business". The Wall Street Journal. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 25, 2016. Nakuha noong Mayo 5, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Annual Reports | P&G". www.pginvestor.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 7, 2018. Nakuha noong 2018-11-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES
ELIZA 1
HOME 1
Idea 1
idea 1
innovation 1
mac 1
musik 1
os 25
web 12