Puma (tatak)

Tatak ng damit mula Alemanya

Ang Puma SE, nakatatak bilang Puma, ay isang multinasyunal na korporasyong Aleman na nagdidisenyo at gumagawa ng mga kaswal at atletikong sapatos at ibang damit sa paa, mga damit at aksesorya, na may punong himpilan sa Herzogenaurach, Bavaria, Alemanya. Ang PUMA ang ikatlong pinamalaking tagagawa ng mga damit pampalakasan sa buong mundo.[1] Naitatag ang kompanya noong 1948 ni Rudolf Dassler. Noong 1924, si Rudolf at kanyang kapatid na si Adolf Dassler ay nagsama upang itayo ang kompanyang Gebrüder Dassler Schuhfabrik (Pagawaan ng Sapatos ng Magkapatid na Dassler). Nasira ang ugnayan ng dalawang magkapatid at hanggang nagkasundo silang maghiwalay noong 1948, na nagbuo ng dalawang entidad, ang Adidas at ang Puma. Ang parehong kompanya ay nakabase sa Herzogenaurach, Alemanya.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The Top 3 Brands in Sportswear". sportsleisurewear. Nakuha noong 14 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES