Ponema

yunit ng tunog

Ang ponema (mula sa espanyol Fonema) ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita ng partikular na wika. Ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang Filipino na "baha" at "bahay" ay bunga ng pagkakaroon ng dagdag na ponemang /y/ sa salitang "bahay". Kung gayon, ang ponema[1] ay ang pundamental at teoretikong yunit ng tunog na nagbubuklod ng salita. Nakakabuo ng ibang kahulugan kapag pinapalitan ang isang ponema nito.

Ponemang Malayang Nagpapalitan

baguhin

Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nakapagpapalitan.

Halimbawa: sa kaso ng d at r sa mga salitang mariin at madiin at gayundin sa marumi at madumi. Mga ponemang malayang nagpapalitan ang d at r sa salitang "marumi", "madumi", "mariin", at "madiin".

Mahalaga sa "pagpapadulas" ng mga salita at pagpapabilis ng komunikasyon ang paggamit ng ponemang malayang nagpapalitan. Kadalasan ding ginagamit ang ponemang malayang nagpapalitan upang mabigyang diin ang mga salitang nagiiba ang tunog, depende sa lugar na pinaggagamitan. Sa iba't ibang pulo o pook sa Pilipinas, iba-iba ang mga diyalekto

Ponemang segmental

baguhin

Ang ponemang segmental ay ang tunog o ponemang kinakatawan ng titik. Ito ang mga sumusunod:

  • katinig - Ang katinig ay pinakamarami sa alpabetong Filipino at ginagamit natin ngayon para makabuo ng maraming salita
  • patinig - Itinuturing din ang patinig na pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi ng pantig. Walang pantig sa Filipino na walang patinig.
  • diptonggo
  • klaster

Ponemang suprasegmental

baguhin

Ang ponemang suprasegmental ay ang ponemang kinakatawan ng notasyon at iba pang simbulo na may kahulugan. Ito ang mga ito:

  • haba (length) - tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig
  • tono (pitch) - tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig
  • antala (juncture) - tumutukoy sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita
  • diin (stress o emphasis) - ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig na makakatulong sa pag-unawa sa kahalagahan ng mga salita

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Phoneme". The Scribner-Bantam English Dictionary (Ang Talahulugang Ingles ng Scribner-Bantam). 1991.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
os 4