Ang patas na paggamit (Ingles: fair use)[1] ay isang doktrinang ligal sa batas ng karapatang-sipi ng ilang mga bansa, tulad ng sa Estados Unidos at Pilipinas, na pinahihintulutan ang kaunting paggamit ng nilalamang protektado ng karapatang-sipi nang hindi na kailangang kumuha ng pahintulot mula sa may-aring karapatang-sipi. Isa ang patas na paggamit sa mga limitasyon sa karapatang-sipi na naglalayong balansehin ang kapakanan ng mga may-aring karapatang-sipi sa kapakanan ng madla sa pinalawak na pamamahagi at paggamit ng mga likha, sa pamamagitan ng paggamit ng doktrina bilang pananggalang sa mga reklamong paglabag sa karapatang-sipi hinggil sa ilang mga limitadong paggamit na maaaring ituring na paglabag sa karapatang-sipi.[2] Pangkaraniwang mas-malawak ang "doktrinang patas na paggamit" ng Estados Unidos kompara sa mga karapatang "fair dealing" na umiiral sa mga bansang nagmana ng Kinaugaliang Batas (Common Law) ng mga Ingles. Ang karapatang patas na paggamit ay isang pangkalahatang kataliwasan para sa iba't ibang mga paggamit ng iba't ibang mga likha. Sa Estados Unidos, nakabatay ito sa nababagay na proporsyonalidad na pagsusuri na sinusuri layon ng paggamit, ang laki o dami ng ginamit, at ang talab ng paggamit sa merkado ng orihinal na likha.

Nagsimula ang doktrina ng "patas na paggamit" sa kinaugaliang batas noong ika-18 at ika-19 na mga dantaon upang hindi maging labis na mahigpit ang paglalapat ng batas ng karapatang-sipi na "sumasakal sa mismong pagkamalikhain na inaasahang lilinangin ng batas [ng karapatang-sipi]."[3][4] Bagamat unang lumitaw ito bilang doktrina sa kinaugaliang batas, pinasok ito sa estatutoryang batas nang ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos Batas ng Karapatang-Sipi ng 1976. Naglabas ng ilang mahahalagang mga pasya ang Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos upang bigyang-linaw at patotohanan ang doktrinang patas na paggamit mula pa noong dekada-1980.[5] Isa sa pinakahuling mga pasya ang Google LLC v. Oracle America, Inc. noong 2021.

Pandaigdig na katayuan ng patas na paggamit

baguhin

Bagamat may impluwensiya ang doktrinang patas na paggamit ng Estados Unidos sa ilang mga bansa, iba't iba ang kraytirya ng patas na paggamit ng ilang bansa. Wala namang sistema ng patas na paggamit ang ilan pang mga bansa. Ilan naman sa mga bansa ay gumagamit ng kaisipang fair dealing sa halip ng patas na paggamit, habang gumagamit naman ng iba't ibang mga sistema ng mga limitasyon at eksepsiyon sa karapatang-sipi ang ibang mga bansa. Maraming mga bansa ay may tinutukoy na pagkakapuwera para sa paggamit ng protektadong nilalaman sa layuning pang-edukasyon, ngunit naiiba ang saklaw ng pagkakapuwerang ito.

Hindi magkasundo ang mga sanggunian hinggil sa kung lubusang kinikilala ba ang patas na paggamit sa mga bansa liban sa Estados Unidos. Naglathala ang infojustice.org ng American University ng isang kalipunan ng mga bahagi ng higit sa apatnapung mga batas ng mga bansa na malinaw na bumabanggit ng fair use o fair dealing. Iginigiit nito na nagbago na ang ilang mga doktrinang fair dealing, tulad ng sa Canada, sa paraang mas-malapit na ang mga ito sa mga pamantayan sa Estados Unidos, at nagbago ang mga ito sa pamamagitan ng mga naging pasya ng mga hukuman. Kasali sa kalipunang ito ang mga probisyon sa patas na paggamit ng Bangladesh, Israel, Pilipinas, Timog Korea, Sri Lanka, Taiwan, Uganda, at Estados Unidos.[6] Subalit ayon sa International Copyright Law and Practice ni Paul Geller na inilathala noong 2009, tanging Israel at Estados Unidos lamang ang mga bansang lubusang kumikilala sa kaisipang patas na paggamit.[7]

Tinututulan ng International Intellectual Property Alliance (IIPA), isang grupo de presyon (lobby group) sa Estados Unidos na binubuo ng mga entidad sa panig ng industriya ng karapatang-sipi, ang pandaigdigang pagpapairal ng doktrinang patas na paggamit. Iginigiit nilang umaasa ang doktrinang ito sa kinaugaliang batas at pangmatagalang mga pasya ng mga hukuman na maaaring wala sa labas ng Estados Unidos.[8]

Pilipinas

baguhin

Matatagpuan sa Seksiyon 185 ng Kodigo ng Ari-Ariang Intelektuwal ng Pilipinas ang doktrinang patas na paggamit ng Pilipinas.[9] Kahalintulad sa pamantayan ng patas na paggamit sa Estados Unidos ang apat na mga salik sa Seksiyon 185.1:

The fair use of a copyrighted work for criticism, comment, news reporting, teaching including limited number of copies for classroom use, scholarship, research, and similar purposes is not an infringement of copyright. Decompilation, which is understood here to be the reproduction of the code and translation of the forms of a computer program to achieve the interoperability of an independently created computer program with other programs may also constitute fair use under the criteria established by this section, to the extent that such decompilation is done for the purpose of obtaining the information necessary to achieve such interoperability. In determining whether the use made of a work in any particular case is fair use, the factors to be considered shall include:
(a) The purpose and character of the use, including whether such use is of a commercial nature or is for non-profit educational purposes;
(b) The nature of the copyrighted work;
(c) The amount and substantiality of the portion used in relation to the copyrighted work as a whole; and
(d) The effect of the use upon the potential market for or value of the copyrighted work.
[10]

Malaysia

baguhin

May pagbabago noong 2012 sa Seksiyon 13(2) ng Batas ng Karapatang-sipi ng 1987 na nagtatag ng eksepsiyong "fair dealing" na hindi restriktado sa layunin ng paggamit. Kasali ang apat na mga salik na tulad ng tinutukoy sa batas ng Estados Unidos.[11]

Timog Korea

baguhin

Binago noong 2012 ang batas ng karapatang-sipi ng Timog Korea upang isama ang doktrinang patas na paggamit na matatagpuan sa Artikulo 35–3. Mayroon itong apat na salik na kahalintulad sa pamantayan sa Estados Unidos.[12]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Glossary of Terms - Copyright". IPOPHL. Nakuha noong Hunyo 27, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Aufderheide, Patricia; Jaszi, Peter (2011). Reclaiming Fair Use: How to Put Balance Back in Copyright (sa wikang Ingles). University of Chicago Press. pp. 10–11. ISBN 978-0-226-03228-3. Nakuha noong Abril 16, 2018.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gyles v Wilcox, 3 Atk 143;26 ER 489 (Court of Chancery (England) 1740).
  4. Nimmer on Copyright § 13.05, quoting Iowa State Research Foundation, Inc. v. American Broadcasting Companies, 621 F.2d 57 (2d Cir. 1980).
  5. Nimmer on Copyright § 13.05.
  6. Band, Jonathan; Gerafi, Jonathan. "The Fair Use/Fair Dealing Handbook" (PDF). infojustice.org. American University Program on Information Justice and Intellectual Property.
  7. Geller, Paul. "International Copyright Law and Practice" (ika-2009 (na) edisyon). Matthew Bender & Co Inc. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  8. Masnick, Mike (Nobyembre 4, 2019). "US Government Threatening To Kill Free Trade With South Africa After Hollywood Complained It Was Adopting American Fair Use Principles". Techdirt. Nakuha noong Nobyembre 4, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "IPOPHL releases statutory fair use guidelines to clarify rules on copyright exceptions". IPOPHL. Marso 4, 2024. Nakuha noong Hunyo 27, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Intellectual Property Code of the Philippines (Republic Act No. 8293) (2015 Edition)". World Intellectual Property Organization. Nakuha noong Hunyo 27, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Copyright (Amendment) Act of 2012" (PDF). World Intellectual Property Organization. Nakuha noong Oktubre 21, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Ben (Pebrero 23, 2013). "How will South Korea Implement fair use?". The 1709 Blog. Nakuha noong Nobyembre 18, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga karagdagang babasahin

baguhin
baguhin
  NODES
INTERN 5